Solenn Heussaff "fully charged" after two-week vacation in Argentina with boyfriend

Solenn Heussaff on her recent trip to Argentina: "Maganda doon. Actually, maraming space doon na puro farms and fields. Pero ’yong city sa Buenos Aires, maraming party-party do’n sila. But kami, relaxed. I turned off my phone for two weeks. Nagtu-Twitter ako minsan, pero from the hotel. Pero my phone was off for two weeks. Parang sa Survivor, walang communication. At least, nakapag-relax ako at nakapag-rest nang husto.&qu


Fresh from her vacation sa Argentina nitong katatapos na holiday season, parang isang baterya na na-fully charged si Solenn Heussaff.

Na-enjoy raw nang husto talaga ni Solenn ang biyahe niyang iyon sa Argentina, kung saan nagmula ang boyfriend niyang si Nico Bolzico.

"It’s very good!" aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, January 15.

"I did a lot of sports. But I ate a lot also of meat.

"So, masaya naman ako!"

NEW YEAR IN ARGENTINA. Kuwento pa ni Solenn, "Two weeks lang ako doon. I spent my New Year there.

"Simple lang ang New year celebration nila doon.

"’Yong dinner, mga 11 p.m.

"’Tapos bigla, may mga nag-kiss. ’Tapos, ’Happy New Year!’

"Walang countdown-countdown!

"So, wala lang. Gano’n lang."

NEW EXPERIENCES. Pero bagong experience daw ito para sa kanya.

Sabi pa ng Kapuso actress-singer, "’Tapos I have to stay there for two weeks kasi ang tagal ng biyahe...thirty hours!

"Parang isang day ng taping.

"Uhm, I went hiking sa glacier...sa iceberg.

"Tapos nag-rock climbing ako. Rapelling.

"At kain nang kain!" sabay tawa niya.

Ayon pa kay Solenn, "Ang pinaka-na-enjoy ko, ’yong glacier at climbing.

"Kasi you have to put parang spikes sa sapatos, ’tapos you just hike for one hour and a half."

Nagkaroon daw sila ng sapat na panahon na makapag-bonding nang husto ng kanyang boyfriend.

Hindi naman daw niya na-miss ang kanyang family dahil two weeks lang ang itinagal niya sa Argentina.

"Dati, when I lived five years sa Paris, I see my parents twice a year... ganyan. Sanay ako na gano’n," aniya.

Kasama na ba niyang bumalik ng Pilipinas ang kanyang boyfriend?

"Hindi. Nando’n pa siya. May trabaho pa siya doon."

MI FAMILIA. Kumusta naman ang pag-estima sa kanya ng pamilya ng boyfriend niya?

"Ako naman, I get along with anyone. So, I don’t really get nervous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, they don’t speak English so..." at natawa ang dalaga.

"So, ’yong conversation namin, tina-translate lang ng boyfriend ko.

"’Tapos nagkakaintindihan kami ng konti kasi ’yong mix ng Spanish at French, puwedeng magkaintindihan."

Marunong magsalita ng French si Solenn, bilang half-French siya on her father’s side.

"Maganda doon. Actually, maraming space doon na puro farms and fields.

"Pero ’yong city sa Buenos Aires, maraming party-party do’n sila.

"But kami, relaxed. I turned off my phone for two weeks.

"Nagtu-Twitter ako minsan, pero from the hotel.

"Pero my phone was off for two weeks.

"Parang sa Survivor, walang communication.

"At least, nakapag-relax ako at nakapag-rest nang husto.

"Yeah! Very relaxed," sabi ng sexy Survivor Philippines castaway at FHM cover girl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN