More details of Shalani Soledad-Roman Romulo wedding revealed

Valenzuela City Councilor Shalani Soledad and Pasig Representative Roman Romulo are set to tie the knot on January 22, Sunday, at the St. Benedict Ayala Westgrove, Laguna.


Limang araw mula ngayon, si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ay lalakad papuntang altar upang makipagpalitan ng pangakong "I do" sa kanyang magiging kabiyak na si Pasig Representative Roman Romulo.

Ang kasal nina Shalani at Roman ay gaganapin sa Linggo, January 22, sa St. Benedict Ayala Westgrove, Sta. Rosa, Laguna.

THE WEDDING INVITATION. Naipamigay na rin ang kanilang wedding invitation.

Simple lamang at wala itong anumang burloloy ngunit gamit ay mamahaling papel.

Tanging embossed "RS"—initials ng pangalan nina Roman at Shalani—ang makikita sa off-white invitation nila.

Nakalathala rin sa imbitasyon ang mga magulang ni Roman na sina Honorable Alberto Romulo at Lovely Romulo.

Kasama rin ang mga magulang ni Shalani na sina Evelyn Soledad-Yumol at Adolfo Aguirre, ang biological father ni Shalani na dating pinuno ng Banco Filipino.

Matatandaang noon lamang 2010 nakilala ni Shalani ang kanyang tunay na ama.

Kung kaya’t espesyal raw ang araw ng kasal para sa Wil Time Bigtime co-host.

ENTOURAGE. Magiging sentro ng entourage ang 22 principal wedding sponsors at 21 flowers girls nina Roman at Shalani.

Si Dennis Lustico ang designer ng ensemble ng female entourage.

Lavender at green ang color motif ng wedding.

Ang Best Man ni Congressman Romulo ay si Jun Cabangon, ang chairman at CEO ng Fortune General Insurance.

Ang Matron of Honor naman ni Shalani ay ang kanyang childhood friend na si Joy Marie Castellvi.

Kabilang sa principal sponsors sina Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, San Miguel’s Ramon Ang, Bench’s Ben Chan, PLDT and TV5 chairman Manny V. Pangilinan, former Las Piñas Representative Cynthia Villar, at Senator Ping Lacson.

Ang groomsmen ni Roman ay si Representative Rudy Fariñas, asawa ng yumaong artistang si Maria Theresa Carlson, at si Representative Anton Lagdameo, ang kabiyak ni Dawn Zulueta.

Kabilang sa bridesmaids sina Catherine May Hervas, Annaliza Jacinto, at Diamond Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING GOWN. Ang off-white wedding gown ni Shalani ay disenyo ng batikang designer na si Inno Sotto.

Gawa ito sa tulle organza na may French lace bodice.

Ihinalintulad daw ang disenyong ito kay Shalani na "demure, simple, at elegante."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN