Bea Binene on when she plans to have a boyfriend: "Pag 22 na ako, puwede na."

"Fourteen pa lang po ako ngayon. Siguro mga eight years pa," says an amused Bea Binene when asked at what age she plans to have a boyfriend.


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea Binene sa isang pagtitipon kamakailan kung saan isa siya sa nagsilbing host sa pa-party ng Shimmian, isang beauty clinic na ini-endorso ng tween star.

Nanibago kami sa itsura ng dating dalaginding na ngayon ay mukha nang ganap na dalaga kahit katorse anyos pa lang.

Goodbye candies and lollipops na nga ba siya nang tuluyan?

Sagot ng dating child star, "Opo naman. Fourteen na po ako.

"Minsan aminado naman po ako na may pagka-childish ako, pero siyempre, unti-unti ko na pong binabago ang lahat.

"Kasi papunta na po ako sa ibang stage na kailangan ko pong mag-adjust at makibagay."

Si Bea ay nakilala bilang batang artista sa Kapuso Network at produkto ng talent search na Starstruck Kids.

Marami-rami na rin ang mga nilabasan niyang shows, pero hindi masyadong nagmarka ang kaniyang pangalan noon.

Mas napapansin siya ngayong nagdadalaga na siya. Patunay dito ang dami ng followers ng Tween Hearts sa Kapuso Network kung saan ay isa siya sa mga bida.

DERRICK MONASTERIO. Pero, gaano katooo ang balitang masugid daw niyang manliligaw ang kasamahan niya sa nabanggit na show na si Derrick Monasterio?

"Ayoko ko pong isipin na nanliligaw siya sa akin.

"Basta po ang alam ko, masaya lang kami ’pag magkakasama.

"Madalas kaming maglokohan ni Derrick lalo na kapag nasa isang tabi kami at naka-break sa taping.

"Maingay, makulit kasi siya at palagi niya akong niloloko.

"Ayoko naman pong mag-isip ng ibang bagay tuwing magkasama kami.

"Tsaka bawal pa po akong magka-boyfriend. Hindi pa po sa ngayon. Hindi pa.

"Nakikita ko naman na maayos siyang tao at natutuwa ako sa kaniya.

"Pero talagang hindi ko pa po iniisip yung magka-boyfriend pa. Career muna po."

WHEN IS THE RIGHT TIME? Kailan ba ang tamang panahon na puwede na siyang magka-boyfriend?

"Fourteen pa lang po ako ngayon. Siguro mga eight years pa," tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag 22 na ako puwede na," natatawa uling pahayag nito na halatang nagbibiro sa kaniyang tinuran.

JAKE VARGAS. Bukod kay Derrick, inuugnay rin ang pangalan ni Bea kay Jake Vargas na ka-loveteam niya sa Tween Hearts.

Aminado ang huli na nag-e-enjoy siya sa pakikipagtrabaho sa una at tulad ni Derrick ay madalas din silang magkuwentuhan nang sarilinan.

"Pagdating po kasi kay Jake, iba naman.

"Mas maraming seryosong bagay kaming napag-uusapan lalo na sa pamilya.

"Tahimik si Jake. Minsan nakikipaglokohan siya, pero madalas po ay talagang tahimik lang siya."

May chance ba si Jake kung sakaling ligawan din siya?

"Gaya po ng sinasabi ko, wala pa po. Hindi pa po talaga. Focus muna po sa career.

"Matagal pa po yun. Bawal pa. Marami pa pong dapat gawin."

DERRICK OR JAKE? Kung papipiliin siya, sino kaya sa dalawa sa tingin niya ang maaari niyang sagutin sa takdang panahon na puwede na siyang ligawan?

Ang maingay na Derrick ba o ang tahimik na si Jake?.

"Naku po," tawa niyang nabigla. "Iba po silang dalawa. Pareho po silang mabait."

"’Di ko po alam at saka ’di rin natin alam kung ano ang mangyayari ’pag dumating na po yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN