Comedy duo Moymoy Palaboy dreams of making lipsynch video with Congressman Manny Pacquiao

YouTube sensation turned TV comedy duo Moymoy Palaboy dreams of making a lipsynch video with boxing champ and Sarangani Congressman Manny "Pacman" Pacquiao, but is too starstruck to ask him.



Bukod sa Bubble Gang at Manny Many Prizes, kasama rin sa bagong show ng GMA-7 na iBilib ang magkapatid na Rodfil at Moymoy, na kilala bilang comedy duo na Moymoy Palaboy.

"Kami yung semi-kontra kay Chris Tiu. Kasi si Rod, yung kapatid ko, siya yung naniniwala na totoo ang mga sinasabi ni Chris," sabi ng mas nakatatandang si Moymoy, 28, sa interview nito kahapon, January 19.

Humarap sina Moymoy at Rodfil sa mga imbitadong press, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa 17th floor lounge ng GMA-7 Network Building sa Timog, Quezon City.

Sila raw ni Rodfil, 26, ang susubok sa mga ipe-present na nakamamanghang bagay ng iBilib host na si Chris.

Hango mula sa Japanese show na Wonders of Horus ang bagong edutainment (educational and entertainment) show na iho-host ng 26-year-old na dating Ateneo Blue Eagles point guard.

Tila may halong magic na scientific experiments ang ipapakita sa show.

Hahamunin ng magkapatid na komedyante ang mga experiment, na siyang pagmumulan ng mga nakamamangha o nakakabilib na pangyayari.

"Makikita n’yo doon... pinaglakad kami sa tubig na may cornstarch sa ibabaw. Hindi ka pala lulubog," ani Moymoy.

Mayroon ding trick na isang walang-tubig na aquarium ay lalagyan ng mga bagay na lulutang, ang pagbabago ng boses nila sa pamamagitan ng paghigop ng hangin ng lobo, at iba pang "magic tricks" na may scientific explanation naman pala.

CELEBS IN THEIR LIPSYNCH VIDEOS. Nakilala ang magkapatid dahil sa mga YouTube videos nila na nagli-lipsynch sa mga sikat na awitin.

Ilang celebrities na rin ang lumitaw sa videos nila, kabilang na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, at JM de Guzman.

Tinanong ng PEP kung gagawa rin ba sila ng video kasama ang host ng bagong show nilang si Chris at co-host nitong si Isabelle Daza?

"Puwede, puwede. Kung papayag sila," sabi muna ni Moymoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi usually, yung mga nakakasama namin sa YouTube [videos], sila yung nag-i-invite.

"Siyempre, nakakahiya kung ikaw ang nag-umpisa... ’Oy, sama ka naman sa ’min!’

"E, pa’no kung hindi feel?

"So, usually, like sina Rhian, yung ibang celebrity, sila yung nagyayaya.

"’Tapos handa sila nun. Gaya nung ginawa namin kay Rhian."

Ang "Super Bass" video nila ni Rhian ang tinutukoy ni Moymoy, na mula noong in-upload nila sa YouTube nung Septyembre ng nakaraang taon ay may views nang lagpas ng two million.

DREAM CELEB TO HAVE VIDEO WITH. Pero kung may celebrity raw na talagang pangarap nilang makasama sa lipsynch video, ito ay walang iba kundi ang Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao.

"Si Ninong Manny. Siya talaga!" saad ni Moymoy, na tinanguan agad ng pagsang-ayon ni Rodfil, na kumakain naman ng sandaling iyon.

Kung si Pacman pala ang dream celeb na gusto nilang makasama sa lipsynch video, bakit hindi pa nila ito yayain, gayung kasama naman nila ito sa Manny Many Prizes?

"Nakakahiya, e. Hanggang ngayon kasi, starstruck pa rin kami sa kanya.

"Tinetiyempuhan lang muna namin, tina-timing-an..." sabi pa ni Moymoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN