Ogie Alcasid wants to do another father role after Daldalita: "Parang malapit sa puso ko yun, e. Yung pagiging father."

Ogie Alcasid says he and Regine Velasquez want to teach their son Baby Nate the value of sharing.

"Yes, maganda na paglaki niya, makita niya na may natulungan sila. Makuha niya yung kultura ng sharing and being thankful for the blessings. So, yun ang iniisip namin," Ogie says.



Malapit nang magwakas ang Daldalita, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Jillian Ward sa GMA-7.

Dito rin sa seryeng ito ipinakita ni Ogie ang isa pa niyang side—ang drama. Mami-miss daw niya ang show kapag natapos na ito.

Nakausap ang singer-actor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press visit sa Daldalita, sa kanilang taping sa Antipolo kahapon, January 21.

Dito sinabi ni Ogie, "Naging close rin kami. At nakita kong napakabait ng batang ’yan, si Jillian.

"Mami-miss mo siyempre yung samahan, kahit paano. Sixteen weeks din kaming nagsama ng crew, staff.

"Marami rin akong natutunan as an actor.

"Dito iba, drama ’to, e. Siyempre, sanay ako sa comedy.

"So, medyo na-appreciate ko rin yung hirap na ginagawa nila rito."

Posible naman daw na masundan pa rin ng isa pang serye ang ginawa niyang Daldalita.

"Why not, why not? Hindi naman yung heavy. Basta yung bagay lang sa akin.

"I can do a father role or something with a kid, kasi, parang malapit sa puso ko yun, e. Yung pagiging father. I don’t mind doing that."

Tinanong din namin si Ogie kung may follow-up offer na sa kanya ang network.

Sagot niya, "Nag-usap kami ng GMA. Sabi ko lang, can you space it lang?

"Kasi, I’m doing two movies after this. Boy Pick-up at saka Dubidoo I Love You yata ang title.

"Kasama ko sina Uge [Eugene Domingo], Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion; it’s a musical."

Unitel Picture raw prodyuser ng Dubidoo, at co-prod ng GMA Films and Regal Films ang Boy Pick-up.

Pero masisimulan lang daw niya ang dalawang pelikula pagkatapos ng Valentine concert nila ni Regine Velasquez na Mr. & Mrs. A sa Smart Araneta Coliseum.

Si Ogie na yata ang isa sa pinakamasipag na celebrity.

Yung versatility niya sa maraming bagay ay talagang nama-maximize niya. Parang siya yung taong hindi nakakaramdam ng pagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Ogie, "E, trabaho natin ’to, e. Ako naman, pagdating ng bakasyon, I make sure na nakakapahinga naman kami ni Misis.

"Nakakapahinga ako with the kids. Pero kapag nandiyan yung work, ’yan yung dire-diretso."

BABY NATE’S BAPTISM. Sa February 8 ay three months old na si Nathaniel James, ang baby nila ng asawang si Regine.

Ngayong araw na ito [January 22] ang binyag ni Baby Nate. Sinu-sino ang mga ninong at ninang na napili nila for their son?

"Si Representative Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao, si Senator Bong Revilla, si Kris Aquino, si Juday [Judy Ann Santos], si Dingdong Dantes, si Ai-Ai delas Alas, Mr. Jimmy Duavit.

"Yung iba, mga friends namin at mga kapatid."

Sampung pares daw ang tatayong mga ninong at ninang at lahat naman daw, nag-commit sa kanila na present sa binyag.

Biro namin kay Ogie, baptism of the year ang magaganap.

Natawang sabi naman niya, "Hindi ko alam. Wala naman kaming—well, meron din kaming Christian dedication.

"Sa ibang araw naman. May mga sponsors din yun, pero, ibang set naman."

At two months old, parang superstar na rin ang anak nila.

May sariling Twitter account na rin ito na marami na rin ang nagpa-follow at halos lahat ng milestones sa buhay ni Nate ay nababalita rin.

Ang sabi naman ni Ogie sa bagay na ito, "Well, hindi naman. Kailangan din naming protektahan ang privacy ng anak namin.

"We try to do that as much as possible, pero, we have to be realistic din na kaming dalawa, e, artista.

"At yung bata, kumbaga, parte ng buhay namin. Hindi namin gustong itago, ipagkait.

"Baka naman paglaki ng bata, e, hindi niya maintindihan ang trabaho namin.

"Gusto ko rin na habang lumalaki ang bata, aware siya na ang trabaho ng nanay at tatay ay pagiging artista.

"But at the same time, we’re very careful. Siyempre, bata pa yun. That’s why we’re very, very careful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa endorsements, pinag-iisipan namin talaga."

Definitely, may mga endorsements and TV commercial offers na nga raw sa kanilang anak.

Hindi naman daw sila tumatanggi pero pinag-aaralan din muna nilang mabuti.

"Hindi kami tumatanggi. Sinasabi lang namin na, sige, tingnan natin, palakihin lang muna natin ang bata.

"We’ll see, eight months, ten months. Masabi pang baby, e."

If ever na gagawa ito ng endorsement, iko-consider ba nila na dapat kasama siya or si Regine?

"Hindi naman. Hindi naman," ang sabi niya.

"Kasi kami, napag-uusapan din namin ni Misis na maaaring, part of his income, siyempre, would go to him directly.

"But, it can probably go to a certain foundation na makakatulong kami.

"Since he’s a blessing to us, we’d like him to be a blessing also to other people. Yun ang naiisip namin."

Gusto raw nilang ituro kay Nate mag-share at maging grateful sa mga blessing na natatanggap nito.

Ayon pa kay Ogie, "Yes, maganda na paglaki niya, makita niya na may natulungan sila.

"Makuha niya yung kultura ng sharing and being thankful for the blessings. So, yun ang iniisip namin."

IDEAL MOM. Proud naman si Ogie kay Regine bilang asawa at mom.

"She’s really a dedicated mother. I’m very, very proud of her.

"She’s very caring and very patient with Nate. We’re very blessed. I think, Nate is very blessed to have a mother like Regine."

Pagkatapos ng concert nila sa February 14, posible bang magdire-diretso na muli si Regine sa showbiz career nito?

Natawang sabi naman ni Ogie, "Hindi ko pa alam. Hindi pa siya decided."

Dugtong pa niya, "Hindi naman ako nakikialam sa kanyang career path.

"I don’t encourage her, nor do I discourage her. I am just here to support her."

Nami-miss ba ni Regine ang dati niyang ginagawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang her priority now is our baby. That’s how I see it.

"Palagi naman niyang sinasabi yun. Hindi natin alam, e. Sa ngayon, her focus is on Nate.

"And I think, that’s admirable. Kahanga-hanga yung ginagawa niya. Kumbaga, [for] someone as prominent.

"Career-person si Regine, pero, alam niya hindi mo na maibabalik yun, e, yung pagiging nanay mo.

"At ako naman, pinababayaan niya ako na magtrabaho. Okay lang naman because, you know, I try to do my part kapag nasa bahay ako.

"Pahinga ka muna riyan, ako naman ang maglalaro sa bata or magpa-burp, little things."

Bukod sa napakaraming pinagkaka-abalahan ni Ogie, very focused pa rin siya at hindi nawawala sa sistema niya ang O.P.M. kunsaan, siya ang presidente.

OPM2GO. May bago nga raw silang project ngayon, ang www.opm2go.com

Ayon kay Ogie, "Ito ay online store na makakabili kayo ng OPM songs for P10 and P15.

"You can use credit card, you can use opm2go card and you can use your cellphone, yung load."

So far, na-upload na raw nila ang mga Viva songs na nasa 500 titles na rin.

Kaka-upload pa lang yung independent, nasa 500 titles na rin. Pero every week, mag-a-upload sila nang mag-a-upload.

"Sa totoo lang, napu-frustrate ako kasi hindi ko matulungan ang mga independent musicians na walang label.

"Walang means for them to market their music. Who knows, they might be the next band, the next balladeer.

"Wala silang exposure. At dahil very expensive ngayon na mag-market.

"And we thought of engaging the telecom and PARI and the independent musicians to do this.

"This started as an advocacy, at the same time, naging negosyo na rin namin ng [OPM]."

Noong Biyernes ng gabi lang daw sila nag-start ng soft launch.

Sa mga naging OPM President, siya yata ang sobrang focused na bigyang-buhay ang musikang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Ogie, "Hindi naman. Nagkataon lang na talagang patay ang industriya natin.

"So, kung hindi tayo kikilos, walang mangyayari. Kailangan proactive tayo, tulungan natin ang maliliit.

"We’ll also have a launch, wala kaming datung, so, iniisip pa namin kung paano ang practical launch na hindi naman ganoon kamahal pero maipapaabot natin na mai-promote."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN