Alex Gonzaga celebrates 24th birthday with her "future boyfriend"

Alex Gonzaga on her relationship with "friend" Geron: "Oo, may mga gano’n pero hindi pa natin alam. Siyempre hindi pa natin masasabi. Kasi right now, hindi pa rin ano, e, ngayon nga lang kami nagkita, e. So, hindi rin gano’n kasigurado."


Nagdiwang kagabi, Enero 16, ng kanyang 24th birthday ang aktres at TV host na si Alex Gonzaga.

Alas-dose pa lang ng madaling-araw ay nagkaroon na ng asalto sa kanilang bahay sa Tanay, Rizal, kung saan kasama niya ang kanyang pamilya.

Sumunod naman ay ang selebrasyon na inihanda ng kanyang mga kasamahan sa afternoon entertainment talk show ng TV5 na Juicy!

Noong gabi naman ay isang sorpresang selebrasyon ang inihanda ng kanyang mga katrabaho sa primetime show ng Kapatid network na P.S. I Love You.

BIRTHDAY WISH. Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kagabi, Enero 16, sa set ng P.S. I Love You sa Timberland Sports and Nature Club sa San Mateo, Rizal.

Inalam namin kung ano ang kanyang birthday wish ngayong 24 na siya.

"Wish ko, sana ay magka-wisdom, wow!" natatawang sagot ni Alex.

"’Tapos magkaro’n ng...magkaro’n ako ng fulfillment sa lahat ng ginagawa ko."

Anong "fulfillment" naman kaya ang nais niyang makuha?

"Kung ano man ’yong purpose ko kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ’to, sana malaman ko na at ma-fulfill ko na kahit papaano this year.

"Sana matapos ko na talaga pag-aaral ko this March, matatapos na ’ko.

"Ito na ’to, this is the last [semester], baka ito na ’to. Nasa last phase na tayo.

"After ng [semester] na ’to, kung pumasa ako, graduate na ako.

"Tapos, sana rin ano, kung ano man ’yong hindi ko pa nagagawa sa aking career ay magawa ko na rin within this year."

Graduating student na sa kursong Humanities si Alex sa University of Asia and the Pacific.

HIS SUITOR. Habang nagsasalu-salo ang lahat sa inihandang pagkain ng gabing iyon sa set ng P.S. I Love You, nakita namin si Alex na kausap ang isang lalake.

Una naming tinanong ang ina ni Alex na si Mommy Pinty Gonzaga kung sino ang nakita naming lalaki, ngunit hindi niya matandaan ang buong pangalan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nang aming makapanayam si Alex ay inalam namin kung sino nga ba ang lalakeng iyon.

"Geron na lang!" ang sagot ni Alex nang tanungin namin ang pangalan ng kanyang "kaibigan."

Kasunod nito’y ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala.

"A, ano lang ’yan, college pa kami magkakilala, magkabarkada kami no’ng college.

"Barkada pa kami, may girlfriend pa siya no’n.

"Kaya lang nag-law school siya, so parang lalong gumulo ’yong...

"Ngayon lang kami nagkita, this 2012, ngayon lang kami nagkita."

Hindi pa raw malinaw sa ngayon kung nanliligaw nga ba si Geron sa kanya.

Pero kapansin-pansin ang sigla ni Alex habang sinasagot ang aming mga katanungan tungkol kay Geron.

"Hindi, wala pa," giit niya nang tanungin kung pormal na ba itong nanliligaw sa kanya.

"Kasi ano siya, pumupunta lang siya sa bahay.

"’Tapos siya lang din ’yong lalaking nai-invite ko kapag may mga special occasions...actually siya pa lang.

"Kasi, right now, hindi pa kami, kaya ’yong totohanan talaga, kasi nga since may mga conflicts sa schedule, mahirap na."

Hindi raw sila madalas magkita at magkausap ni Geron dahil na rin sa pareho silang abala.

Gayunman, kilala na raw ito ng kanyang buong pamilya dahil dati pa man ay dumadalaw na ito sa kanilang bahay.

"Oo naman, kilala na talaga siya ng buong family," nakangiting sagot ni Alex.

Dagdag pa niya, mukhang "approve" naman kay Geron ang kanyang mga magulang, kung sakaling pormal nga itong manligaw sa kanya.

"Mukhang approve naman sa kanya, ayaw nila ng ano, e...

"Mukha namang ’yong itsura niya, approve sila. Kasi the fact na tinatanggap nila sa bahay.

"Kasi kapag ayaw ni Mommy Pinty at ni Daddy, wala, hindi mape-pursue.

"Walang ’you and me against the world’ sa bokabularyo ng mommy at daddy ko.

"So, ayun, kailangan approved talaga nila, and masaya naman ako na approved nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan, magkasama sila noong nakaraang Pasko.

Matapos daw kasi mag-Noche Buena sa kanilang bahay ay dumiretso si Geron sa bahay naman nina Alex.

Ngunit kung tatanungin kung ang lalaking ito na ba ang kanyang magiging kasintahan sa taong ito, ang sagot ni Alex ay:

"Oo, may mga gano’n, pero hindi pa natin alam.

"Siyempre hindi pa natin masasabi.

"Kasi, right now, hindi pa rin ano, e, ngayon nga lang kami nagkita, e.

"So, hindi rin gano’n kasigurado."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN