Richard Quan on rumors that he might be gay: "Hindi lang nila ako kilala!"

Richard Quan on his personal life: "Wala akong itinatago na pagdududahan, o kung anuman...wala. Sobrang clean living."


Ang character actor na si Richard Quan ay bida sa 5 Girls And A Dad.

Ang bagong serye ay mula sa Net 25 na magsisimulang isahimpapawid sa Lunes, January 23, mula 7:30 hanggang 8:30 p.m.

Ano ang pakiramdam ni Richard na isa na siyang lead actor?

"Sa isang TV series, oo. Pero hindi ko siya nakikita as lead character," sabi ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay nang matapos ang media launch ng 5 Girls And A Dad noong Lunes, January 16, sa Gloria Maris Restaurant ng The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Ginagampanan ni Richard sa 5 Girls And A Dad ang papel ni Enzo, ang batambatang biyudo na naiwan ng yumaong asawang si Veron (played by Precious Lara Quigaman).

Si Enzo ang magpapalaki sa lima nilang anak na babae.

Patuloy ni Richard: "Nakikita ko [ang papel ko], as character lang.

"So, ibinigay nila sa akin ang character, yun ang focus ko.

"Doon ako nagko-concentrate sa pagbuo ng character na yun.

"Nagkataon lang na mas mabigat ang demands ng role. So, sa gano’n ko siya nakikita.

"Dina-downplay ko yung lead [status], e.

"Can’t help it, but it’s best to downplay it."

MALE NORA? Sa presscon proper, all-praises sa kaniya ang kanyang direktor na si Elson Montalbo, who is also entertainment head of EBC/Net 25.

Pinupuri nito ang husay sa pag-arte ni Richard, sa puntong nasabi niyang ang aktor, para sa kanya’y "male Nora Aunor."

Natawa si Richard sa gayong paghahambing.

"Direktor ko siya, kaya ’wag kayong maniwala do’n!" biro ni Richard.

Dagdag pa niya, "You have to see it. Panoorin n’yo and judge for yourself."

Kung susumahin, labing-siyam na taon na raw si Richard sa showbiz.

Ang una niyang pelikula ay Saan Ka Man Naroroon (1993) sa Reyna Films, directed by Carlos Siguion-Reyna.

Interestingly, ang lead actors ng pelikula, sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, ay nagbabalik-tambalan ngayon sa isang Kapamilya teleserye, ang Walang Hanggan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa...sila ang mga kasabay ko noon," pag-alala ni Richard.

Maliban sa kanyang bagong show sa Net 25, may iba pa ba siyang pinagkakaabalahan?

"May ginagawa akong Legacy [sa GMA-7]. Pero mauuna ito sa 5 Girls And A Dad sa timeslot niya," banggit niya.

Kumportable ba siyang hindi nakakontrata sa isang network kahit ngayong pambida na rin ang papel niya?

"Ever since naman, kaya nakikita n’yo ako, sa Dos, sa Seven," nakangiting sambit ng aktor.

VALUES-ORIENTED. Bilang isang family-oriented dramedy, ang 5 Girls And A Dad ay kakaibang panoorin daw ang hatid.

Bukod sa pagiging wholesome ng show, ayon kay Richard, "Sobrang taas ng standard ng values na ini-inject namin sa story every week.

"Yun ang isang maganda sa show, na gusto ko lang bigyan ng importansiya."

Mula sa panulat ni Lualhati Bautista, ang 5 Girls And A Dad ay kuwento ng limang magkakapatid na babae at ng isang nabiyudong mag-aaruga sa kanila.

"Usually, mas intricate at complex ang reyalidad natin," pagtukoy rin ni Richard.

"But the show is not veering away from it, from the realities of our present-day society.

"Yun nga lang, walang ipapakitang violence, o tragedies, na karaniwang sangkap ng mga teleserye.

"Pati mga struggle, nasa loob, e. Nasa loob ng characters, ng bawat pamilya. So, it’s within the family.

"Like, tina-tackle namin, halimbawa, ang tungkol sa global warming, pero hindi hard sell.

"O, ang problema ng mga magulang, like me, na single parent at mga lumalaki niyang anak, na hindi preachy ang dating."

READY TO MINGLE? Napunta naman sa usaping puso ang aming kuwentuhan.

Kumusta ang kanyang lovelife?

Dati kasi ay nakita ng PEP na may ka-date si Richard sa isang mall. Sila pa rin ba ng magandang babaeng kasama niya dati?

"Malamang hindi na!" natawa si Richard.

May nag-inform din sa PEP na umano’y taga-Las Piñas City ang bagong girlfriend ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan," biro uli ng aktor, na natatawa sa pag-uusisa namin.

Baka pagdudahan ng tao na isa siyang bading. Hindi ba siya nag-aalala na baka maintriga siya sa kanyang gender?

"Hindi lang nila ako kilala! Hindi lang nila ako kilala!" natawa si Richard.

"Wala akong itinatago na pagdududahan, o kung anuman... wala. Sobrang clean living."

Wala pa raw planong magpakasal si Richard sa puntong ito.

"Hindi pa... still enjoying my life," paniniyak niya.


ON LARA QUIGAMAN. Kumustang katrabaho si Precious Lara Quigaman?

"Very nice...sobrang bait niya!" pagpuri ng aktor sa kaparehang former beauty queen.

"Nag-exceed yung expectations ko.

"Alam ko, magaling siya, pero hindi ko alam na sobrang galing pala niya.

"And she’s very professional. Ang sarap kaeksena, kasi ang dali mong maka-relax, e.

"Yung personality niya, open, e.

"More on sa flashbacks yung character niya, so anytime, papasok siya sa kuwento."

Bago maintriga sa maganda niyang kapareha, nagpauna na si Richard ng impormasyon.

"Kaibigan ko si Marco," sabi nito, na ang tinutukoy ay si Marco Alcaraz, ang kasintahan ni Precious Lara].

"Kasama ko siya sa huling teleseryeng ginawa ko.

"Kasal na yata sila, o ikakasal pa lang?" tanong din ni Richard, unaware na may balak pakasal ang dalawa ngayong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN