PART 2 Maja Salvador is now more confident about her relationship with Matteo Guidicelli: "Alam naman namin na sa akin siya, sa kanya ako."

Maja Salvador on boyfriend Matteo Guidicelli: "Ako, ice cream lang ang regalo niya sa akin, mochi balls. Pero bongga naman ang gift niya sa mga taong nakapaligid sa akin, sa family ko. Kaya huwag ka nang aarte, at least ang gift niya ay bonggang pagmamahal. Yun na lang yun. Ang mas importante ay yung grabeng pagmamahal at pagpapahalagang ibinibigay niya pati sa family ko."


Kahit may kissing scenes si Maja Salvador sa ibang aktor, hindi na raw magseselos ang nobyo niyang si Matteo Guidicelli.

Natuto na raw kasi si Matteo sa nangyari noong isang taon kay Coco Martin.

Matatandaang nagkasuntukan sina Matteo at Coco pagkatapos ng Star Magic Ball noong nakaraang taon dahil sa pagseselos ni Matteo kay Coco.

Bukod sa nag-mature na raw si Matteo, ayon kay Maja, ay kaibigan din ng boyfriend niya si Jason Abalos—ang leading man ng young actress sa Lumayo Ka Man Sa Akin.

"Kahit na misunderstanding lang talaga yung nangyari sa kanila, ang importante ay may natutunang lesson si Matteo dun," sabi ng young actress tungkol kina Matteo at Coco.

Sa formal question-and-answer portion ng presscon ng Lumayo Ka Man Sa Akin kahapon, January 18, tila may pagbabanta nga si Maja na kung mauulit ang nangyaring gulo ay hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa relationship nila ni Matteo.

Ano ang ibig sabihin niya nito?

"Siyempre, ang hirap naman kapag ang karelasyon mo ay hindi ka pinagkakatiwalaan, di ba?

"Kasi kung talagang mahal ka niya at pinagkakatiwalaan ka niya, kahit anong gawin mong eksena, o kahit anong gawin mong proyekto, dapat nandiyan lang siya para suportahan ka niya at para iparamdam na, ’Kahit anong gawin mo, mahal kita.’ Di ba?"

Confident naman daw si Maja sa relationship nila ni Matteo.

"Sabi ko nga, at the end of the day, alam naman namin na sa akin siya, sa kanya ako.

"Kailangan lang talaga may trust and respect."

IMPRESSING MAJA’S FAMILY. Isa raw sa nagustuhan ni Maja kay Matteo ay nag-e-effort talaga ang nobyo para mapalapit sa pamilya niya.

Noong Pasko nga ay galante raw ang regalo nito sa mommy niya, kapatid, at maging sa mga pinsan niya.

Ayon kay Maja, "Ako, ice cream lang ang regalo niya sa akin, mochi balls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bongga naman ang gift niya sa mga taong nakapaligid sa akin, sa family ko.

"Kaya huwag ka nang aarte, at least ang gift niya ay bonggang pagmamahal. Yun na lang yun.

"Ang mas importante ay yung grabeng pagmamahal at pagpapahalagang ibinibigay niya pati sa family ko."

Si Matteo ba yung guy na pati family ay nililigawan?

"In fairness, may effort naman.

"Kasi nung nasa ibang bansa ako, ’tapos birthday ng mommy ko, gumawa na lang siya ng paraan para mai-celebrate ang birthday ng mom ko."

Boto na ba ang family niya para kay Matteo?

"Oo naman," klarong sagot ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN