Gladys Guevarra talks about losing her father

Aksidente sa minamanehong motorsiklo ang ikinasawi ni Roberto "Boy" Guevarra, ama ni Gladys Guevarra (above). He was 66. Ang dalawang kapatid na lalaki ng singer-comedienne ay merong premonition ng death ng kanilang ama. Panaginip naman daw ang kay Gladys.


Nasa Cebu para magtanghal sa Sinulog Festival si Gladys Guevarra nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid, gabi ng January 15.

"Tumawag yung kapatid ko ng mga nine-ten ng gabi. Sumigaw pa ako, ’Ano?! Huwag ka ngang magsalita ng... ano, ano yun?!’

"Kasi parang hindi ko... tapos, ’Wala na si Papa!’

"Sabi ko, ’Ano?!’

"Shock, e! Una, hindi pa nagrerehistro, e.

"Tapos naputol yung signal. Hindi siya makakontak sa isang kapatid ko na nasa Batangas, so sinubukan ko.

"Tinawagan ko yung kuya ko, tapos hindi pumapasok yung tawag.

"Nung pumasok yung tawag, parang ’Ako ba, kaya ko bang mag-break ng news sa kanya?’

"Tapos nun, umupo ako ng saglit kasi parang hindi pumapasok sa isip ko.

"Tapos lumabas ako, tinawag ko yung aking partner, sabi ko, ’Wala na raw ang Papa ko.’

"Tapos balik ako sa kuwarto, ayun na," kuwento ni Gladys sa taped interview sa kanya, Sabado, January 21, ng Startalk TX.

Aksidente sa minamanehong motorsiklo ang ikinasawi ng ama niyang si Roberto "Boy" Guevarra.

Pinaniniwalaang bumigay ito sa heart attack sanhi ng pagkakabagok ng ulo nang sumemplang ang sasakyan. He was 66.

Ang dalawang kapatid na lalaki ni Gladys ay merong premonition ng kamatayan ng kanilang ama.

Panaginip naman daw ang kay Gladys.

"Sabi ng matatanda kapag nanaginip ka ng tubig, baha; maduming tubig, loss of a family member."

June pa raw nang huli silang mag-usap ng kanyang ama, kaya ganoon na lang ang panghihinayang ni Gladys na hindi niya ito napag-ukulan ng panahon.

"Parang, sabi ko, ang tagal ng panahon na hindi kami nagkaroon ng time together.

"Tapos ngayon, ilang araw na lang kailangan kong punuin yung feeling kong pagkukulang ko bilang anak.

"Nagdarasal ako, sabi ko bigyan ako ng strength na magawa ko yung dapat na nagawa ko nung nandidito pa siya.

"May time na tahimik ka, tapos mag-iisip ka, doon papasok lahat. May regrets, iyon nga, parang ano ako e, prodigal daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana hindi laging may dahilan ako na puro trabaho, hindi... although siguro minsan hinahanap ko yung old school na father-daughter, ganyan.

"Iyon yung wala e, hindi namin nabigyan ng pagkakataon."

Pilit raw lalakasan ni Gladys ang kanyang loob para harapin ang pinagdaraanan niyang pagsubok, lalo’t nakatakda ang libing ng kanyang ama ngayong Linggo, January 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN