Charee Pineda admits to feeling awkward at the burial of ex-boyfriend Tyron Perez where his wife was a no-show

Charee Pineda on why she paid her last respects to ex-boyfriend Tyron Perez, even as the actor’s wife was not present: "Nahihiya ako. Honestly, awkward yung feeling dahil may asawa na si Jojo. Ex-girlfriend pa rin ako, kaya awkward yung feeling. Hindi naman kasi natin alam kung ano yung reason kung bakit ’di dumating yung misis niya. Sana lang ’di na nila binigyang-kulay yung pagpunta ko dun. Kasi naging part naman ng buhay ko at pamil


Isang linggo na ring nailibing si Tyron Perez, pero hanggang ngayon ay hindi pa makapaniwala ang malapit nitong kaibigan at naging girlfriend na si Charee Pineda sa sinapit ng aktor.

"Hangang ngayon, yung totoo, kahit alam kong patay na siya at nandun ako nung libing niya, hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na patay na siya.

"Mas gusto kong manatili siya sa isip ko na buhay pa siya at alalahanin yung magagandang araw na kasama ko siya.

"Hangang ngayon nga, shocked pa rin ako. Hindi kasi ako makapaniwala na magagawa niyang magpakamatay.

"Kasi knowing Jojo [tawag niya kay Tyron] napaka-positive na tao yan, e. Hindi ’yan basta-basta sumusuko sa problema.

"Three years ding tumagal yung relasyon namin. Kaya naman sa loob ng tatlong taon, kilalang-kilala ko na siya.

"Siya kasi yung first boyfriend ko kaya sobrang naging close ako sa kanya. Kaya hindi ako makapaniwala.

"Kaya nung napanood ko lang siya sa TV, ’tsaka lang ako naging sobrang emotional.

"Kasi hindi talaga siya ganun, e! Siguro hindi na niya talaga kinaya yung problema niya.

"Sana nga tinawagan niya ako, para nakausap ko siya at nabigyan ng payo. O kaya, natulungan ko siya.

"Hindi na kasi siya iba sa amin. Sobrang close siya sa family ko... sa daddy at mommy ko.

"Kaya nga kahit sila nalungkot sa nangyari kay Jojo."

REMEMBERING TYRON. Ano yung mga naaalala niya kay Tyron noong nabubuhay pa siya?

"Sobrang masayahin ’yan. Gusto niya laging masaya yung paligid.

"At kahit na may problema ’yan, hindi mo mapi-feel sa kanya na may problema siya. .

"Hindi niya ugali yung ’pag masama yung loob niya ipapaalam sa ’yo ’yan.

"At sobrang thoughtful ’yan.

"Malambing, mabait, kahit sa mama ko malambing siya.

"Malambing siya kahit na nung nag-break na kami.

"Kaya sobrang nalungkot talaga ’yung mama ko no’ng malaman yung nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After ng relationship namin, wala na kaming communication. Kasi, ’pag nagkikita kami, as in hi, hello lang.

"Pero, nung naghiwalay kami, friends kaming dalawa.

"Yun nga lang, wala nang usapang personal tungkol dun sa mga bagay na nangyayari sa amin.

"Hindi ko alam kung umiiwas siya, o nahihiya sa akin.

"Minsan nagsasama kami sa mga shows, babati lang siya, ’tapos lalayo na.

"Naiintindihan ko naman siya, kasi nga nung mga time na nagkikita kami, mero’n na siyang iba.

"Pero sa akin naman, anytime na kailangan niya ng kausap nandito lang ako bilang kaibigan."

PLEASE DON’T MISINTERPRET ME. Nahihiya nga raw si Charee, dahil baka nabigyang-kulay ang pagpunta niya sa libing ni Tyron, lalo na’t wala roon ang misis nito.

"Nahihiya ako. Honestly, awkward yung feeling dahil may asawa na si Jojo.

"Ex-girlfriend pa rin ako, kaya awkward yung feeling.

"Hindi naman kasi natin alam kung ano yung reason kung bakit ’di dumating yung misis niya.

"Sana lang ’di na nila binigyang-kulay yung pagpunta ko dun.

"Kasi naging part naman ng buhay ko at pamilya ko si Jojo.

"Kahi’t wala na kami at nag-asawa na siya, naging magkaibigan naman kami kaya nagulat ako nung lumabas yung issue."

MEETING HIS WIFE. Kuwento pa ni Charee, naging maganda naman daw ang pakikitungo sa kanya ng asawa ni Tyron.

Pero hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

"Yes, na-introduce kaming dalawa. Napaka-entertaining niya sa akin nung pumunta ako sa wake ni Tyrone.

"Yun nga lang, wala na man kaming napag-usapan. Nag-meet lang kami, winelcome niya ako, ’tapos sabi din niya sa akin, ’condolence.’

"Kasi medyo busy din siya nung mga oras na yun, e."

MESSAGE FOR TYRON. Anong mensahe niya kay Tyron?

"Tyron, alam kong nasa better place ka na. Wala ka nang problema. Wala ka nang iisipin.

"Kung suicide man ’yan, alam kong ang unang makakaintindi sa ’yo ay si Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko nasa masayang lugar na siya.

"And knowing Tyron, sa daming nakiramay sa kanya na nag-express ng sympathy at ng pagmamahal, alam kong masaya na siya," pagtatapos ni Charee.

Samantala, ipinaliwanag ni Liv Espino sa nauna niyang panayam kung bakit wala siya sa libing ng kanyang asawa.

Ito ay dahil sa maliit na hindi raw pagkakaunawaan sa pagitan niya at sa pamilya ni Tyron.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN