TV host Tonipet Gaba returns to theater in You’re a Good Man, Charlie Brown

GMA-7 TV host Tonipet Gaba will play the role of Schroeder, Charlie Brown’s best friend, in the children’s musical, You’re a Good Man, Charlie Brown.


Maraming hindi nakakaalam na ang Kapuso TV host na si Tonipet Gaba ay nagsimula sa teatro.

Nakilala si Tonipet bilang host ng Art Angel, isang art show for kids na pitong taon rin ang itinakbo sa ere.

Nanalo siya ng Best Children’s Show Host award para sa programang ito.

Ngayon ay host siya ng GMA News TV shows na Tara Let’s Eat at Pop Talk.

Ngunit bago pa siya nakilala sa telebisyon ay marami na rin siyang ginampanang roles sa stage plays sa Pilipinas.

Ilan sa mga ito ay Oliver!, Jesus Christ Superstar, Blood Brothers, at The Little Mermaid.

Nagpahinga lang si Tonipet sa teatro para pagtuunan ang career niya sa telebisyon.

Matapos ang maraming taon, babalik na si Tonipet sa teatro.

Kasama siya sa cast ng You’re A Good Man, Charlie Brown, isa sa mga pinakasikat na musicals sa Broadway, na ipo-produce dito ng 9 Works Theatrical.

Unang itinanghal noong 1967, hango ito sa comic strip na Peanuts, na isinulat ni Charles M. Schulz.

Isa sa mga kilalang karakter mula sa Peanuts ay si Snoopy na isang aso.

Sa Pebrero pa magbubukas ang local production ng nasabing stage play, ngunit ngayon pa lang ay abalá na sa paghahanda ang cast at crew.

Nakadalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa musical noong Wednesday, January 11, sa Manansala Tower ng Rockwell.

Present ang buong cast na nag-perform ng ilang numbers, at kitang-kita na hindi pa rin nawawala kay Tonipet ang dugong teatro.

Kuwento ni Tonipet, sobra ang naramdaman niyang excitement nang malaman niyang magkakaroon ng local production ang You’re A Good Man, Charlie Brown sa Pilipinas.

Fan na raw siya ng comic strip na Peanuts nuong bata pa siya.

Saksi rin siya sa matagumpay na Broadway revival nang nasabing musical nuong 1999, nang teatro pa ang kanyang pinagkakaabalahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na niyang pinangarap na makasama sa production nito. Kaya naman agad niyang kinuha ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng 9 Works Theatrical.

"When I was asked, I was hoping to be Charlie Brown. Pero di ako makaapela, siya ang producer e," sabi ng palabirong si Tonipet.

Ang artistic director ng 9 Works na si Robbie Guevara ang gaganap sa pangunahing karakter.

Gaganap si Tonipet bilang si Schroeder, na itinuturing na closest friend ni Charlie Brown.

OTHER CAST MEMBERS. Kasama rin sa cast si Sweet Plantado-Tiongson, na tulad ni Tonipet ay magbabalik-teatro rin para lang sa You’re A Good Man, Charlie Brown.

Malapit din daw ito sa kanyang puso.

Naging interesado rin siya sa musical na ito dahil sa 1999 Broadway
revival. Bumili pa nga siya ng original recording nito.

Kuwento niya, "So, we listened to it, we were always listening to it, and sabi namin, ’Sana in the future, we could do it.’ 2003 was [when I did] my last musical.

"And then I got married, gave birth, raised a family, did The CompanY... And then I directed You’re A Good Man Charlie Brown for University of Asia and the Pacific.

"And then they [9 Works] asked me to be the musical director for the next show after Sweet Charity. I asked what is the musical?

"They said, ’You’re A Good Man, Charlie Brown.’

"I said, ’Are you kidding? Meron na kayong Sally Brown?’

"I just have to do it. This is one of my favorites."

Kasama rin sa cast sina Franco Laurel, Carla Guevara-Laforteza, at Lorenz Martinez.

Itatanghal ang You’re A Good Man, Charlie Brown sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati City mula February 11 hanggang March 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN