Matteo Guidicelli says Maja Salvador is the last woman he will ever love

Umaapaw ang pagmamahal sa isa’t-isa nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa presscon para sa lalabas nilang movie under Star Cinema Inc. at Starlight Productions, ang My Cactus Heart.

Isang linya ang pinakawalan ng young actor na ikinagulat ng entertainment press: Si Maja daw ang pinakahuling babae para sa kanya.

Hindi naman nagpatalbog ang aktres. Sa kauna-unahang pag


Umaapaw ang pagmamahal sa isa’t-isa nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa presscon para sa lalabas nilang movie under Star Cinema Inc. at Starlight Productions, ang My Cactus Heart.

Ang presscon ay ginanap nuong Sabado nang hapon, January 14, sa Dolce Latte Restaurant.

Consistent si Matteo sa pagsabi nuong mga nakaraan niyang interview na mahal niya si Maja.

Pero nitong presscon para nga sa kanilang pelikula, isang linya ang pinakawalan ng young actor na ikinagulat ng entertainment press: Si Maja daw ang pinakahuling babae para sa kanya.

Hindi naman nagpatalbog si Maja. Sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan niya ang sarili niya sa press at sinabing si Matteo ang lalaking gusto niyang makasama nang matagal.

Kulang na lang ay seremonya at nagmistulang kasalan ang presscon dahil sa palitan ng love messages ng dalawa.

At sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matteo matapos ang presscon proper, nilinaw pa niya ang nararamdamang pag-ibig sa dalagang aktres.

Gagawin daw niya ang lahat para kay Maja.

"We’ve gone through a lot together.

"Ang dami na rin naming pinagdaanan at alam kong marami pa kaming pagdadaanan sa buhay.

"I accept everything as a challenge. God really has purpose for us and he’ll lead the way," aniya.

Anong reaksyon mo nang sinabi ni Maja na ikaw ang gusto niya sa habang buhay?

"Talagang na-touch ako. Hindi niya sinasabi yan sa public.

"She keeps that to herself. I’m very, very proud that I have someone who’s proud of me."

Sinabi na ba ni Maja sa iyo na sana ikaw na nga?

"Oo, pag may mga moments na kaming dalawa lang. May mga sweet moments kami. She always reminds me."

BECAUSE HE’S ITALIAN. Are you vocal about your feelings for each other because you have a movie to promote?

"Ako, vocal talaga ako, e. I think that’s from my Italian side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talagang magmahal. I really love loving people.

"I care. So, I’m very open. I don’t lie and I’m honest. Yun!"

First time mo bang magmahal nang ganito katindi?

"Yes. Hindi nga po ako sanay, e. Minsan sinasabi ko kay Maja, ’Alam mo hindi talaga ako sanay. Hindi totoo ito, dream ito.’

"Kahit itong movie na ito dream ito. Hindi ko ini-expect na mangyayari ito sa buhay ko."

Bakit? Anong meron kay Maja na wala sa mga nakaraang mong relasyon?

"Crush ko talaga si Maja nuong nakita ko [siya] sa billboards and posters.

"Tapos hindi ako makapaniwala na magiging kami, magkakaroon kami ng relationship. Talagang dream, e. Iba, e."

Kayo bang dalawa pantay yung pag-ibig ninyo sa isa’t-isa? Marami ang nagsasabing ikaw ang mas in love kay Maja.

"Because I’m the more vocal one. Maja keeps a lot to herself. She doesn’t say much."

Feeling mo pantay naman ang pagmamahalan ninyo sa isa’t-isa?

"Opo."

Baka ikaw ang mas masaktan pag naghiwalay kayo dahil ikaw yung vocal sa relasyon ninyo?

"Hindi naman. Hindi naman dahil alam ko na kaming dalawa lang. Nakikita ko talaga yung effort niya... maliit na bagay, she tells you that she loves you."

Ang laki ng ipinagbago ni Maja dahil nuon, hindi ito nagsasalita pag tinatanong tungkol sa kanyang love life.

Anong ginawa mo at naging open si Maja sa nararamdaman niya sa iyo?

"Hindi ko alam e. I’m just myself lang."

OPPOSITES ATTRACT. Ano yung katangian ni Maja na naka-attract sa iyo?

"She challenges me a lot. Maraming mga bagay na hindi kami the same, e.

"Her personality, my personality, we have differences.

"Talagang iba si Maja. She stands on her own.

"Kaya niyang lahat on her own. She’s a very responsible person.

"I think sa mga bagay na yun, I learned from her and she learned from me and then we complement each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COCO MARTIN. Sa palagay mo, kung hindi nangyari ang engkuwentro ninyo ni Coco Martin, hindi magiging matibay ang relasyon ninyo ni Maja?

Nuong September 3, 2010, nagsuntukan si Coco at si Matteo dahil kay Maja pagkatapos ng Star Magic ball.

"Hindi naman. Strong naman yung [relationship] namin ni Maja kahit walang incident na ganun.

"But [because] of that incident, we got to know each other more, and we understood na kahit anong mangyari we’ll fight for each other.

"Malaking bagay yung nangyari last year. Hindi talaga ako naniwala na nangyari yun, e.

"Maja was there. Maja was fighting for me."

Pero di ba muntik na kayong maghiwalay at that time?

"Hindi naman. Kasi palagi niyang sinasabi na, ’Don’t, don’t.’

"Pero yung puso ko, di ba? Sinusundan ko lang yung puso ko. Kaya ayun ang nangyari."

Nahirapan ka bang ligawan uli si Maja pagkatapos ng engkwentro ninyo ni Coco?

"For a while. But I have to be honest with her—that was how I felt.

"Tao pa rin ako. I have feelings."

Paano ka bumawi? Paanong panliligaw ang ginawa mo?

"Wala e. She understood me. You know, communication is number one in a relationship.

"Hindi lang sa lovers, kundi sa mga kaibigan din, communication and respect."

Ramdam ba niya na si Maja ay puwede niyang pakasalan?

"Oo naman. She’s a wonderful person."

Ano yung mga kagaguhan, katangahan na hindi mo ginawa sa iyong mga nakaraang relasyon, pero ginawa mo para kay Maja?

"Yung nangyari last year di ba?" (He is referring to the Coco incident.)

10 MINUTES WITH MAJA. Umaakyat ka ba ng bakod nila Maja para lang makausap siya?

"Opo. I go out of my way kahit bising-busy.

"Hahanapin ko talaga yung ten minutes na makita ko siya, dalawin ko siya. Lahat-lahat na maliliit na bagay I’ll try to do."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahirapan ka bang kumbinsihin ang mommy mo para magustuhan si Maja?

"My Mom supports me in everything. She just has to understand why [I chose] Maja...

"I’m sure na kung makilala nila si Maja, they will fall in love with her."

Paano ba ipinapakita ni Maja ang pagmamahal niya sa iyo?

"Inaalagaan niya talaga ako e. Hindi lang sa sweet stuff.

"She helps me in in life matters. She gives me tips.

"She always inspires me, makes me better person."

Gaano mo kamahal si Maja?

"Oh, I really love her."

On a scale of 1 to 10?

"Eleven!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN