Leandro Baldemor on being part of Munting Heredera: "Dito po ako naging ganap na artista."

Leandro Baldemor on his role in Munting Heredera and acting alongside veteran stars like Gloria Romero: "Ngayon napakaganda ang nangyari sa karera ko ngayon. Napakabigat ng role ko dito."


Madamdamin ang naging presscon para sa finale week ng Munting Heredera na ginanap kagabi, January 19, sa 17th floor ng GMA Network. Center

Naluha ang ilang artista—sa pangunguna nina Gloria Romero, Camille Prats, Gabby Eigenmann, at maging ang mga batang miyembro ng cast—dahil huling linggo na ng kanilang top-rating teleserye sa January 30 hanggang February 3.

Pinalakpakan naman si Leandro Baldemor sa kanyang tinurang: "Dito po sa Munting Heredera ako naging ganap na artista."

Ayon pa sa kanya, nabigyan siya ng pagkakataon na patunayang hindi lang siya isang dating bold star kundi may ibubuga rin sa pag-arte.

THANKFUL FOR THE BREAK. Hindi ikinahihiya o itinatatwa ni Leandro ang mga pelikulang nagawa niya noon—gaya ng Patikim ng Pinya (1996), Sariwa (1996), Tukso Layuan Mo Ako 2 (1996), Pisil (1998), Katawan (1998), Burlesk Queen Ngayon (1999), Pedrong Palad (2000), at Virgin Wife (2001).

Pero sa pagkakasali niya sa primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera, naramdaman daw niyang tanggap din siya ng tao kahit hindi maghubad.

"Ngayon, napakaganda ang nangyari sa karera ko ngayon. Napakabigat ng role ko dito," panimula niyang saad sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ito ang nagbigay sa ’kin ng break uli," patuloy pa niya.

Pagkatapos daw ng lampas na limang taong pamamahinga sa showbiz ay nakagawa rin siya ng ilang TV projects sa ibang istasyon, pero sa Munting Heredera siya nagkaroon ng mapanghamong papel.

"Kasi, kahit na noong mga nakaraan na nakikita na ’ko sa TV, ito yung parang...na-refresh [yung career ko] and nakita dito yung aking talento.

"Na kahit papaano, nakaambag ako sa mga [eksena nina] Gloria Romero, Robert Arevalo, Luz Valdez, Camille Prats.

"Nakaambag ako doon para maging maanghang yung ano...Munting Heredera.

"’Tsaka siyempre, sa supporting actor natin, Gabby Eigenmann," parinig pa niya sa kanyang co-star na nasa kabilang dulo lang ng mesa.

Nanalo si Gabby ng Best Supporting Actor sa Golden Screen Awards ng Enpress last year para sa pagganap nito sa Munting Heredera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Leandro, "Dito kasi, nagkaroon na ako ng manager, Maryo J. de los Reyes. Kaya ako napasok dito dahil kay Direk Maryo.

"Kumbaga no’n...no’ng wala na kasi akong manager, wala na kasi si Tito Bobby Yalung, hindi maganda yung track ng aking karera. Walang napupuntahan.

"After Tito Bob, wala na," pag-alala niya sa kanyang dating manager na naninirahan na ngayon sa ibang bansa.

FAMILY MAN. Kumusta naman ang personal life ni Leandro?

"Masaya ako," nakangiti niyang sagot.

May mga anak na ba siya?

"Twelve years old, three years old, tsaka one year old.

"Boy, boy, girl," pagtukoy niya sa kasarian ng kanyang mga anak.

Sino ba ang napangasawa niya?

"E, yung aking childhood sweetheart.

"Yun pa rin. Hindi ako nagbago!" kanyang paliwanag dahil parang hindi nga siya na-link kahit kaninong artista noong nasa Seiko Films pa siya.

Hindi ba’t nakatapos naman siya ng college?

"Oo, nurse. Board passer. Tagal na no’n.

"Para namang bago ako sa Seiko sa tanong!" tawa ni Leandro.

Kaya naman naitanong yun dahil bakit hindi niya naisipang pumunta sa abroad, o sa Amerika, dahil in-demand noon ang kagaya niyang nurse?

"A, hindi. Hindi ko naisip yun.

"Yung asawa ko naisip, e, sabi ko, ’Wag na. Dito na lang tayo. Masaya naman tayo dito.’"

Paano siya nakabalik sa pag-arte matapos mamahinga ng halos anim na taon?

"Ang hirap makabalik. Sa totoo lang, anak ng..." naiiling niyang kuwento.

OTHER PLANS? Ano ang plano pa niya ngayon 2012, lalo na’t patapos na ang kanilang teleserye?

"Dapat magdire-diretso [ang acting projects]. Kasi kasama ’to sa business ko, e.

"Gaganda mileage ko kapag...mas madaling mag-deal. Mag-close deal pagka nakita ka sa TV.

"Bakit pa ako kukuha ng di ko kilala? Dito na ako sa kilala."

"Saka ang Paete [Laguna] naman is known [as a]...carving capital, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto na kasi yung naging linya ng negosyo ko.

"So far, okay naman. Maganda," pagtukoy niya sa business niya sa kanilang bayan sa Laguna.

WHO WILL FOLLOW HIS FOOTSTEPS? Wala bang nagkakainteres mag-showbiz sa kanyang mga anak?

"Wala, wala. Ewan ko, hayaan mo sila.

"Kasi madali naman yun kapag gusto nila, e.

Sakali, sino ang nakikitaan niyang maaaring sumunod sa kanyang yapak?

"Lahat, e. Malakas ang loob, e.

"Tulad do’n sa My Dad Is Better Than Your Dad, nanalo kami ng panganay ko," kuwento pa niya sa dating game show ng GMA-7.

"’Tapos ’eto namang isa, bibo, e. Puro bibo, ’tsaka sana...

"Ewan ko, tingnan natin," pagtatapos ni Leandro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN