Carmina Villarroel reveals speaking to ex-husband Rustom Padilla before he came out as BB Gandanghari

Carmina Villarroel on her meeting with Rustom Padilla/BB Gandanghari: "Nakakatuwa kasi para kaming friends. Yung tawa lang kami nang tawa. Kinda weird, pero maybe because wala nang galit sa puso ko. Happy na ako sa buhay ko. Parang right timing lang talaga."


Isang welcome VTR ng messages ng ilang Kapamilya stars na naging kaibigan at katrabaho niya noon ang isinalubong ng The Buzz kahapon, January 22, sa nagbabalik-ABS-CBN na si Carmina Villarroel.

Pagkatapos ng VTR, ito ang nasambit ni Carmina:

"Grabe, speechless naman ako. Thank you so much. Nakaka-overwhelm.

"Siyempre, gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat.

"Kina PJ [Piolo Pascual], Agot [Isidro], Kris [Aquino], Jomari [Yllana].

"Totoo ang sinabi nila, parang hindi naman ako nawala, nandidiyan lang ako.

"Pero, laking-ABS talaga ako."

Nagsimula sa telebisyon si Carmina sa pamamagitan ng sitcom na Palibhasa Lalake noong 1991 at doon siya nanatili hanggang 2003, nang lumipat siya sa GMA-7. Ngayon ay bumabalik siya sa ABS-CBN.

Two-year contract ang pinirmahan ni Carmina sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN.

Nakatakda siyang gumawa ng serye at talk show sa television network, at pelikula para sa film arm nito, ang Star Cinema.

Ayon sa co-host ng The Buzz na si Boy Abunda, madalas silang magkita ni Carmina. Pero exceptional daw ang araw na yun dahil ang ganda-ganda ni Carmina.

Ayon naman sa actress-TV host, "Thank you.

"Maybe because I’m just so happy.

"So, siguro, medyo lumalabas talaga yung ating kaligayahan na nararamdaman sa aking puso.

"So, I’m just so happy to be back home."

BACK TO ABS-CBN. Walong taon ding nawala sa Kapamilya network si Carmina. Ano ang pinaka na-miss niya sa ABS-CBN?

"Naku, marami!" bulalas niya.

"Siguro Tito Boy, yung feeling that you’re wanted, appreciated, and yung pagiging isang pamilya.

"Yun ang talagang na-miss ko."

Ayon naman kay Boy, nang makausap niya ang nagbalik-Kapamilya rin na si Richard Gomez, sinabi nito na ang isa sa na-miss niya ay ang dressing room sa ABS-CBN.

Natawa namang sabi ni Carmina, "Ako rin!

"Noong naglalakad ako, sabi ko, ’Ay, ganito pa rin ang hitsura!’

"Parang ang sarap. Ang sarap ng feeling na binabalikan mo ang pinanggalingan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinadugtungan naman ni Boy kay Carmina ang phrase na ’It’s more fun in ABS because...’

"Because we’re like a family.

"At saka, may isa pa, bongga talaga ang Star Magic Ball. Gusto ko yun.

"Kahit hindi ako Star Magic [talent], this year, puwede bang mag-attend?

"Ay, gusto ko ’yan! Pabonggahan ng gown!" natatawa niyang sabi.

QUICK ANSWERS. Isang mabilisang pagtatanong naman kay Carmina ang ibinato ni Boy.

Boy: "Sino ang pinakaguwapong Kapamilya actor?"

Carmina: "Piolo!"

Boy: "Pinakamagandang Kapamilya actress?"

Carmina: "Ako! Why not? Hindi...Kristine Hermosa, gusto ko ang mukha niya."

Boy: "Pinakamahusay na actor?"

Carmina: "John Lloyd Cruz at saka si Echo. Gusto ko si Jericho Rosales."

Boy: "Pinakamahusay na actress?"

Carmina: "Marami. Ai-Ai delas Alas, Cherry Pie Picache...ako na rin. Hahaha!"

Boy: "Kung meron kang makaka-eksenang artista, lalaki man o babae, sino ang gusto mong maka-one-on-one?"

Carmina: "Sa pag-arte? Si Piolo pa rin.

"Kasi, na-miss ko siyang katrabaho. Napakahusay niyang actor.

"Masarap kasi na nagkakaroon kayo ng eksena na yung kaeksena mo, nagbibigay.

"So, yun ang na-miss ko. Makatrabaho ko ang magagaling na artista."

KIM CHIU. Sa isang interview ni Carmina, sinabi nitong gusto niyang makasama si Kim Chiu.

Kaya naman sa VTR ni Kim ay sinabi nitong very flattered siya, at wish daw niyang sa next show ay magkasama na sila ni Carmina.

"Oo, gusto ko rin siyang makasama," sabi ni Carmina.

Sabi ni Boy, there was a time na kapag tinitingnan niya si Kim, naaalala niya si Carmina dahil magkamukha raw ang mga ito.

Ayon naman kay Carmina, "Marami nga ang nagsasabi, kaya parang gusto ko nga sana siyang [Kim] makita in person.

"Gusto ko siyang...para siyang manika.

"Para siyang remote control lang. Ang fragile-fragile.

"Nakukyutan ako sa kanya."

TELESERYES. Nang tanungin naman kung ano ang mga paborito niyang shows sa ABS-CBN, ang napapanood daw ni Carmina ay Maging Sino Ka Man, Imortal, at Green Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa teleserye, sino ang pipiliin niya na maka-loveteam maliban kay Piolo?

Natatawang sabi ng 36-year-old actress-TV host, "Loveteam talaga? Sa edad ko na ito?

"Siguro sa edad ko ngayon, hindi na ako magiging choosy.

"Kahit sino, puwede."

TALK SHOW WITH JANICE. Nabanggit din ni Carmina na may gagawin siyang talk show kasama ang kaibigang si Janice de Belen.

Matatandaang matagal na nagsama sina Carmina at Janice, pati na si Gelli de Belen, sa talk show ng GMA-7 na SiS.

Ayon kay Carmina, "I’m super excited kasi makakatrabaho ko ulit si Ate Janice.

"Matagal kaming hindi nagkasama. So, ngayon, magkakatrabaho ulit kami.

"Kung kailan, abangan ninyo sa February.

"Kung kailan, papaano...naku, abangan ninyong lahat ’yan."

Kung meron siyang isa o dalawang tao na gustong makausap, sino ang gusto niyang ma-interview?

Sa puntong ito, kasama na ni Boy sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzalez na nag-i-interview kay Carmina bilang isang balik-Kapamilya.

Kaya ang sagot ni Carmina sa tanong, "Siguro, hindi na ako lalayo. Sisimulan ko na sa inyong tatlo. Umpisahan ko na."

Si Carmina naman ang nagbato ng tanong sa tatlong hosts ng The Buzz.

Carmina: "Kay Toni, bilang multi-media star, lahat nagagawa mo, ano lang ang hindi mo kayang gawin?"

Toni: "Ang maging isang ina. Sa ngayon. Lahat puwede ninyong ipagawa sa akin. Pero, hindi pa yung part na yun. Wala pang mother roles for me."

Carmina: "So, in short, yun lang pala ang lamang ko sa ’yo.

"Kay Charlene, sa tingin mo, are you a better mom or a better wife?"

Charlene: "Naku, mahirap na tanong ’yan.

"But if given a chance, siguro para sa akin, I am a better wife because if my husband’s happy, I’m happy, then my house will be happy and my kids will live by example.

"Therefore, I’ll become a better mother."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Carmina: "Tito Boy, mata sa mata, nasaan ba ang mahiwagang salamin? Kasi Tito Boy, dito na ako nagsimula. Umalis, bumalik. Hindi ko pa rin nakikita ang mahiwagang salamin, nasaan ba siya?"

Boy: "Unang-una, hindi ko alam. Pangalawa, may humiram, hindi nagsoli. Totoo. Inaalala ko pa rin kung sino ba ang huling humiram ng salamin na yun."

Biro naman ni Toni, nabasag daw kaya hindi na ibinalik.

Carmina: "Hindi ba, inaamin mo, social climber ka?"

Boy: "Yes, I’m a certified Kapamilya and a certified social climber."

Carmina: "So, anong baitang na?"

Boy: "Dati kasi nasa seventh na, ngayon bumaba na ako. Nasa fourth.

"Medyo hindi ako aktibo ngayon. Medyo walang oras.

"Alam ninyo kung bakit? What you need for a social climber, you need time. Kailangan may oras.

"E, wala, e. To go out, to socialize, you need to be visible.

"E, medyo napapabayaan natin ang social life."

Araw-araw naman daw siyang napapanood sa TV.

Boy: "Iba yun, ang social climbing na tinatawag, doon sa mga sosyal."

Carmina: "Curious lang ako, saan ba nanggagaling ang ’mata sa mata,’ ’mahiwagang salamin’? Lumalabas na lang ba?"

Boy: "Lumalabas na lang ’yan dahil sa mahigpit na pangangailangan. Kaya naglalabasan na lang ’yan."

BB GANDANGHARI. Pagkatapos nito ay tinanong naman ni Boy si Carmina, kung sakali at kaharap na niya si BB Gandanghari, ano ang itatanong nito sa dating asawa na minsang nakilala bilang Rustom Padilla?

Carmina: "Unang-una, magpapakilala muna ako sa kanya. ’Hi! I’m Carmina.’"

Boy: "Sasabihin ni BB, ’Hi! I’m BB.’"

Carmina: "I know! Hahaha!"

Boy: "Sasabihin ni BB, ’You look familiar.’"

Carmina: "That’s because, I’m your peg? Hahaha!"

Boy: "Kung sakaling nanonood si BB sa New York, ano ang sasabihin mo sa kanya?"

Carmina: "Hi! Hi sa kanya. Gusto kong makapag-usap kami. I really want to interview BB."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: "You want to be friends?"

Carmina: "Actually, paano ba sasabihin? I can’t find the correct... Sige, we’re friends."

Boy: "Nagkaroon kayo ng pagkakataong magkausap?"

Carmina: "Even before sumali siya sa PBB [Pinoy Big Brother], nag-usap kaming dalawa."

Toni: "Sa phone or personal?"

Carmina: "Personal."

Toni: "Gulat na gulat kami noon, grabe!"

(Ang tinutukoy ni Toni ay ang pag-amin ni Rustom tungkol sa kanyang tunay na kasarian.)

Carmina: "Ako, hindi na!"

Toni: "So, alam mo yung mangyayari?"

Carmina: "Oo... Naku, BB, ’wag ka nang magagalit. Hayaan mo na, tapos na yun.

"Nakipag-coordinate siya kay Candy [Pangilinan, kaibigan ni Carmina].

"Sabi nga niya, gusto niya kaming magkausap.

"So, ako naman, ’Sige, usap tayo.’

"’Tapos, kuwentuhan lang.

"Nakakatuwa kasi para kaming friends.

"’Yung tawa lang kami nang tawa.

"Kinda weird, pero maybe because wala nang galit sa puso ko. Happy na ako sa buhay ko.

"Parang right timing lang talaga.

"’Tapos yun, may mga bagay-bagay na sinabi siya sa akin. Sinabi na yata niya sa PBB.

"So, kung ang lahat ng tao nagulantang sa sinabi niya, ako, hindi na.

"Kasi, sinabi niya sa akin."

Ayon naman kay Toni, pagkatapos ng pag-amin ni BB sa PBB noon at kahit magpahanggang ngayon, saludo raw sila kay Carmina.

Hindi raw kasi ito nagsalita at nirespeto ang damdamin ni BB.

Dugtong ni Boy, sa kabila raw ito nang hindi madaling pinagdaanan ni Carmina.

Pahayag naman ni Carmina: "Di ba, kahit sabihin mong nandito tayo sa industriya at mga showbiz celebrity talk-show host pa tayo, it’s really our choice whether to shut up or to speak up.

"And kung anuman ang hindi magandang nangyari sa amin, sa amin na lang yun.

"At ipinaalam ko sa publiko na tapos na. Nangyari na, and then, that’s it."

Sa huli, sinabi ni Carmina na abangan ang interview niya kay BB Gandanghari sa talk-show nila ni Janice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN