Jason Abalos admits to being "medyo loko-loko" in past relationships

"Noong mga panahon na ’yon, tama si Maja [Salvador]. Iyon ’yong mga panahong medyo loko-loko ako. Kumbaga, nadala lang ako ng buhay ng celebrity, lahat ng [bagay] nasa inyo," Jason Abalos says about his failed romantic relationships.


Napaamin ang binatang aktor na si Jason Abalos na nagloko siya sa mga nakaraang relasyon niya.

Hindi na ito naiwasan ng isa sa mga lead actors ng upcoming afternoon drama series na Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man sa Akin, sa ginanap na press conference noong Enero 17, Martes, sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Natanong kasi si Jason kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng dating kasintahang si Ina Feleo, na nagkataong co-star din niya sa nasabing teleserye.

Bago pa makasagot si Jason, pabirong sumagot ang kapareha niya sa soap na si Maja Salvador: "Loko-loko kasi."

Matatandaang unang nakilalang onscreen partner ni Jason si Maja.

Noong panahong madalas silang nagkakasama sa proyekto, napabalita rin na niligawan ni Jason si Maja.

Pero sa presscon noong Martes, inamin nilang dalawa na hindi ito natuloy dahil may pumigil sa binata sa pagpapatuloy ng panliligaw.

Una namang nagsama sina Jason at Ina sa independent film na Endo.

Pagkatapos ng biro ni Maja, hindi na nakaiwas si Jason at umamin sa pagiging "loko-loko" niya.

"Noong mga panahon na ’yon, tama si Maja. Iyon ’yong mga panahong medyo loko-loko ako.

"Kumbaga, nadala lang ako ng buhay ng celebrity, lahat ng [bagay] nasa inyo.

"Dumating ako sa punto ng buhay ko na may trabaho ako, may ganito ako, may ganyan ako, pero hindi ako masaya.

"Siguro, ngayon ko lang masasabi sa buhay ko na kuntento ako.

"Kahit anong bigay sa akin, at least may ’binibigay."

"WALANG ILANGAN." Hindi naman problema para kay Jason na makasama ang dalawang aktres na dating na-link sa kanya.

Sa halip, sabi niya, "’Yon ang mga challenging na ginawa ko.

"Natutuwa ako na nakaktrabaho ko ulit sila.

"Ngayon na nagkakasama kami, walang ilangan, magkakaibigan.

"Para sa akin, masarap isipin na kung ano ang nangyari, nakalimutan na.

"At ngayon po ay nagtratrabaho kami nang maayos, nagkakatinginan kami sa mga mata nang walang alinlangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ako po ay nagpapasalamat na nagkakasama-sama na."

NEW INSPIRATION. Sa naturang press conference, inihayag ni Jason na masaya na ngayon ang kalagayan ng kanyang puso.

At isang malaking inspirasyon niya ay ang kapwa Star Magic talent na si Jewel Mische.

Sa hiwalay na interview, sinabi nito, "Sa akin, si Jewel ay napaka-special.

"Siguro, para sa akin, wala ako sa ganitong way ng pag-iisip kung hindi ko siya nakilala."

At sa panayam niya kay Boy Abunda sa Bandila, inamin ni Jason na sila na nga ni Jewel.

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN