Rainier Castillo on being a Kapatid: "Okay ang suweldo dun. Alam naman siguro ng lahat."

"Kasi ako naman, okay lang ako kung ano ang mabibigay nila. Kasi, masaya naman ako sa kahit na anong ginagawa ko," says Rainier Castillo when asked if he does not aspire to get a lead role in soaps.


Para sa StarStruck alumnus, walang anumang pagsisisi si Rainier Castillo sa desisyon niyang lisanin ang GMA-7 upang lumipat sa TV5.

Magtu-two years na si Rainier bilang isang Kapatid talent.

Biro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rainier nang makausap namin siya last week, mayaman na siguro siya ngayon.

Natatawang sabi naman niya, "Nandoon na tayo.

"Okay ang suweldo dun [TV5]. Alam naman siguro ng lahat.

"At saka, kampante ka kasi medyo konti lang kayong artista do’n.

"Ngayon, unti-unti na rin na dumarami, pero okay naman. Okay naman siya."

Naniniwala si Rainier na timing lang nang lumipat siya sa Kapatid network.

"Sa tingin ko talaga, sakto, sakto lang talaga ang paglipat ko."

BUSINESSMAN. Nang tanungin ng PEP ang young actor kung ano ang mga nabago sa kanya simula nang maging Kapatid siya, nagbibiro nitong sabi na: "Edad lang."

Pero ang totoo, may business na raw siya ngayon.

"Palayan siya. Sa Palawan," banggit ni Rainier.

Bumili raw ng lupa ang young actor sa Palawan bagama’t hindi siya taga-roon.

Pero gusto niya ang naturang lugar, bukod sa mas mura raw ang mga lupain doon.

Kuwento pa niya, "Sa ngayon, rice ang tanim. Baka pagtagal-tagal, watermelon naman. 2.6 hectares yung lupa.

"Para sa akin, wala namang masama na subukan ko.

"May nag-offer sa akin na lupa do’n, so sinubukan ko lang.

"Kung effective ba ang ganoong business, at sa ngayon, okay naman."

Hindi naman itinanggi ni Rainier na ang non-showbiz girlfriend niya ang naging link niya kaya siya nakabili ng lupa sa Palawan.

"Yung mommy ng girlfriend ko, yun ang may alam na may lupa nga na binebenta sa Palawan kaya yun.

"Yung girlfriend ko kasi, taga-Palawan din."

Almost three years na raw sila ng girlfriend niya.

RENEWING HIS CONTRACT. Sa March ay mag-e-expire na ang kontrata ni Rainier sa TV5, pero magre-renew raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung susuriin, sa dalawang taon na inilagi niya sa TV5 ay hindi pa nabibigyan ng lead role si Rainier. Kumpara sa kapwa niya noon Kapuso na si JC de Vera na ilang beses nang nagbida sa mga teleserye.

Hindi ba siya nagtatanong kung kailan naman kaya siya mabibigyan ng lead role sa isang soap?

"Wala naman," sagot ng 26-year-old actor.

"Kasi ako naman, okay lang ako kung ano ang mabibigay nila.

"Kasi, masaya naman ako sa kahit na anong ginagawa ko."

Pero aminado naman si Rainier na kumpara sa pinanggalingan niyang network, hindi pa ganun kalakas sa viewers ang TV5.

Katuwiran niya, "Hindi naman ako makikipagdepensa sa bagay na yun.

"Alam naman ng tao na bago pa ang network.

"So, siguro, bigyan nila ng time para mas lalo pang mag-grow.

"Sa part ko naman kasi, like kapag lumalabas ako at nakikita nila ako sa labas, sinasabi naman nila na, ’Idol, palagi akong nanonood ng Lokomoko,’ yung ganoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN