Ynez Veneracion warns other celebs about two deceitful show promoters in Mindanao

Ynez Veneracion on two show promoters in Mindanao that she claims didn’t pay her the talent fee they agreed on: "Sinasabi sa akin na hindi raw ako kagandahan. Wala nga raw tao [nanood]. Walang tao, e, kalahati? E, ang laki-laki noong lugar. Sabi ko, ’Hindi pala ako kagandahan, wala palang tao, hindi yun ang point dito. Ang issue rito, bakit kayo kumukuha ng artista na hindi niyo kayang bayaran?’ Yun ang issue rito, di ba?"


Nagkaroon daw ng hindi magandang karanasan sa dalawang show promoters si Ynez Veneracion ilang araw bago magtapos ang 2011.

Ito raw ay sa isang show na tinanggap niya sa Mindanao.

Inisip daw ni Ynez noon na ipasa-Diyos na lang ang kanyang sinapit sa mga taong hindi tumupad sa kanilang pinagkasunduang talent fee.

Pero nitong huli, napagdesisyunan niyang magsalita para matulungan daw ang kapwa niya mga artista na maaari ring mabiktima.

GANITO ’YUN. Kuwento ni Ynez nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Shakey’s Tomas Morato kamakailan:

"Naku, ’eto lang. Noong December 28, bago mag-New Year, kinuha ako sa Mindanao [para mag-show].

"Sa San Francisco, Agusan del Sur.

"Noong una, in-approach nila ako kung saan nga raw.

"Binigay ko ang TF [presyo ng talent fee] ko, um-oo naman sila.

"Ngayon, sabi ko, hindi ako lumilipad nang walang down payment.

"So, 50 percent yun. Kasi, kahit naman sa kaninong artists, ganoon naman talaga yun.

"Sabi nila, ’Okay, paki-send na lang po ang account number mo and we will send the money.’

"Sabi ko, sige, so sinend ko.

"’Eto na, December 28 ang show. December 27, sabi ko, ’Nakapag-down ba kayo?’

"Sabi nila, may ticket na raw, okay na. Walang problema ang ticket, e.

"Pero, yung down [payment], kesyo nasarahan daw ng bangko, hindi umabot.

"Hindi ’kako ako lilipad.

"So, pinanindigan ko na hindi ’kako ako lilipad. Super-pakiusap sila.

"’Sige po, Ma’am Ynez, ganito na lang, pagdating ng airport, ibibigay ko ang 50 percent.’

"So, ’samakatuwid, mabait naman akong tao. Nakakaintindi ako. Baka naman nagkaroon talaga ng problema.

"Sige, fly ako.

"Pagdating doon, sabi ko sa kasama ko, ’Tanungin mo na ang down.’

"Kasi, nakakahiya naman kung ako, di ba?

"Tapos yun na, sabi, nandiyan na raw, pero hindi maibigay."

Dugtong pa niya, "’Eto na, kung saan-saan pa ako dinala. Kesyo birthday raw ng nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumain muna. O sige, pinagbigyan ko.

"Eto na, pagdating namin ng hotel, binigay [yung downpayment], pero wala sa 50 percent.

"Sabi ko, ’Ano ’to? Ang usapan, [50] percent.’

"’Tapos ’eto na, sabi ko, ’Sige, ganito na lang, hindi ako sasampa hangga’t hindi buo.’

"’Tapos mero’ng isang SB [Sangguniang Barangay], parang ano raw siya, minor sponsor raw siya ng show.

"Ang yabang! Sabi niya, ’Minor sponsor lang ako rito, pero sige, ipa-dinner ko kayo.’

"So, nagpa-dinner. Tapos, hindi kami iniwan, inaalalayan kami. Ang bait!

"Hindi ako sumasampa. Mga 9 o’clock na, hindi pa rin ako sumasampa.

"Marami nang tao, kalahati na ng dome. So, parang sinasabi, hinahanap na raw ako.

"Sabi ko, hindi ho ako sasampa talaga. ’Eto na, sabi niya, nakikiusap, ’Ganito na lang, kung hindi ka nila kayang bayaran, sige, aakuin ko na! Ako na!’

"’Tapos, may SB members pa siyang katabi na, ’O, sige, ganito, sa ’yo ang P5,000, akin na ang P10,000. Sa ’yo, P3,000. So, kumpleto na, okay na.’

"Oo silang lahat. Pagkatapos, sampa ka lang, after, ibibigay na sa ’yo.

"E, mabait. Siya ang nagsundo sa amin sa airport, two hours yun... Nagpakain, hindi kami iniiwan. Siya lahat.

"So, mabait. Naniniwala ako ngayon.

"Kasi, sobrang bait. Hindi kami iniiwan.

"So, show ako. Ginawa ko ang trabaho ko.

"Pagkatapos, nagbigay naman.

"Gumimik pa kami. Siya ang gumastos sa lahat.

"Pero, kulang pa rin. Kalahati lang, 50 percent lang.

"Sabi ko, ’Ano ang nangyari? Bakit ganoon?’

"Sabi niya, ’Ako naman ang maghahatid sa inyo bukas sa airport. Binigay ko naman kagabi. May kukunin lang akong pera sa ganito, sa ganyan.’

"So, nagbigay naman.

"So, parang nandoon yung ano ko na, nagbigay naman. Baka nagkaproblema lang talaga.

"So, iniintindi ko lahat ng problema nila. Baka naman talagang may problema.

"So, ’eto na, kinabukasan, may van, pero wala na silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ultimo yung kumuha sa akin, wala na rin.

"Hindi ko na rin mahagilap. Text, tawag, pak, wala!

"Nasa session daw. Anong session, di ba?

"Sabi ko, ’Ano’ng nangyari?’

"Flight namin ala-una. Sabi niya, nine o’clock, pupunta siya ng hotel. Wala.

"Tinatawagan ko, noong una, nagri-ring.

"Pangalawa, sarado ang telepono.

"Pati yung dalawa [kumuha sa akin para mag-show].

"E, balita ko, yung ibang artists, hindi rin pala nila nabayaran.

"Sila Luningning daw, yung isa, at may isa pa na nakalimutan ko ang pangalan.

"Masuwerte sila na mabait si Luningning at hindi nagsalita at pinabayaan na sa kanila yun.

"Pero sabi ko, ako, magsasalita talaga ko.

"Hindi ako nagsasalita para habulin ang 50 percent pa.


"Nagsasalita ako para ma-warning-an yung ibang mga artists.

"Kasi, balita ko, every month daw, kukuha raw sila ng artists.

"E, teka naman, huwag na kayong tumuloy kasi ang dami kong na-experience diyan na pangit.

"Para ma-warningan sila sa mga taong ito."

PLEASE SAY NO! Ang nangyayari pa raw, nagtu-tweet pa kay Ynez ang mga taong kanyang binanggit at kung anu-ano raw ang sinasabi sa kanya.

"Sinasabi sa akin na hindi raw ako kagandahan. Wala nga raw tao [nanood].

"Walang tao, e, kalahati? E, ang laki-laki noong lugar.

"Sabi ko, hindi pala ako kagandahan, wala palang tao, hindi yun ang point dito.

"Ang issue rito, bakit kayo kumukuha ng artista na hindi ninyo kayang bayaran?

"Yun ang issue rito, di ba?

"From the very start, alam ninyo na kukuha kayo ng artista, sana, binukod ninyo na ang perang pambayad ninyo.

"Hindi pala ako kagandahan, e, bakit ninyo ako kinuha?

"Sana ang kinuha ninyo yung kagandahan, di ba?

"Baka sakali at worth it pa ang perang ibabayad niyo.

"Ang issue, kaya ninyong bayaran ang artista?

"Nag-commit kayo, e. So, wala kayong word of honor.

"Ngayon, after ko, sino ang kukunin ninyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, hindi ninyo na naman babayaran."

Dugtong pa ni Ynez, "Sabi niya sa Twitter, mukha raw akong pera.

"Hindi ako mukhang pera. Lahat tayo nagtatrabaho.

"Sabi ko,’ Ikaw, magtrabaho ka at hindi ka bayaran, matutuwa ka?’

"’Paano kung sabihan kita na mukha kang pera, matutuwa ka?’ Di ba, hindi?

"Kasi, kung tutuusin, magpapa-presscon nga ako, gagastos ako, yun ba ang mukhang pera?

"’Tapos ang kakapal nga ng mukha na sila pa ang nang-aaway na mukha akong pera, hindi ako kagandahan.

"’Tapos, sabi pa niya, ’For your information Ynez, nautusan lang ’yan ng newscaster ng 96 something na sunduin ka at ihatid ka sa airport. Gets mo?’

"Sabi ko, ’Oo, gets ko!’ Sabi ko, ’Obligasyon ko ba yun na sunduin niya ako? Ako ba ang nag-utos no’n?’

"E, yun naman pala, inutusan lang pala siya, bakit siya pumapel sa TF?

"Sana, hindi na lang siya nagsalita na siya ang magbabayad. Bakit siya nangako?"

Pero noong pauwi na raw si Ynez, driver lang daw talaga ang sumundo sa kanya sa hotel pabalik ng airport at pauwi ng Manila.

Hindi naman daw siya umiyak sa pangyayari, pero talagang sumama ang loob niya.

"Sumasama ang loob ko hindi dahil sa hindi ako nabayaran.

"Sabihin n’yo na lang sa akin na wala kayong pambayad.

"Sabihin n’yo na lang sa akin na, ’Ynez, binaha kami.’ Yun daw ang dahilan, binaha.

"So, sabihin na lang sa akin na, ’Binaha kami at ito lang ang nalikom naming pera.

"’Na akala kasi namin mababayaran ka namin, e, hindi pala. I’m very sorry.’

"Siguro kung ’yun ang ginawa nila, okay lang.

"Walang problema. Iintindihin ko pa rin. Katulad ng pag-intinding ginawa ko bago ako mag-show.

"Sana ganoong atake na lang ang ginawa ninyo sa akin.

"Ang problema, nangako at nagpaasa kayo.

"Ang layu-layo. Mindanao, two hours! ’Tapos, hindi ninyo [ako] babayaran?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko na ang lawyer ko kung ano ang puwede naming gawin.

"Ang problema kasi, walang kasulatan. Walang kontrata."

HELP FROM GOVERNOR? Pero natatawa at sabay-hirit din si Ynez ng, "Pasalamat kayo hindi ko kayo sinumbong kay Gov."

Ang Gov na tinutukoy ni Ynez ay ang napabalitang nakarelasyon niya na si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.

Bakit nga hindi siya humingi ng tulong kay "Gov"?

"Gusto ko, kasi tutulungan naman ako noon for sure. Mabait naman yun.

"Kaya lang, gusto ko, ako. Ayokong mandamay. Kasi, problema ko ’to.

"Kung hindi ko na kaya, pak, pasensiya na, ’Ikaw na ang bahala.’

"Kaya ko naman, e, small amount lang naman."

Pero nakausap din daw niya sa phone si Governor at isinumbong din daw niya ang nangyari sa kanya.

Ayon kay Ynez, sa phone lang daw sila nagkakausap. Kaya tinanong siya kung hindi raw ba dinadalaw ang isang dapat dalawin?

Napatili si Ynez sabay sabing, "Kinukamusta naman. Huwag kayong mag-alala, malapit ko nang sabihin lahat.

"Another ano [presscon] yun. Kasi kasi, kapag nagkuwento ako, malaki na siya.

"Iniipon ko pa. Kasi, baka may mangyari pa in the future, para isa na lang.

"Hindi pa talaga ko ready. Pero, nandiyan ’yan."

Hindi diniretso ni Ynez kung ano ang ibig niyang tukuyin.


MOMMY YNEZ? Pero nang tanungin kung kumusta siya bilang "mother," napa-"Ay!" si Ynez na natatawa.

Biro pa niya, "Kain kayo. Um-order na ba kayo?"

Dugtong pa niya, "Ang saya-saya pala ng buhay.

"Iba ang feeling. Iba kapag single ka at hindi.

"Iba ang feeling.

"Ito pala ang sinasabi nila na, ’Naku ’Nez, kapag na-achieve mo ’to, iba ang feeling, ang happiness, fulfillment.

"Ibang-iba talaga. Noon, hindi pa ko naniniwala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN