Alma Moreno spends Christmas and New Year away from her husband Mayor Fahad Salic, but insists they’re still together

Alma Moreno says she spent Christmas with her children, except for Mark Anthony Fernandez who was in Baguio with his own kids.

"Ang Pasko ko, simple lang, masaya ako, sa bahay lang, kasama yung mga anak ko, pamangkin, pati yung anak ni Vandolph kasi magkapitbahay lang kami. Mga friends," she says. "Tapos New Year naman, nagpunta kami ng... out-of-town kami, kasama ko si Yeoj, si Winwyn, ito yung naulit na bonding na kaming mag-iina."


Maliban kay Mark Anthony Fernandez, kumpletong nakasama ni Alma Moreno ang kanyang mga mahal sa buhay noong nakaraang holidays.

Ayon kay Alma sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kahapon, January 14...

"Si Mark, hindi, nasa Baguio, kasama niya ang mga anak niya.

"Ang Pasko ko, simple lang, masaya ako, sa bahay lang, kasama yung mga anak ko, pamangkin, pati yung anak ni Vandolph kasi magkapitbahay lang kami. Mga friends.

"Tapos New Year naman, nagpunta kami ng... out-of-town kami, kasama ko si Yeoj, si Winwyn, ito yung naulit na bonding na kaming mag-iina."

Dahil mga of age na sina Yeoj at Winwyn, hindi raw ibig sabihin na...

"May girlfriend pero hindi pa mag-aasawa yun. Kasi si Yeoj tsaka yung girlfriend niya marunong naman, e. Ano muna sila, kailangang mag-ipon muna sila."

Si Winwyn naman...

"Ay mas lalo ang ambisyon nun! Oo, at tsaka sinasabi ko nga kay Winwyn, ’Enjoy mo yung life mo, iba yung dalaga, iba yung maraming nanliligaw,’" pahayag pa rin ni Alma.

Kamakailan, umugong ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang asawang mayor ng Marawi City na si Sultan Fahad "Pre" Salic.

"Hindi, ayan siya o," sabay turo sa litrato ng kanyang mister na naka-display sa dingding ng kanyang opisina katabi ng larawan ni Alma.

Reelected councilor ng Parañaque City si Alma.

"Ano kasi, hindi namamatay ang balitang yan. Napapagod na nga ako sumagot kung hiwalay kami.

"Oo, hiwalay kami dahil nasa Marawi siya, nasa Mindanao siya, ako nandito ako sa Manila.

"Hindi naman puwede na doon na ako titira sa kanya o dito na siya, hindi puwede.

"Lalo na sa kanya, mayor siya, di ba? Hindi niya puwedeng... e lalo na yung nangyayari sa Mindanao, ang daming nangyayari, di ba?

"So hindi niya basta puwedeng iwan yun."

Hindi raw naging balakid sa kanila ang pagkakaroon ng magkaibang pananalig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let’s face it, iba yung ako’y... kasi maraming nag-akala na hindi na ako Kristiyano. Sabi ko, ’Hindi po, iyon pa rin po, hindi ako nagbabago.’

"Ang husband ko nagkaintindihan kami, merong respeto sa isa’t-isa.

"May dahilan ang lahat kung bakit si Pre ang naging asawa ko.

"Ang ’dinadasal ko lang is huwag siyang pabayaan doon, huwag akong pabayaan dito, at lagi kaming magkaintindihan."

Pero inamin ni Alma na hindi sila magkasamang sumalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

"Through phone, pero nung New Year hindi, kasi medyo may nangyari na sa ano [Mindanao], di ba?

"Nami-miss [siya] ng mga anak ko kasi minsan, ’Mama, nasa’n ba si Uncle?’

"Yung nangyari sa Cagayan, sa Iligan, nag-worry sila."

Pero hindi raw ibig sabihin na dahil hindi sila magkasama sa mahahalagang okasyon na iyon ay...

"Huwag silang mag-alala kasi kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, wala po akong ililihim sa publiko.

"Importante naman sa amin yung tiwala sa isa’t-isa."

At sa mga nagpupumilit na hiwalay na sila ng kabiyak na alkalde...

"Ayaw tumigil yung mga tao pong hindi kami matanggap na kaming dalawa po ni mayor Pre, pero hindi ho ako naglilihim sa inyo, talaga pong hindi kami hiwalay," sinabi pa ni Alma.

Ang mga naunang naka-partner ni Alma ay sina Rudy Fernandez at Joey Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN