Enchong Dee admits to occasional "tampuhan" with screen partner Erich Gonzales

Enchong Dee on his loveteam partner Erich Gonzales: "Kaming dalawa ni Erich, kung mayroon man kaming tampuhan, hindi siya yung problema na hindi mo maso-solve.

"May mga nagsasabi sa akin na ganun ang problema namin, pero hindi. Kumbaga, kahit naman siguro magkakapatid, nagkakaroon ng tampuhan.

"And I can say na magiging mas makulay yung relationship namin ni Erich.


Nagsimula sa mga blind item hanggang sa mapangalanan ang magka-loveteam na sweet lang daw sa harap ng kamera kapag take ng teleseryeng pinagsasamahan nila, pero off-cam daw, hindi nagpapansinan at may malalim na inis sa isa’t isa.

Ang tinutukoy raw sa blind item ay sina Enchong Dee at Erich Gonzales.

Magkasama ang dalawa sa Maria La Del Barrio, ang early primetime series ng ABS-CBN.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong, hindi nito itinago na may mga simple nga silang tampuhan ng kapareha.

Pero para sa kanya, ito ang nagpapakulay sa love team nila ng young actress.

Ayon pa rin kay Enchong, "Kaming dalawa ni Erich, kung mayroon man kaming tampuhan, hindi siya yung problema na hindi mo maso-solve.

"May mga nagsasabi sa akin na ganun ang problema namin, pero hindi.

"Kumbaga, kahit naman siguro magkakapatid, nagkakaroon ng tampuhan.

"And I can say na magiging mas makulay yung relationship namin ni Erich.

"Kasi nga, may sweet part, may bitter part, mayroong funny part...

"Kumbaga, kumpleto kami.

"Kaya nga siguro ganito ang love team namin kasi napagdadaanan na namin ang lahat."

Dagdag pa ng young actor, "Okay na okay kami ni Erich kahit magpunta kayo sa set.

"Nagulat ako kasi, kung dati isa-isa kaming inaatake, hindi sila naging successful.

"Pero ngayon, sabay naman kami inaatake para kami pabagsakin.

"Ano na lang, good luck na lang sa kanila."

Ibig bang sabihin nito ay wala na silang pakialam sa mga intriga tungkol sa kanila?

"Hindi naman sa walang pakialam, siyempre nandun naman yung pakialam namin.

"Basang-basa namin ang isa’t isa.

"Kung mayroon mang makakaintindi sa kanya at makakaintindi sa akin sa set, kaming dalawa yun.

"Kasi kami ang dalawang pinakamatagal na magkatrabaho," saad ni Enchong.

EXTENDED. Masaya namang ibinalita ni Enchong sa PEP na hanggang March pa ang Maria La Del Barrio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re very thankful, kasi nga, bibihira yung makaranas ng extension ang isang teleserye, and ngayon na-extend na naman kami for the second time.

"Dati February kami matatapos, ngayon March na.

"Kaya thankful kami sa lahat ng nanonood, sa lahat ng umuuwi nang maaga.

"Kumbaga, yung timeslot namin, uwian talaga yun, e.

"I think, pinalabas na kasi yung sampalan ni Erich at ni Jewel [Mische], e, yung magiging affair siguro.

"Tulad nung nag-presscon tayo, yung incest, napakahirap ng pinasukan naming kuwento.

"Now, ang hirap ng kalagayan ng character ko dun as Luis Fernando−dun ba talaga siya sa taong minamahal niya o dun sa taong pinakasalan niya?

"Kahit ako, nag-aabang ako sa magiging last script, kasi wala pa sa amin.

"Kung ako yung tatanungin, dun ako sa pinakasalan ko kasi pinasok mo yun, di ba?

"Kailangang panindigan mo, no turning back."

Mature ang role ni Enchong bilang Luis Fernando sa Maria La Del Barrio.

Para sa kanya, perfect timing ngayon para sumubok na siya ng mga ganitong klaseng mga character.

Saad niya, "Mayroon na rin tayong pumapasok na mga mas bata ring mga artista.

"Kumbaga, sila na yung hahawak ng mga roles na mas bata.

"Kumbaga, sa amin na nakasalalay yung ganung mga roles."

JULIA MONTES. Aminado si Enchong na gusto niya si Julia Montes.

May mga balita pa nga na mag-on na raw talaga ang dalawa, pero itinatago lang nila sa publiko.

May bagong show si Julia sa ABS-CBN, ang Walang Hanggan, kunsaan kapareha niya si Coco Martin.

Tinanong ng PEP si Enchong kung hindi siya nagseselos sa pakikipagtambal ni Julia kay Coco.

"Selos? No, I’m really happy for them.

"Like kay Julia, kasi mature yung role niya. And for Coco, kasi super love story."

Dagdag pa ni Enchong, "Magkaibigan kami ni Coco, nagkatrabaho kami sa Sa ’Yo Lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya sa akin, ’Kung may gusto kang gawing indie, tanungin mo lang ako. Tutulungan kita. Bibigyan kita ng advice kung okay ba, kung anong kuwento.’

"He’s like an older brother to me.

"Saka single naman siya, so bakit hindi?" saad ni Enchong.

Bilib din si Enchong kay Julia na nagagawang gumanap ng mga role na malayo sa tunay na edad nito—16.

Ayon sa young actor, "Hindi naman kasi siya daring na bastos, it’s more of daring in a way na more than her age yung role.

"Congratulations!

"Yung iba, nahihirapan pang kumawala for being a teeny-bopper, siya hindi."

MOVIE PROJECT. Masaya namang ibinalita ni Enchong sa PEP na isang pelikulang pagsasamahan nila ng mga kaibigan sa showbiz ang ihinahanda sa kanila ng Star Cinema.

"It’s with Kean [Cipriano], Xian [Lim], Enrique Gil," banggit niya.

"Naghintay ako for 2011, hindi ako nakagawa ng pelikula.

"And ngayong 2012, hoping ako na first quarter siya or magiging second quarter yung pelikula lalabas.

"Excited ako kasi, kumbaga nga, isang taon akong naghintay.

"Nung nag-storycon nga kami, ang aga ko sa Star Cinema. Excited ako.

"Nung binabasa yung script, nung binigay nila sa akin yung script, I have to pause for a while kasi tawang-tawa ako.

"Sinimulan kong basahin yung script ng 12 midnight at natapos ako ng 4 a.m.

"And in the middle of the night, kailangan ko talagang mag-stop siyang basahin dahil tawa ako nang tawa, hindi ako maka-concentrate.

"It’s more of age-appropriate movie, barkada movie, walang bigat na movie."

Sa nasabi ring pelikula, required na kumanta si Enchong.

Inamin nga niya na gusto talaga niyang subukan ang pag-awit kahit dati pa.

"Oo sana, kasi gusto kong kumanta.

"But for sure, makiki-partner tayo sa Star Records, parte siya ng movie.

"Naunahan lang ako ni Anne [Curtis], e.

"Gusto kung sa gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit naman sinong Filipino, bigyan mo ng videoke diyan, uubusin yung limang piso sa wallet nila para lang makakanta nang makakanta.

"At isa ako dun!" pagtatapat ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN