Veteran actress-comedienne Vangie Labalan is self-confessed Coco Martin fan

"Natatawa na lang ako, but I am following the career of Coco Martin. He was into this scandal, he was into this small-time movie. Movies na hindi masyadong pinanonood. Kaya nung lumabas siya sa mainstream, parang na-shock na lang lahat. Parang, ’Ang galing-galing niya.’ Paanong hindi gagaling yun, e, napakatiyaga," says Vangie Labalan when asked what she admires about Coco Martin.


Pinasok na rin ang pagbi-business ng magaling na character actress na si Vangie Labalan.

Ito ay ang Davao’s Best Lechon Manok and Liempo, kung saan kasosyo niya ang dating na-link sa kanyang dance instructor na si Starsky.

Kuwento ng beteranang aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kauna-unahang primetime soap ng Net 25 na 5 Girls and a Dad, kahit busy na siya sa pagnenegosyo, hindi niya iiwan ang pag-arte at hilig sa ballroom dancing.

Ipinagmalaki rin ni Vangie na isa na siyang dance instructor ngayon.

"Iba kasi yung may sarili kang negosyo ka kahit artista ka.

"Kaya naman nung inaya ako ni Starsky na makipagsosyo sa kanya, [umoo ako agad].

"May kasabihan nga na seasonal ang pagiging artista. Minsan may trabaho ka, minsan wala.

"So, minsan may kita ka, pero minsan wala naman.

"Kaya habang kumikita, dapat alam mo kung saan mo ilalagay yung kinita mo.

"Kaya ako, sinubukan kong magnegosyo. Yun nga, sa business ni Starsky...

"Sa ngayon nga, going strong yung business namin.

"Mero’n na kaming 25 branches and still growing."

THE REAL SCORE WITH STARSKY. Na-link sa kanya noon si Starsky. Naging sila ba?

Natawang sagot ni Vangie, "Yun ba? Wala yun.

"Kasi nga instructor ko siya sa ballroom dancing.

"Siya yung lagi ko kasayaw at nakikita ng mga press people kaya nabigyan ng kulay.

"Pero ang totoo, close friend ko lang siya at ngayon nga ay business partner."

ALSO BUSY WITH... Bukod sa kanyang negosyo, ano pa ang pinagkakaabalahan niya?

"Well, ang aking workshop ay tuluy-tuloy lagi. Lagi akong may pa-workshop.

"Kung minsan kasi, hindi nabibigyan ng pagkakataon [ang iba] na makapag-workshop sa mga TV network, kasi limited yung slot nila.

"So, they come to me. That’s what I do.

"And also pala, nagbigay din ako ng pro bono na workshop sa Sydney [Australia], sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cause we need a Rizaliana drama on radio, and one thing pa is, nasa editing and fixing stage ako na matagal-tagal ko nang pinapangarap.

"Yun yung Noli Me Tangere on radio. Isn’t it great?

"Matagal ko na talaga pinapangarap yun.

"And hinahanap ko talaga, kung sino yung makikinabang talaga nito para makabawi man lang ako kahit konti.

"And I’m so happy talaga!

"Aminin natin, hindi naman natin nadedetalye lagi-lagi at saka nakakalimutan natin yung Noli Me Tangere.

"Although we had it in high school, and I know there are some subjects din in college, pero ayun ang aking tinututukan sa ngayon.

"And maybe in the near future, may iba akong gagawing radio play, like Florante at Laura.

"Kasi, it’s not all the time na may ganung maririnig sa radio. Baka akala nila kasi hindi interesting.

"It’s interesting, ang mga istorya na ipinagmamalaki ng ating bansa."

5 GIRLS AND A DAD. Patuloy pa niya, "At siyempre, hindi ko iiwan ang pag-arte, kaya kasama rin ako dito sa 5 Girls and a Dad.

"Na dapat nilang abangan kasi napakagandang paglalahad ng istorya ni Lualhati Bautista.

"Kasi, dahil na rin sa manner na nadi-discuss at nata-tackle yung mga sensitive issues like autism at pagpapalaki ng mga bata."

Ano ang role niya sa kanilang show?

"Ako yung nanay ni Richard Quan, na ama nung limang bata. E, maagang nabiyudo.

"In a manner, naghubog ako ng isip ng mga bata.

"Parang ’pinapakita dito na kahit lola ka, e, may responsibilidad ka and nakakatulong sa paghubog ng utak ng mga apo mo."

So, isa itong dramedy?

"Oo, comedy, pero serious na mga bagay ang tina-tackle...napakaganda ang approach nila."

SINONG DIREKTOR? Mas kilala siya bilang komedyante, pinangarap din ba niyang maipakita ang galing niya sa drama?

"Again, oo. Kasi, I had that dun sa Imortal. And which is kinda bihira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, but I would most welcome if may interesadong kunin ang serbisyo ko.

"Pati sa TV, kahit saan.

"Kahit sa indie, lalo na’t maraming mahuhusay na director ang gumagawa ng indie.

"Dati kasi, ’Sino ’yan? Sinong director?’ Pero ngayon, iba na.

"Pati mga batikang director, gumagawa na ng indie and I’m so happy."

Siya ba partikular kung sino ang director na kanyang makakatrabaho?

"Oo," sagot ni Vangie.

"Una kong tinatanong kung sinong director and kung sinong kasamang artista.

"Tinatanong lang, pero hindi ko pa na-encounter na nag-refuse ako.

"Kasi siyempre, you should give everybody a chance.

"O, kung may kakulangan man sila sa skills, at least may maibibigay or may maise-share ka.

"Kumbaga sa ano, there’s always a chance given to people and opportunities na dumadating.

"Malay mo, ikaw yung makapagbigay ng konting chance.

"I have done that so many times. At ang daming bunga na maganda.

"Minsan yung mga parang hindi kilala, sila pa yung sumisikat nang todo-todo.

"At pag sumikat yung director, mas lalo pang dadami yung mga role because they never forget.

"Like Eugene Domingo and Ai-Ai delas Alas, nung mga times na maliliit pa yung mga role nila sa mga Vic Sotto movies. Exactly yung ganun.

"At saka yung iba rin sana, ganun din sila. Di ba, always give a chance?

"Kung may kakulangan man, talagang ganyan lang, e.

"Kung you’re smart enough,e, di makatulong ka pa."

NOT LEAVING RADIO. Bakit hindi niya maiwan-iwan ang radio?

"Of course, kasi ’yan ang pinaka-basic, pinakasimple.

"Kasi kahit sa mga workshop ko, tinuturo ko ’yan.

"’Yan kasi ang pinakamabilis na paraan para maging magaling na artista.

"Matututo ka kasi ng voice acting.

"Like radio play, yun na yung pinakamabilis na way kasi.

"Radio will always be there, although ang katotohanan, maraming tao ang wala nang radio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I mean, hindi na sila nag-iintindi.

"That’s why dito sa aking Noli Me Tangere on radio is ilalabas naman siya as CD.

"Or, malay mo, may mga interesadong agents, kasi mas madali yun kesa sa TV.

"Di ba, kasi mero’n na tayo [Noli Me Tangere] sa TV, kay direk Eddie Romero?

"E, ’eto naman, radio. Malay mo may magkainteres na pakinggan.

"Im just hoping that young people will still be interested sa Noli Me Tangere."

WHO WILL MAKE IT BIG? Sa tingin niya, sino ang malaki ang chance na sumikat dahil sa galing umarte?

"Natatawa na lang ako, but I am following the career of Coco Martin," pag-amin ni Vangie.

"He was into this scandal, he was into this small-time movie.

"Movies na hindi masyadong pinanonood.

"Kaya nung lumabas siya sa mainstream, parang na-shock na lang lahat.

"Parang, ’Ang galing-galing niya.’

"Paanong hindi gagaling yun, e, napakatiyaga?

"Sa dami ng nilabasan na niya noon.

"’Tsaka palagay ko, he never wasted any experience dun sa mga small-time indie na ginawa na niya before.

"Dun mo mapapatunayan na there’s always room for everybody.

"Basta mahusay ka and if you commit yourself.

"Kasi ang pag-aartista ay isang commitment."

Dagdag pa niya, "Sa GMA-7, tagahanga ako ni Enzo [Pineda] kasi napakaguwapo, and may promise talaga siya na maging katulad ni Dingdong Dantes.

"And he has the height, and talagang nakikita ko siyang pursigido.

"Pati yung mga bagets ng GMA-7, like Kristoffer Martin. May height, guwapo at magaling umarte.

"Like Coco Martin, malaki ang potential ng batang ’yan kapag nabigyan ng magandang proyekto at ipinareha sa mga magagaling na aktres sa GMA-7."

Sa babaeng artista naman?

"Marami din. Like sa GMA, nakikita ko yung promise kay Kylie Padilla. Nakita kong mahuhusay sila.

"Sa ABS, si Angel Locsin and KC Concepcion.

"Sobrang layo na niya sa KC before. Sobrang nag-improve talaga siya," sabi pa ng aktres tungkol sa anak ni Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN