Pauleen Luna returns to work after two weeks of recovery from bike accident

Mahigit dalawang linggong nawala si Pauleen Luna sa Eat Bulaga! dahil inoperahan ito sa bibig gawa nang pagkaka-aksidente niya sa bike.

"Okay na lahat, although hindi pa ako makapag-full smile kasi katatanggal lang ng tahi sa bibig ko. So I had to stretch [it] before coming to the show," Pauleen says.


Bumalik na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga! nuong Sabado, January 14, at ito ang first day of work niya sa taong 2012.

Mahigit dalawang linggo siyang nawala sa noontime show dahil inoperahan ito sa bibig gawa nang pagkaka-aksidente niya sa bike.

"Okay na lahat, although hindi pa ako makapag-full smile kasi katatanggal lang ng tahi sa bibig ko. So I had to stretch [it] before coming to the show," sagot ni Pauleen.

Habang wala ang batang aktres sa Eat Bulaga!, ang daming espekulasyon ang naglabasan.

Hindi na raw ito babalik dahil sa isyu nila ni Vic Sotto.

Pagdating kay Vic, tikom pa rin ang bibig ni Pauleen at ayaw pa rin niyang sagutin ang isyung ito.

"Basta the real reason kaya wala ako ay dahil kailangan ko pa talaga magpagaling.

"Bakit hindi naman ako magtatrabaho sa first day ng taon e, every year naman that’s what we do, so kinakailangan ko lang talaga magpahinga," aniya.

Tinanong rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen tungkol sa friendship nila ni Pia Guanio na dating girlfriend ni Vic.

Marami raw ang curious kung naapektuhan ang friendship nila dahil sa pagkaka-link ngayon ni Pauleen kay Vic.

"Of course not!" mabilis niyang sagot.

"Basta the whole dabarkads, we’re all happy for her. We’re very, very happy for her, kasi lahat kami sa Bulaga, especially me, mahilig sa bata. So, I’m all for motherhood," ang sabi ni Pauleen.

TIME OUT FROM TWITTER AND BBM. Ang isa pang pagbabago kay Pauleen ngayong 2012 ay hininto na niya ang kanyang Twitter account.

Pati ang BBM niya ay deactivated na rin dahil ayaw na raw niyang maapektuhan ang mood niya sa mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Ayaw niyang tukuyin na isa sa mga nagti-tweet ay si Oyoboy Sotto na sinasabing nagpapasaring diumano kay Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado siyang nakakatanggap siya ng mga paninira at hindi magandang komento laban sa kanya.

"Kasi mahal na mahal ko ang Twitter, but it came to a point na parang it gets to me na, yung mga comments whether good or bad.

"I find myself sometimes in a bad mood because of comments na nababasa ko.

"But then, I realize, it really shouldn’t matter dahil ang importante naman talaga, yung mga comments na nanggagaling sa mga taong kilala ko.

"Maybe, one day I’ll open it again. But now, rest muna ako sa Twitter," ang sabi ni Pauleen.

Ganundin daw ang dahilan kung bakit hindi na active ang kanyang BBM.

"Yung mga totoo ko namang kaibigan can text or call me kung meron silang gustong sabihin sa akin," aniya.

Sa isyung may mga hindi magagandang tweet si Oyoboy na halatang siya ang pinatatamaan, maingat ang sagot ni Pauleen.

"I just don’t wanna comment on that right now.

"But, again it all [boils] down to wala naman akong ginagawang masama. So, I’m gonna stick to that," sagot niya.

Dahil na rin dito, napilitang maglabas ng statement ang kanyang ina para ipagtanggol siya.

Ayon nga kay Pauleen, "Of course, you cannot take it away from them [her parents] na maapektuhan sila.

"Ako naman, I [tell] them naman kung ano talaga ang mga nangyayari."

HOUSE RUMORS. "Yun lang, it just hurts me na sinasabing the house na ’pinapagawa namin is a gift," ang sabi ni Pauleen.

"With pride and with full confidence, I can say na lahat ng pera na ginamit sa bahay na iyan ay mostly from my parents.

"Sobrang konti lang nga ang dinagdag ko, and I wasn’t even obliged to give.

"Ako lang talaga ang nagkusang magbigay, kasi naman kumikita naman ako. So, nagbigay ako ng konting-konting share dun sa bahay," paliwanag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May gusto iparating ni Pauleen sa mga naninira sa kanya at sa mga nagpapasaring sa pagkaka-link nito kay Vic.

"Right now, I really, really value privacy.

"Everyone is entitled to his own opinion, and I respect it.

"Kaso nga lang, siguro sana alamin na lang muna ang buong istorya at ang totoong istorya bago maghusga.

"Hindi lang sa akin, kahit sa kaninong artista in any given situation, para masaya ang buhay."

Masaya ba siya ngayon?

"Oo, masaya ako!"

Dahil in love siya?

"I’m always in love. But I’m happy," buong ningning niyang sagot at sinundan ng matamis na ngiti.

Samantala, marami ang nakakita na magkasama sina Vic at Pauleen na umalis ng studio pagkatapos ng Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN