JC de Vera confirms breakup with girlfriend Danita Paner

JC de Vera tries to explain his breakup with Danita Paner: "Hindi, ano kasi, for the longest time, parating may girlfriend. Hindi ko naman sinadya talaga na maging single. Pero no’ng time na nagkakaroon na ng crisis sa amin ni Dan [Danita], nagkakaroon na kami ng problema, may mga bagay lang na ang hirap ibalik."


"Ito, single!"

Ito ang naging sagot ni JC de Vera nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang kanyang love life.

Inamin niya sa amin na tinapos na nila ng kanyang dating nobya na si Danita Paner ang one-year relationship nila, noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nakapanayam namin siya noong Huwebes, Enero 12, sa pocket interview ng ilang TV5 stars sa Casino Español, Cebu City, bago ang kanilang inihandang programa ng hapon din na iyon.

MUTUAL DECISION. "Mutual decision" daw ang kanilang paghihiwalay ng mga oras na iyon, kahit pa si Danita ang talagang nakipaghiwalay sa kanya.

Gayunman, hindi gaano nagbigay ng detalye ni JC sa naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Ang tanging malinaw lang daw ay may "crisis" silang pinagdadaanan kung kaya’t nagdesisyon silang tapusin na ang kanilang relasyon.

"Hindi ano kasi, for the longest time parating may girlfriend. Hindi ko naman sinadya talaga na maging single.

"Pero no’ng time na nagkakaroon na ng crisis sa amin ni Dan [Danita], nagkakaroon na kami ng problema, may mga bagay lang na ang hirap ibalik.

"Partly sa work, partly lang, hindi ko sinasabi na ’yon ang main reason, pero isa siya sa mga napag-usapan.

"Hindi, hindi naman selos, wala, walang third party. Well, ’yon ang sinasabi nilang lahat kasi hindi naman talaga kami nagku-kwento ng tungkol do’n.

"Kasi mayro’n din siyang personal problems, e, bukod sa aming dalawa.

"’Yong personal problems na ’yon hindi talaga ako nakikisali talaga do’n, e."

Nagkaka-usap pa rin naman daw sila, lalo pa’t magkasama sila sa isang show, Hey! It’s Saberday!, ang Saturday noontime variety show ng TV5.

Kuwento niya, "Magkasama nga kami sa isang show pa, so regular na nagkikita.

"’Yong first day siguro, ’yong first day after ng breakup tapos magkikita ulit kayo, ’yon ’yong mahirap lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, after that okay na, e. Nag-uusap naman kasi kami, e. Hindi naman totally nawala, okay naman."

LIFE GOES ON. Inamin ni JC na matapos ang kanilang paghihiwalay ay nahirapan din siya.

Ngunit, alam niya sa sarili niya na kailangan pa rin magpatuloy ang kanyang buhay, lalo’t marami siyang pinagkakaabalahan ngayon.

"E, normal naman siguro ’yan," sagot niya nang tanungin kung nasasaktan pa rin ba siya sa naging paghihiwalay nila ni Danita.

"Hindi naman ’yong depressed na lasing, na wala na akong kinakausap na iba.

"A, tuloy pa rin naman ’yong buhay.

"Siyempre minsan nalulungkot. Kasi for one year, mayro’n kang nakasanayan.

"’Yon naman ang kadalasang problema ng mga nagbe-breakup, hindi nila makalimutan ’yong mga nakasanayan nila doon sa relationship."

Bagama’t nagdesisyon silang magkanya-kanya na ng landas, hindi pa rin sarado ang puso ni JC sa posibilidad na magkabalikan silang dalawa ng dati niyang kasintahan.

"Hindi pa naman ano, e, hindi pa sarado lahat, e," pahayag niya.

"Hindi pa sarado lahat, e, tsaka medyo fresh pa.

"Pero, ’yong sa amin ni Dan kasi kung pwede pa ayusin, maaayos, e.

"Kasi gusto ko ayusin muna ’yong probelma ko, ayusin ’yong problema niya, tsaka na namin aayusin ’yong sa amin.

"Pero feeling ko maaayos naman ’yan, pero medyo matagal-tagal pa."

Matapos ang kanilang breakup, nagdesisyunan si JC na "subukan" na "mag-leave" muna sa pakikipagrelasyon o kahit sa pakikipag-date.

"A, ’wag muna siguro," bulalas ng aktor nang tanungin kung nakikita ba niya ang sarili niyang papasok muli sa isang relasyon

"Ito na ’yong susubukan ko na longest na [single ako]. Try lang.

"Nag-start ako high school, e, tapos no’n tuloy-tuloy ako, walang tigil din, e. Kaya ngayon, pwede naman mag-leave naman kahit isang beses lang.

"Ngayon wala, ano muna ako, vacation, naka-leave ako ngayon [sa pakikipagrelasyon]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN