Mike Tan has no plans of settling down yet despite six-year relationship with non-showbiz girlfriend

Mike Tan on settling down: "Ang dami pang pangarap, ang dami pang dapat tapusin, lalo na ngayon kasisimula ko lang, di ba? Kapag nagpakasal ka, okay... Okay, nagpakasal ka, paano mo bubuhayin yung pamilya mo? Paano? Mahirap yun para sa akin, ayoko ng ganun."


For the first time, dalawa ang shows na umeere ngayon na bida si Mike Tan—ang afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit at ang primetime series na Legacy.

Kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ng StarStruck 2 male winner nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week.

"Sa totoo lang, napakasaya ko! Wala na akong ibang hihilingin pa.

"Masaya ako kung ano yung takbo ng career ko ngayon.

"Kung anuman yung nangyayari, sa mga roles na ibinibigay sa akin, ibinibigay na mga lead roles, wala na akong mahihiling pa.

"Napakasaya ko," sambit ni Mike.

Sa Kung Aagawin Mo Ang Langit ay mabait si Mike bilang si Jonas.

Sa Legacy naman ay medyo salbahe ang papel niya bilang si Third.

Ayon sa young actor, okay lang sa kanya na mula sa pagiging bida ay medyo kontrabida siya ngayon.

"Wala, wala naman sa aking problema ’yon, e.

"Kapag may ibinigay sa aking trabaho, gagawin natin.

"Wala naman akong hinihiling pang iba, natutuwa ako at sunud-sunod yung trabaho ko."

USER. Sa Legacy, ang role ni Mike bilang si Third ay isang user.

Kaya natanong ng PEP sa kanya kung sa tunay na buhay ba ay naranasan na niyang manggamit o magpagamit para sa pera o para sumikat.

"Hindi. Ako hindi, hindi talaga," sagot ng 25-year-old actor.

"Ako, para sa akin, tumagal na ako ng ilang taon sa show business, at narating ko kung anuman ang meron ako ngayon, nang walang ginagamit at hindi rin nagpapagamit.

"And I don’t think na kailangan kong gawin ang mga bagay na yun."

Naghintay raw si Mike ng kung ilang taon bago nabigyan ng big break na maging bida sa mga drama series ng GMA-7.

Nanalo si Mark sa StarStruck noong 2005. At ngayon lang namang 2011 at 2012 siya sumasalo ng top-level simultaneous assignments.

DARING SCENES. May eksena si Mike sa Kung Aagawin Mo Ang Langit na naka-swimming trunks lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nakadalawang beses na akong mag-trunks dun.

"Hindi naman parang briefs, parang shorts lang.

"Sa Cosmo [Bachelor Bash], briefs talaga," banggit pa niya.

Sa Legacy kaya ay gagawin din niya yun?

Sabi ni Mike, "Hindi ko alam, wala pa naman sa script yun.

"Pero sana, bago ko gawin yun, mapaghandaan ko, kasi medyo mataba na rin ako, e.

"Although sabi nga nila, mas maganda na itong ’itsura ko."

Hindi tulad dati na sumobra ang pagpapapayat niya, na ayon sa iba ay hindi bumagay kay Mike.

"Oo, pero nakuha ko yung ganitong ’itsura, kailangan kumakain rin ako.

"So, hindi ko kaya yung sobrang lean na katawan ng kumakain.

"Yung sa Cosmo talaga, talagang nag-crash diet ako nun, e."

MIKE’S NEW YEAR. Kumusta ang Bagong Taon niya?

Kuwento ni Mike, "Usually kasi nakiki-New Year lang kami sa kamag-anak namin, kasi ’yon na yung pinaka-reunion namin.

"Unfortunately, naospital si Lolo at hindi kayang umalis ng bahay.

"So, nag-celebrate na lang kami ng New Year, January 1 na mismo.

"Kinabukasan na, hindi na yung bisperas ng Bagong Taon.

May New Year’s resolution ba si Mike?

"Oo! Ituloy yung mga hindi ko nagawa.

"Ano nga ba ang New Year’s resolution ko?

"Actually, sa totoo lang, wala.

"Hindi ako mahilig mag-isip kung ano yung mga dapat kong mga gawin.

"Basta sa akin, kung ano yung nasa harapan ko, kung ano yung present, iyon ang dapat kong pagtrabahuhan.

"Kasi mahirap naman, pinlano mo, ’tapos hindi rin natutuloy, di ba?

"Sasabihin mo na New Year’s resolution mo, na itong mga bagay na ito ang mga dapat na hindi ko na gawin o dapat kong gawin.

"Aminin natin, wala namang nakakagawa, e.

"Bakit hindi mo na lang harapin kung ano yung nasa harap mo ngayon, iyon yung pagtrabahuhan mo, yun ang problemahin mo, pagkatapos tapusin mo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY BOY. Incidentally ay nung December 31 ang birthday ni Mike, who turned 25 years old.

Libro raw ang iniregalo sa kanya ng kanyang non-showbiz girlfriend.

"Kasi, hindi talaga ako nagbabasa ng libro, so iyon yung ibinigay niya sa akin."

Lagi raw dala ni Mike ang mga fiction books na iyon.

May Christmas gift naman daw siya sa kanyang girlfriend.

"Basta yung regalo ko sa kanya, magagamit niya sa pang-araw-araw niya.

"Yung talagang ginusto niya."

Mamahalin?

"Hindi naman, hindi naman."

Galante ba siya?

"Sa mga mahal ko sa buhay, yes!

"Hindi ko sila tinitipid, pero yung sarili ko, tinitipid ko!" at tumawa ang binata.

Ano ang pinakamahal na nairegalo na niya sa kanyang girlfriend?

"Love!" natatawang sagot ni Mike.

"Ang lagi kong ibinibigay sa kanya, yung magagamit niya, ayoko nung bibigay ko lang sa kanya para itago niya."

Sa kinita ni Mike mula sa showbiz, ano na ang pinakamahal niyang na-invest?

"Yung kotse ko, yung bahay ko," sagot niya.

Hindi bigay ng kung sino ang bahay niya?

"Wala, hindi! Ako ang bumili nun, kaya kong patunayan yun."

Kapag may magbibigay sa kanya ng bahay, hindi niya tatanggapin?

"Bakit muna? Walang nagbibigay ng wala lang."

SETTLING DOWN. Almost six years na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend.

Ano ang sikreto at tumatagal ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend?

"Meron kaming trust and love.

"And she’s very understanding, supportive...

"At maganda at seksi, siyempre."

Wala pa silang planong magpakasal?

"Wala pa," sagot ni Mike.

"Ang dami pang pangarap, ang dami pang dapat tapusin, lalo na ngayon kasisimula ko lang, di ba?

"Kapag nagpakasal ka, okay... Okay, nagpakasal ka, paano mo bubuhayin yung pamilya mo? Paano?

"Mahirap yun para sa akin, ayoko ng ganun."

Naniniwala ba siya na ang isang artista kapag nag-asawa ay lumalamlam ang career?

"Iyon yung trend sa atin e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa atin, importante kung ano yung ’itsura, kung ano yung nangyayari sa buhay ng artista.

"Para sa akin, mas maganda maging single ka lang muna."

May effort din si Mike na iwasan ang nangyayari sa ibang magkarelasyon na kahit hindi pa kasal ay nabubuntis na ng lalake ang babae.

"Oo naman, oo naman!

"Ayokong... Basta sa akin, hangga’t hindi ka handa, huwag mong gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN