Janelle Manahan reveals there was a previous attempt on Ramgen Revilla’s life before he was killed

In his talk show, The Bottomline, aired January 14 on ANC, Boy Abunda asked Janelle Manahan if she and the late Ramgen Revilla made other intimate videos which have not gone viral on the Internet.

"Oo. Meron pa," Janelle said.

Boy asked if she thought these would come out as well, to which Janelle answered, "We don’t know. Pero sana hindi na. Kasi wala naman siyang kinalaman sa c


Masalimuot man ang sitwasyong ngayon ni Janelle Manahan, patuloy siya sa paghahanap ng katarungan para sa kanya at sa napatay na boyfriend na si Ramgen Revilla.

At sa kabila ng eskandalong dulot ng kumalat nilang sex video, nananatiling matapang si Janelle maging sa pagsagot sa mga maseselang tanong.

Sa interview ni Boy Abunda kay Janelle para sa The Bottomline, na napanood sa ABS-CBN kagabi, Enero 14, emosyonal man ay buo ang loob na sinagot ng nobya ni Ramgen ang mga isyung kinakaharap niya.

PRESENT CONDITION. Narito ang kabuuan ng naging pag-uusap nina Boy at Janelle. Una ngang kinumusta ni Boy ang kundisyon ni Janelle ngayon.

Boy: Kumusta ka?

Janelle: Okay naman po.

Boy: Okay as in okay? Ipaliwanag mo nga sa akin iyan.

Janelle: Ahh... okay kasi I’m trying to be strong. I’m trying to cope.

Boy: Trying to be strong. May mga pagkakataon na talagang nanghihina ka. Sa mga moment na nanghihina ka, ano ang ginagawa mo?

Janelle: Meron akong bagong natutunan [sa] lola ko. Sabi niya, para daw medyo gumaan yung loob ko, hanapin ko sa sarili ko na ma-forgive ko yung mga taong gumawa nito ng 100 percent.

Para gumaan ang loob ko, para makatulong din ako sa soul ni Ramgen.

Boy: But is that possible—to forgive 100 percent? Ni hindi mo pa alam kung sino ang pumaslang, pumatay sa iyong boyfriend.

Janelle: Siyempre for me, meron na akong idea kung sino.

Boy: But how can you forgive? Sinabi ba ng lola [mo] kung paano mo mapapatawad ang mga tao? How?

Janelle: I asked from God na bigyan ako ng courage to forgive 100 percent. Pinagdasal ko siya every day and dumating siya sa akin a few days ago lang.

KNOWING MORE ABOUT RAMGEN. Sumunod namang napag-usapan nina Boy at Janelle ang iba pang bagay tungkol kay Ramgen na hindi pa alam ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Doon naman sa sinabi mo na "Sana ay makausap ko si Ramgen maski man lang sa panaginip. Masabihan ko man lang siya ng ’I love you.’"

Hindi ka ba nananaginip? Hindi ba siya nagpaparamdam?

Janelle: Meron akong naging panaginip a few days ago. Pero medyo weird, parang walang koneksyon dun sa "I love you" na yun. Parang he was trying to protect me dun sa dream na yun.

Boy: How far were you able to move on?

Janelle: A little bit po.

Boy: Janelle, pinatay si Ramgen. Binaril ka. Tanong: Do you know why? Bakit?

Janelle: Siguro talagang misunderstood talaga si Ramgen. Do I know why, hindi ko alam.

Boy: Pag sinabi mong misunderstood, misunderstood dahil...

Janelle: Sa ugali.

Boy: People think he was...

Janelle: A bad guy. Siya kasi yung tao na pag may nagawa sa iba, hindi siya nagso-sorry na parang ma-pride.

And sobrang strict nga niya na kapatid.

Baka hindi siya naunawaan, na feeling ng iba hindi niya mahal yung tao—kasi masyado siyang matapang or strict towards dun sa tao.

Pero in reality, pagmamahal lang talaga yung ipinapakita niya.

Boy: Paano siya nagpakita ng pagmamahal sa iyo?

Janelle: Yung sa akin kasi very vocal, very obvious, sobrang lambing niya, and very protective talaga.

And yung nakuwento ko nga po sa inyo before, hanggang last minute ’pinakita niya sa akin na pinoprotektahan niya pa rin ako.

Boy: Were you as vocal to him as he was vocal to you?

Janelle: Yeah. Pero yun nga po nanghihinayang ako kasi that day talaga I wasn’t able to answer back.

Boy: At yun ay pinagsisisihan mo—that you weren’t able to say "I love you."

Janelle: Opo.

Boy: Janelle, today tanggap mo bang patay na si Ramgen?

Janelle: Yun ang bago kong prayer na sana, soon, matanggap ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasi gusto kong... siyempre kahit sino naman, ayoko rin namang sabihin na ayoko nang mag-move on dahil mahal ko yung tao.

Siyempre, as a person bata pa ako, gusto kong mag-move on.

Boy: Second life, you consider this as a second life, right?

Janelle: Opo.

Boy: Ano ang mga pagbabago?

Janelle: Kung anuman yung mga maling nagawa ko [in] the past or kung ano yung mga decisions, yung mga priorities ko magbabago siyempre.

Kasi before, na-neglect ko yung family ko, which is yun ang pinakaimportanteng bagay din sa buhay ng tao, yung family.

So, ngayon babawi ako and aayusin ko ang buhay ko.

Parang mag-e-enjoy lang ako sa buhay. Ganun pa rin, pero mas magiging responsible ako ngayon.

THE SEX VIDEO. Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinitalye ni Janelle ang damdamin niya tungkol sa pagkalat ng sex video sa Internet. Inilahad niya rin kung bakit siya pumayag na makunan ng video.

Boy: Janelle, marami ang nagagalit, lalo na ang mga kababaihan at mga nanay, sa paglabas ng sex video. That intimate video between you and Ramgen.

Sabi nga ng isang Bottomliner, si Nini Borja, isang karumal-dumal na pambabastos. Nung lumabas ang video na ito, ano ang iyong naging reaksyon?

Janelle: Nagulat at natakot and, siyempre, bilang babae masakit yun. Pero nung makita ko yung family ko na sobra-sobra yung suporta...

Hindi nila ako dyinadge kahit sobrang conservative ng pamilya ko. Ang una kong naisip magagalit sila sa akin.

Hindi yun ang ipinakita nila. And they’re trying to make me see yung mga nangyari in a positive way.

Boy: Take me to your heart. Gusto kong maintindihan ito. Bakit ka pumayag na magpa-video?

Janelle: May tiwala ako dun sa tao.

And mahal ko si Ramgen and matagal kaming magkarelasyon.

So, wala akong makitang masama dun sa ginawa ko.

Boy: Ang sabi ni Jobert [Sucaldito] at ang kanyang tanong: Were you guys on drugs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Janelle: No, definitely not.

Boy: Did you ever take drugs?

Janelle: No.

Boy: You did a video because...

Janelle: We just wanted to. But we were 100 percent sober.

Boy: Meron ba kayong intensyong itago ang file, sirain? What did you talk about the video?

Janelle: Actually, nasira na po and deleted lahat ng files na yun. Pero that time kasi... that was 2007 pa, we kept it until 2009.

And then, nung lumabas po yung scandal nina Hayden [Kho] at Katrina [Halili], dun kami nag-decide to delete the files in the laptop.

And ’nilipat po kasi namin siya sa CD, kasi we just wanted to keep it.

Kasi kami naman, e. And alam naman namin na yung relationship namin is not for a while.

So, we tried to keep it. Pero nung lumabas na yung scandal [Hayden-Katrina], sinira namin together.

So, I wasn’t expecting na may lalabas na ganung video.

Kasi daw po kahit i-delete mo siya sa laptop... kasi nasira na namin lahat ng CDs, yung nasa laptop daw po nagki-keep siya ng files sa hard drive.

So, kahit deleted na siya mare-retrieve siya. So, baka ganun po ang nangyari.

Boy: Janelle, looking back, pinagsisisihan mo ito, the video?

Janelle: No.

RIFT WITH RAMGEN’S FAMILY. Napag-usapan din ang tungkol sa pagkakaroon nila ng sigalot ng pamilya ni Ramgen.

Boy: Ang sinasabi ng ibang tao, hindi ba dapat si Janelle, the girlfriend of Ramgen, at ang kanyang pamilya, ang ina niya na si Genelyn [Magsaysay] at mga kapatid ni Ramgen dapat magkakakampi sila?

Bakit meron kaming impression na nakukuha base sa balita na parang galit sa iyo ang pamilya ni Ramgen. Galit nga ba sila?

At ano ang iyong reaksyon, galit ka rin ba sa kanila? Bakit parang nag-aaway-away kayo?

Janelle: Hiniling ko naman sa kanila yun before e, na lumaban sila with me para sa justice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero parang sila naman yung naggo-go against sa akin e. So, pinabayaan ko na lang sila kung ano yung gusto nila.

Kasi meron pa silang ’nilalabas na ako naman daw talaga yung target and there was no murder for Ramgen.

Either way, ako man yung target or not, namatay pa rin yung kapamilya nila. So, I was hoping na they would fight for Ramgen as well.

IS SHE THE KILLER’S REAL TARGET? Kamakailan nga ay inihayag ni Genelyn na hindi naman si Ramgen ang target talaga ng killer kundi si Janelle. Bagay na binigyang-linaw ni Janelle.

Boy: Naniniwala ka ba na ikaw talaga ang target?

Janelle: No. Kasi first, meron ng attempts, series of attempts before the incident.

Boy: Tama ba yung dalawa, according to reports or [were there] more?

Janelle: Yung naisumbong po sa akin isa lang, yung naikuwento po sa akin. Pero I’m not sure kung meron pang previous [attempts].

Boy: Yung attempts kasi na sinasabi ko na aking nabasa, yung una raw pumasok, nakita yung larawan ni Senador [Ramon Revilla Sr.], umatras.

Tapos pangalawa, pumunta sa kuwarto, kinasa ang baril, umatras. Yun ang alam mo?

Janelle: Yun ang naikuwento niya sa akin.

Boy: Ano ang reaksyon ni Ramgen? Sineryoso niya ba?

Janelle: Parang nung the way na kinausap niya ako or the way na minessage niya ako, parang nagtataka lang siya kung bakit.

Hindi niya rin iniisip na may papatay sa kanya.

Iniisip niya baka raw magnanakaw lang or kung sino.

Pero tinatanong niya nga sa akin bakit sa kuwarto niya kumakatok nang ganung oras.

Boy: Pero walang report na nangyari? Hindi ito nakarating sa pulis?

Janelle: Sinabi ko sa kanya na i-report. Pero huwag na lang daw kasi wala naman daw tao. Kasi pina-check niya after.

ON LEAVING SHOWBIZ. Sumunod namang inihayag ni Janelle ang tungkol sa kanyang showbiz career, gaya nang kung bakit niya iniwan ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Artista ka, Janelle. Puhunan mo ang mukha mo. Noong binaril ka sa mukha, sumagi ba sa iyong isipan na, "Panginoong Diyos, hindi na ako makababalik sa gusto kong gawin?"

Janelle: Opo. Nung time na yun siyempre masakit. Pero nung nasa hospital ako, isinantabi ko na yung hitsura ko. Parang sobrang grateful na lang ako na nabuhay ako.

Boy: Meron bang mga taong nagparating sa iyo ng mga salita na napakagaganda na hindi mo ine-expect manggagaling sa kanila?

Janelle: Yung mga friends ko na nagkaroon [kami] ng misunderstanding. Parang sinasabi nila na kalimutan na yung nangyari. And they’re gonna support me and they’re gonna pray for me.

Boy: Sinabi ba talaga ni Ramgen na huminto ka sa pag-aartista?

Janelle: He made me decide. Mamili daw po ako between work or him.

Boy: At ang sabi mo...

Janelle: Siya. Kasi tinakot niya ako na pag hindi ko raw siya pinili, hindi ko na raw siya makikita kahit kailan.

Boy: At mahal mo siya?

Janelle: Opo.

Boy: So, when you stopped working, did he support you financially?

Janelle: No. He wanted to, pero siyempre ako, hindi ako sanay nang ganun na magpo-provide siya sa akin. Kasi ayoko ngang may maisip yung family niya.

Ayoko ring isipin niya na nagte-take advantage ako sa kanya. So, the entire time na nakatira ako sa kanila, yung family ko pa rin ang nagsu-support sa akin.

And kung may naiaabot man si Ramgen sa akin na amount of money, galing yun dun sa business niya, na nagwo-work din ako for him. Tinutulungan ko siya sa accounting, ganyan.

Boy: Janelle, were you a good daughter?

Janelle: Ahhm... hindi sobra. Kasi siyempre na-disappoint ko yung parents ko.

And nakipag-live in ako e, na against... ayaw nila. Siyempre ayaw ng magulang ng ganun kasi hindi pa naman kami kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi ko sasabihin na sobrang good daughter ako. Pero I am.

ALMOST SEPARATED. May mga pagkakataon na pala na naghiwalay sila ni Ramgen pero nagkabalikan din sila.

Boy: In the five years na magkasama kayo ni Ramgen, ilang beses kayo na seryosong naghiwalay?

Janelle: Siguro po yung matagal... kasi usually mag-aaway kami one day, overnight. So, siguro twice na isang buwan kami na hindi [magkasama].

Boy: Yun ang panahon bago siya pumanaw?

Janelle: Opo.

Boy: That was about a month?

Janelle: A month or over a month kasi I left their house August (2011), second or third week of August.

Boy: Ano ang kadalasang dahilan kung bakit kayo naghihiwalay?

Janelle: Before... girls. Pero itong huli, kasi wala na akong problema sa kanya sa girls nitong huli.

Yung naging problem namin na-stress na po ako sa life namin together.

Parang I wanted to grow, he wanted to grow. Kasi meron din siyang priorities.

Kasi nga tatakbo siya [sa pulitika]. And I wanted my own business din.

BATTERED GIRLFRIEND. Inamin nga ni Janelle ang pagiging battered girlfriend niya noon. Sinasaktan raw kasi siya ni Ramgen sa tuwing mag-aaway sila.

Boy: Janelle, deretsahang tanong: Were you a battered girlfriend?

Janelle: Ahhm... at some point, pero I forgave him, matagal na.

Boy: Bakit?

Janelle: Mahal ko po kasi talaga yung tao.

Boy: Sino ang nasusumbungan mo?

Janelle: That time kasi hindi ko pwedeng sabihin sa family ko. So, nakapag-open up ako sa mga friends.

Boy: Bago pumanaw si Ramgen, ilang buwan ka niyang hindi nasaktan?

Janelle: A year.

Boy: So, kumbinsido ka sa iyong puso na he has changed before he passed away?

Janelle: Opo.

STORY OF SURVIVAL. Hindi nga pinanghinaan ng loob si Janelle at inihayag niya kung saan siya humugot ng inspirasyon para patuloy na mabuhay.

Boy: Your story of survival is inspiring. Idetalye mo nga sa akin kung paano mo nalagpasan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Janelle: Humugot ako ng inspiration from a movie and a book that I’ve read. The movie is Soul Surfer.

Yung girl parang nakagat siya ng shark and sobrang duguan na niya, pero kumalma siya kaya siya naka-survive. So, yun ang ginamit ko kung ba’t ako kumalma.

And then with the book naman yung The Secret: The Power, to be positive. So, naging positive ako, na I will be able to survive and mabubuhay ako, that I’m not gonna die that night.

So, yun ang sobrang laking naitulong talaga sa akin. And of course, si God.

Parang feeling ko may purpose pa rin talaga ako. So, yun nga naniniwala ako na yung purpose ko is for justice, para sa case na ito.

MESSAGE TO RAMGEN. Hindi rin nakalimutan hingan ng mensahe si Janelle para sa mahal na nobyo.

Boy: Janelle, sabi ng Diyos, you have one minute to talk to Ramgen. Ano ang sasabihin mo sa kanya ngayon?

Janelle: I love you so much. And hindi ako titigil kahit ano pang ibato nila sa akin na paninira.

Nothing’s gonna stop me [until I] find justice for Ramgen.

Boy: At naniniwala kang mahahanap mo ang hustisyang ito?

Janelle: Opo. Because I know he’s gonna help me.

Boy: Ramgen is gonna help you. Do you know how?

Janelle: This time, hindi ko alam. Pero the last thing he said din kasi na magtutulungan kami sa lahat ng bagay.

And I believe him na hindi niya ako iiwanan dito sa laban na ito. I believe him na iga-guide niya ako para mahanap ko kung sinuman ang gumawa nito.

THE BOTTOMLINERS’ QUESTIONS. Ang sumunod na bahagi sa The Bottomline ay tinampukan ng mga tanong galing sa mga Bottomliners.

Galing kay Bangs Garcia, aktres at kaibigan ni Janelle: Sa lahat ng mga pinagdaanan mo, namatay si Ram, nabaril ka, lumabas ang video, ano ang panawagan mo sa mga tao ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Janelle: Respeto na lang po sa namatay. Huwag na nating tangkilikin yung video kasi wala naman kayong mapupulot na maganda or it doesn’t make you a better person watching that.

Mula kay Atty. Paul Nieto, isang abugado: What is the basis in concluding that the family of Ramgen is responsible for uploading the controversial video over the Internet?

Janelle: Because sila lang yung may possession ng laptop and I don’t think anyone else will do that.

Mula sa psychologist na si Dr. Eduardo Caligner: Gaano ka kabuo upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Ramgen at ang katotohanan sa inyong dalawa?

Janelle: 100 percent.

Mula kay Nini Borja, isang company president: What was the best thing about your relationship with Ramgen?

Janelle: The best thing... I was happiest with him.

Mula kay Dr. Denis Ngo, isang physician: At this point in the investigation, who among Ramgen’s family or relatives do you still trust?

Janelle [umiling muna siya]: No one.

Boy: Do you plan to go back to school or pursue your showbiz career?

Janelle: I wanna go back to school. But the showbiz career thing I have... walang assurance o hindi ko sigurado.

Mula sa showbiz columnist at radio personality na si Jobert Sucaldito: Bakit ka pumayag na magpakuha ng video?

Janelle: Dahil mahal ko yung tao.

Mula kay Mike Lopez, isang socio-political communicator: If you can turn back time at alam mong ganun pa rin ang mangyayari sa iyo at kay Ramgen, will you still go through it all just to be with him kahit na karumaldumal ang kahihinatnan?

Will you face all the horror, pain and trauma for love that won’t last a lifetime?

Janelle: Yes.

Mula sa ninang ni Janelle na si Zarah Jacob: Can you still face the mirror and say "Am I beautiful?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Janelle: Not "Am I," I am [beautiful], Tito Boy.

Ang sumunod na mga tanong ay galing naman sa studio audience ng The Bottomline na mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines.

Di ba si Senator Bong Revilla yung nag-pass [sa Senado] nung Anti-Voyeurism Law? Hihingi ba siya ng tulong dito para dun sa sex video sa lumabas?

Janelle: Oo. And I hope and I’m positive na tutulong naman siya.

Can you still say it’s more fun in the Philippines after the scandal and the murder happened?

Janelle: Of course, I’m proud to be a Filipino and mahal ko ang Pilipinas.

Kung meron mang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan ngayon, ano yun o sino yun?

Janelle: Sa family ko and sa lahat ng supporters.

Karamihan sa mga Pilipino ngayon pag may nangyaring tragedy sa buhay nila mabilis silang bumibitaw. Ano ang maaari niyang maipayo sa kapwa Pilipino para mas maging matatag sila kagaya mo?

Janelle: Maging positive lang lagi and kapit lang kay God. Maniwala kay God kasi may better plan si God sa atin lagi.

Meron pa bang ibang video na ginawa n’yo ni Ramgen na ikinakatakot mong maaari pang lumabas?

Janelle: Oo. Meron pa.

Boy: Sa palagay ba niya ilalabas pa rin ito?

Janelle: We don’t know. Pero sana hindi na. Kasi wala naman siyang kinalaman sa case.

Boy: Ikaw ba ay naniniwala na mapaparusahan ang may kasalanan sa pagpaslang kay Ramgen at pagbaril sa iyo?

Janelle: I am positive.

Boy: Last question, alam mo ba kung sino ang bumaril sa iyo at pumatay kay Ramgen? Oo o hindi?

Janelle: Hindi. Kung sino yung taong yun.

Boy: Ano ang alam mo?

Janelle: The people behind it.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN