Kylie Padilla decides to focus on career, but maintains friendship with Aljur Abrenica

Kylie Padilla was given a surprise birthday party by her father, Robin Padilla, last Saturday, January 21. But instead of rumored boyfriend Aljur Abrenica, Kylie’s special guest that night was Rocco Nacino, her leading man in the upcoming afternoon soap, The Good Daughter.


Bukas, January 25, ang 19th birthday ni Kylie Padilla.

Pero isang surprise birthday party na ang ibinigay sa kanya ng papa niyang si Robin Padilla noong Sabado, January 21.

"’Yong surprise birthday party para sa akin, isinabay na rin sa despedida ng mga kapatid ko.

"Kasi they’re going back to Australia," sabi ni Kylie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas ng GMA-7, noong Linggo, January 22.

Patuloy pa niya, "Ayun, isinabay na lang para bonggang-bongga ’yong party.

"Ginawa ’yon sa bahay ni Papa...sa bahay namin.

"Masaya kasi kumpleto ’yong family namin."

May special guest ba siyang dumating?

"Si Rocco [Nacino]!" sabay tawa ni Kylie.

"Bakit si Rocco? Siyempre, siya ang leading man ko sa The Good Daughter."

Ang The Good Daughter ang upcoming afternoon soap ng GMA-7 na pagtatambalan nina Kylie at Rocco.

BIRTHDAY GIFTS. Dalawa raw ang special gifts na natanggap ni Kylie for her birthday. Pero ayaw na niyang sabihin kung kanino galing ang mga ito.

"Basta ’yong isa, sa akin na lang kung ano. ’Yong isa naman, relo."

Galing ba sa dati pang napapabalitang boyfriend niyang si Aljur Abrenica ’yong isa sa dalawang birthday gifts?

"Secret!" natawa ulit si Kylie.

Bakit wala si Aljur sa surprise birthday party para sa kanya?

"Basta...sa amin na lang ’yon!" pag-iwas niya na sagutin ang tanong.

May special celebration ba na para sa kanilang dalawa lang ni Aljur?

"Wala pong gano’n.

"Bakit? E, may trabaho po ako sa mismong araw ng birthday ko, e. I have taping."

Dati ay lantad sa lahat ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Aljur. Bakit parang nawala na ’yong espesyal na pagtitinginan nila?

"E, kasi, totoo naman na hindi na po kami masyadong nagkikita. Sa Party Pilipinas na lang," sabi ni Kylie.

Ano nga ang nangyari at parang nawala ’yong tila pagkakamabutihan nila dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po nawala. Ano lang...nagtatrabaho lang kami. ’Yon lang po," sagot niya.

Pinag-usapan ba nila ni Aljur na trabaho muna ang pagtutuunan nila ng panahon?

"Hindi naman sa...ewan ko. Gano’n naman kasi ang nangyayari, e!" muling natawa si Kylie.

"We’re just working."

May nagbawal ba sa kanila?

"No. We just ano...inuna namin ’yong career," diin ng dalaga.

Pinag-usapan nila na gano’n?

"Siguro. Oo!" bahagyang natawa ulit si Kylie.

Paliwanag pa niya, "Hindi naman po kasi kami pumasok sa showbiz para may lovelife. Pumasok kami para magtrabaho."

Pero hindi naman masama kung ma-in love ang mga artistang nagiging close o madalas na nagkakasama, di ba?

"Pero dapat marunong po kayong mag-balance. Dapat gano’n!" tawa niyang muli.

OLDER AND WISER. Sa mga sagot ni Kylie, parang may nangyari nga sa kanila ni Aljur na naging daan para maging ganito ang pananaw niya ngayon.

Pero diin ng dalaga, "Wala. Hindi po.

"Ano lang...nag-isip din ako, since I’m getting older.

"’Tapos meron akong bagong series na The Good Daughter.

"Siya rin, kailangang mag-focus sa movie niya.

"So, iyon na ’yon."

(Ang tinutukoy ni Kylie na pelikula ni Aljur ay ang My Kontrabida Girl, kunsaan kapareha ng young actor si Rhian Ramos.)

So, out na muna si Aljur sa kanya? Si Rocco muna?

"Bakit naman gano’n?" natawang sabi ni Kylie.

"Leading man ko po si Rocco.

"Siyempre, ’yong friendship namin ni Aljur, hindi naman mawawala iyon."

Ano lang ang nawala sa kanilang dalawa? Kasi nga, parang may nagbago sa samahan nila.

"Anong nawala? Time. We’re both working hard."

Si Aljur daw ang pinaka-unang bumati sa kanya ng ’Happy birthday.

"Birthday gift from him? Alam naman po niya na hindi ako mahilig sa regalo na tao, e."

So, nararamdaman ba niya na nagki-care pa rin ang aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Aljur? Tanungin n’yo po siya!" tawa niyang muli.

Dahil magna-19 na siya sa January 25 kaya mas mature na raw ang takbo ng isip niya.

"I think so. Dapat lang naman, di ba?" sabi niya.

Meron ba siyang wish sa kanyang birthday?

"For my family lahat, e. ’Yong para sa akin, hindi na.

"Wish ko na maging masaya lahat ang family ko.

"Ako, sobrang masaya ngayon kasi may The Good Daughter nga ako, e."

Kahit tila naudlot nga ang kanyang lovelife?

"Gusto ko po talagang unahin muna ang career ko. Bago ako magmahal.

"At itong The Good Daugther, parang dream project na sa akin.

"Dream role din sa akin ’yong character ko rito.

"So, I’m really very thankful sa GMA-7 na may tiwala sila sa akin after ng Blusang Itim."

Good daughter ba siya in real life?

Nangiti muna si Kylie bago nakasagot.

"Oh, my gosh! I don’t know. Ask my dad!" tawa na naman ni Kylie.

DERRICK MONASTERIO. Lately, nauugnay rin ang pangalan ni Kylie sa co-star niya sa Tween Hearts na si Derrick Monasterio.

May intriga pa nga na may nabubuo raw love triangle sa kanilang tatlo: siya, si Derrick, at ang nililigawan ni Derrick na si Sarah Lahbati.

Si Kylie rin ang natsitsismis na dahilan diumano ng hindi pagkakaunawaan recently nina Derrick at Sarah.

Pero ayon kay Kylie, "Actually, hindi ako naaapektuhan do’n.

"Natatawa ako kasi alam ko naman ang totoo. Ha-ha-ha!

"Magkaibigan kami ni Derrick. At hindi na magbabago ang friendship namin na ’yon.

"Hindi naman puwedeng mawala ’yong closeness kasi may loveteam din nga kaming inaalagan sa Tween Hearts.

"So, iyon na ’yon.

"Pero magkaibigan din sila ni Sarah."

More than friends na ba sina Derrick at Sarah, sa palagay niya?

"Sa kanila na lang ’yon.

"Sa kanila na lang ninyo tanungin iyon! Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong nagkaroon sila ng misunderstanding? Wala akong alam.

"Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa.

"’Tapos, ako pa raw ang third party? Ha-ha-ha! Nakakaloka naman!

"Walang gano’n. Wala pong gano’n!" mariing paglilinaw ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN