Charice throws 40th birthday party for her mom

Naging usap-usapan si Charice dahil sa kanyang Preview magazine cover, ilang linggo na ang nakakaraan. May mga reaksyon kasi na niretoke or ginamitan ng Photoshop ang kanyang larawan.

"I think the Preview magazine team did a great job, sa makeup, sa hair," Charice says. "Actually, I mean, ayoko naman na i-defend yung sarili ko, baka sabihin nila di ba, na peke or whatever. Pero for me, ang totoo lang niyan&a


Isang engrandeng party ang handog ni Charice para sa 40th birthday ng kanyang inang si Racquel Pempengco, na ginanap last Saturday sa Laguna.

Suot ang kanyang glittering silver gown, parang debutante si Mommy Racquel na dumating sa venue kasama ang kanyang escort.

May 18 roses din, kung saan nakasayaw niya ang ilang piling lalaking malapit sa kanya.

Sa taped interview kay Charice na ipinalabas sa Startalk TX kanina, January 21, tinanong ni Ricky Lo kung bakit debut ang motif ng party ng ina ng singer.

"Siyempre, alam ko naman na nung 18th birthday niya noon, hindi naman po niya na-experience yung mga ganito, so sabi ko gusto ko na ma-experience niya ito ngayon.

"I mean for me, kulang pa ito sa lahat ng pasasalamat ko for her," pahayag ni Charice.

Bukod sa party ay may regalo pa si Charice sa Mommy Racquel niya.

"Actually, ang gift ko po sa kanya, kasi since nandito po siya sa ’Pinas ngayon, inaayos po niya yung business, yung mga building na ginagawa, so... mahilig siyang mag-collect ng phones.

"So ang regalo ko sa kanya iPhone 4S."

Ang karamihan sa mga guests ay naka-black outfits. Iyon ba ang motif, lalo pa at wala pang one year na namamatay ang ama ni Charice...

"I mean, siyempre po, kung hindi po nawala yung daddy ko, pula po sana yung ano, pero di ba may kasabihan tayo, bawal kang magsuot ng pula?

"So iyon po dapat yung theme, [pero] since nawala si daddy... siyempre, sana andito siya, sana, di ba...

"Pero siyempre, ayoko namang maging malungkot yung day na ito."

LESSONS FROM 2011. Ang natutunan niyang leksyon sa skateboarding accident niya, at ang mga natutunan niya sa nagdaang 2011...

"Huwag mag-skateboard," at tumawa ang international singer.

"Hindi ah, marami po akong natutunan.

"Siyempre, I mean I think mas naging mature po ako simula nung naging independent ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa States, marami akong natutunan, marami akong na-realize, especially sa business at sa personal."

Sa lovelife? Meron na ba? Balitang maraming nanliligaw sa kanya ngayon...

"Hindi ko po alam, baka naman iniisip nila, hindi naman nila sinasabi sa akin," at tumawa muli si Charice.

"Pero, for me, I think... I mean, wala pa po.

"Pero, for me, kung magkakaroon ako ng lovelife, it doesn’t really matter kung sino man yan basta for me he should have a good personality."

ERASED PIMPLES. Samantala pagpasok pa lang ng 2012 ay naging usap-usapan na agad si Charice dahil sa kanyang Preview magazine cover.

May mga reaksyon kasi na niretoke or ginamitan ng Photoshop ang kanyang larawan.

"I think the Preview magazine team did a great job, sa makeup, sa hair.

"Actually, I mean, ayoko naman na i-defend yung sarili ko, baka sabihin nila di ba, na peke or whatever.

"Pero for me, ang totoo lang niyan—tinanggal nila yung pimples ko.

"Actually, nawala na po ata pero andito... meron dati nung nag-photo shoot kami.

"Pero, for me, I think part na ng culture natin, yung ibang tao talagang pag nakita nilang iba yung image ng tao, talagang pupunahin at pupunahin nila.

"So I guess, for me, talagang tinatanggap ko na lang nang tinatanggap.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng suporta, gusto ko lang sabihin na kung sino man yung nakikita ninyo ngayon... hindi ko po sasabihin na perpekto ako, hindi ko sasabihin na sobrang mabait ako, tao lang po ako.

"So, kung ano po yung nakikita ninyo ngayon, iyon po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN