Star Power runner-up Akiko Solon debuts as an actress in E-Boy

"Sobrang nakaka-excite na natsa-challenge ako. Kasi, I’m known as a singer talaga, so parang ako, ’Kakayanin ko na lang ’to,’" says Akiko Solon about starting a career in acting.



Bukod sa pagiging singer, kung saan siya nakilala, nais na ring pasukin ng dating Star Power finalist na si Akiko Solon ang pag-arte.

Kaya naman nang masabihan siyang bukas ang audition para sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang E-Boy, hindi pinalagpas ng Cebuana singer, ang pagkakataon.

"Kasi ako, gusto kong i-try lahat, e," sabi ni Akiko nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng E-Boy kagabi, Enero 19, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Aminado si Akiko na noong una ay alangan siyang subukan ang pag-arte.

Aniya, "Hindi ko alam, parang pumunta ako dito [sa Manila] dahil gusto ko lang talaga kumanta, parang gusto ko lang ipakita ang talent ko.

"Pero sa nakita ko naman, parang mahirap din pala talaga para i-compare ang singing at pag-arte.

"Sobrang different talaga. Para sa sarili ko, bahala na."

Isa pa sa mga inaalala niya raw noon ay ang paghahambing ng publiko sa kanyang galing sa pag-awit at sa kanyang pag-arte.

Subalit susubukan na lang daw ni Akiko na huwag itong pansinin.

"Siguro sanay na ako sa mga ganyan kasi bata pa lang ako, may mga ganyan na.

"Sa Cebu pa lang, marami na," sabi niya.

Bukod dito, umaasa na lang din si Akiko sa magiging suporta ng mga taong malalapit sa kanya.

"Siguro sobrang blessed lang ako na may family ako na sobrang strong, may family ako na sobrang close kay God.

"Para bang kahit ano’ng gawin ko, nandiyan naman sila.

"Kahit ano’ng gagawin ko, nandiyan naman si God para i-guide ako.

"Gagawin ko na lang kung ano ang gusto ko at nandiyan lang naman sila palagi, hindi nila ako iiwan."

HOPING FOR A SOLO ALBUM. Bagamat susuungin na niya ang larangan at karera sa pag-arte, hindi pa rin daw mawawala ang kanyang atensyon sa musika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Akiko, "Bata pa ako, love na love ko na ang singing."

Sa katunayan, umaasa ang 18-year-old Star Magic talent na mabigyan o magkaroon din siya ng sariling album.

"Kahit na umaarte ako, gusto ko pa ring kumanta, magka-album, magka-concert.

"Kasi, ’yon talaga ang pinapangarap ko."

Pero nilinaw ni Akiko na hindi siya nag-aalala kung nauna na ang kanyang mga kasamahan sa Star Power na makapag-launch ng sariling album.

Isa na nga rito si Angeline Quinto, ang grand winner ng singing talent-search program.

Para kay Akiko, "Sa nakikita ko kasi, magagaling din naman ang mga kasama ko [Star Power].

"So, sabihin na lang natin na, ’Sige, kayo na lang muna at saka na lang ako.’

"Kasi, sa Star Power, nagtutulungan kami, wala talagang [kumpetisyon].

"’Yon talaga ang hindi ko pinakamakakalimutan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN