PEP EXCLUSIVE G Tongi returns to acting; plays David Archuleta’s mom in TV5 mini-series Nandito Ako

Nagbabalik-showbiz ang dating ’90s actress at MTV Asia VJ na si G Tongi. Gagampanan niya ang papel bilang ina ni David Archuleta sa Nandito Ako. Bukod sa TV project at ilang public appearances, mag-uumpisa rin si G magsulat ng isang kolum sa isang lokal na pahayagan.


Masayang nag-party kagabi, Enero 19, ang aktres na si G Tongi sa launch ng bagong Clinique cosmetics sa Whitespace, Makati.

Halos tatlong taon mula nang huli siyang masilayan ng publiko ay nagbabalik-showbiz ang isa sa orihinal na cast members ng ’90s TV show Gimik.

"I’m doing really well...I’m just happy to see all my old friends," nakangiting sagot ni G nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I arrived last Friday [January 13] and I’m here ’til the fifth [of February].

"I’m just doing a mini-series with David Archuleta for TV5, and then I go back to the States na."

Ang tinutukoy ni G ay ang Nandito Ako, ang mini-series na pagbibidahan ni David, dating American Idol finalist, at ng TV5 primetime princesses na sina Jasmine Curtis-Smith at Eula Caballero.

Gagampanan dito ni G ang papel ng nawalay na ina ni David.

FAMILY FIRST. Dalawang linggo ang ilalagi niya sa bansa para sa taping. Pagkatapos nito ay muli siyang babalik sa Amerika kung saan naka-base ang kanyang pamilya.

Taong 2005 nang magpakasal si G kay Tim Walters, isang Amerikanong businessman na nakilala niya habang naninirahan sa Los Angeles.

Dalawa na ang anak nila ngayon—si Sakura Anne Marie, anim na taon, at si Kenobi Benjamin, apat na taon.

"My daughter is in first grade, and my son is four, so he’s here with me now," kuwento niya.

Pamilya ang pangunahing prayoridad ni G sa ngayon, bagamat patuloy ang pagpupursige niyang makakuha ng magandang break sa Hollywood.

Nitong nakalipas na taon ay naglaan siya ng oras upang makapag-aral sa University of Los Angeles.

"I graduated with Bachelor of Arts in Communication Studies and a Film and Theater minor," sabi niya.

OFFER FROM TV5. Malaki ang pasasalamat ni G na nataong tapos na siya sa pag-aaral nang dumating ang offer ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just finished school so...kaya medyo free ako [to do the show]."

Direkta daw na ipinaabot ng TV5 ang offer nila kay G.

Aniya, "I’ve known them, the producers, for a long time so they just contacted me directly.

"So they offered me the role, I read the script, I liked it, and I accepted."

G, THE WRITER. Bukod sa pagte-taping ay magiging abala rin daw si G sa pagdalo sa ilang public functions at sa pagsusulat sa isang lokal na pahayagan na ayaw pa niyang pangalanan sa ngayon.

"I might be starting a column soon, so that’s exciting.

"So I might be coming back and forth on a more regular basis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN