Janelle Manahan admits to being a battered girlfriend in TV interview

Sa interview sa kanya ni Karen Davila para sa Headstart, Biyernes, Enero 13, sinabi ni Janelle Manahan (right) na protective boyfriend daw si Ramgen Revilla (left) at madalas magselos. Pinagbawalan daw siya ng yumaong aktor makipag-usap sa ibang lalaki.

"It was bad. I was hoping he would change and he did naman," Janelle said. Sabi pa ng dalaga, sinasaktan din daw ni Ramgen maging ang mga kapatid nito.


Dati raw battered girlfriend ang murder witness na si Janelle Manahan at sinasaktan siya noon ng kanyang napaslang na nobyo na si Ramgen Revilla.

Ito ang inamin ni Janelle sa interview sa kanya ni Karen Davila para sa Headstart na napanood sa ANC, ang ABS-CBN news channel, Biyernes, Enero 13.

Ayon pa kay Janelle, protective boyfriend daw si Ramgen at madalas magselos kaya’t humantong pa para pagbawalan siyang makipag-usap sa ibang lalaki.

"It was bad. I was hoping he would change and he did naman," ani Janelle.

Sabi pa ng dalaga, sinasaktan din daw ni Ramgen maging ang mga kapatid nito.

Ito raw ang dahilan kaya nagagalit sa kanyang nobyo ang mga kapatid nito lalo na nang paboran umano si Ramgen ng kanilang ama na si dating senador Ramon Revilla Sr.

Paglalarawan naman ng abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra kay Ramgen, isa itong "violent person whose violence manifested in several beatings and strangulations of his own siblings."

Sabi pa ni Atty. Guevarra, maging ang nanay ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay ay nagawa nang protektahan si Janelle kapag nagiging bayolente ang kanyang anak.

Aniya, "In fairness to the mother, she protected and provided protection to Janelle. Every time she was about to be beaten, she would proceed to the room of the mother and that was like sacred ground, like a safe zone."

Nang tanungin si Janelle kung bakit niya isinisiwalat ang mga bagay na ito tungkol kay Ramgen, ang sagot niya, "I want to be transparent about what he really is."

REVENGE OF THE BULLIED. Matatandaan noong Oktubre 28, 2011, ay pinatay si Ramgen sa pamamagitan ng pagbaril at pagsaksak ng isang nakamaskarang lalaki sa loob ng bahay nila sa Parañaque City.

Maging si Janelle ay binaril din pero nakaligtas ito at nabuhay.

Sa statement ni Janelle, inakusahan niya ang mga kapatid ni Ramgen na sina Ramona "Mara" Bautista at Ramon Joseph o RJ Bautista bilang masterminds sa pagpatay sa kanyang nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si RJ ay kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City jail habang si Ramona naman ay nakatakas at tumungo sa hindi pa malamang lugar.

Kalaunan ay isinangkot na rin ni Janelle ang isa pang kapatid na si Gail.

Ayon kay Atty. Guevarra, ang pagpatay kay Ramgen ay maaaring dahilan ng maraming bagay: ang pananakit, ang awayan sa sustento, at pagkainggit ng mga kapatid dahil sa umano’y pagpabor ng ama nila kay Ramgen.

Paglalarawan nga ng abugado, "[This] combined into an explosive mix."

Dagdag pa niya, "Sa kulturang Pilipino, may kasabihan: ’Lintik lang ang walang ganti.’ This is a revenge of the bullied."

Sabi pa ni Atty. Guevarra, dapat daw lahat ng miyembro ng pamilya ni Ramgen ay tratuhing co-conspirators o magkakasabwat sa krimen.

Nakatanggap din daw siya ng impormasyon na si Ramona ay palipat-lipat ng lugar sa Europe.

Nang matanong nga kung kumbinsido ba siyang may kinalaman si Ramona sa krimen, sagot ng abugado, "We are almost certain she is part, she is a co-conspirator.

"She’s a principal in legal terms. She is a principal by indispensable cooperation."

Nakaramdam naman ng pagkaawa si Atty. Guevarra kay Genelyn, na inihayag ni Janelle na may sakit na schizophrenia.

"She failed to perform her duties as a mother," sabi ng abugado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN