Jay Perillo on rumored date with Iwa Moto in Enchanted Kingdom: "Friendly hangout yun."

Jay Perillo (right) on talks that he was seen dating Iwa Moto (left) in Enchanted Kingdom: "Si Aileen [Iwa], sobrang friend ko and she did nothing but good to me. Sobrang bait niya. It’s not a date, we were with our friends."


Si Jay Perillo ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, January 22.

Marami ang na-shock sa balitang hiwalayan nila ni Kris Bernal, considering na never naman silang umamin.

At kaya raw sila nag-break ay may third party sa kanilang relasyon—either kay Kris or kay Jay.

Kaya ang unang tanong kay Jay ay kung may third party ba kaya sila nag-break ni Kris?

"No" ang sagot ni Jay—at "Lie" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Paliwanag ni Jay, "Yung breakup is a mutual understanding. So there’s no one else involved."

THE REASON? So, ano ang rason—career, parents?

"May mga misunderstandings lang kami. ’Tapos ayun, misunderstandings.

"And then eventually, napag-usapan naming dalawa na mas maganda kung magiging magkaibigan na lang kami.

"And then, iyon naman ang ginawa namin ngayon," sabi ni Jay.

JEALOUS OF JOLO? Ang pangalawang tanong kay Jay ay kung nagseselos ba siya sa paglabas-labas ngayon nina Kris at Jolo Revilla, na balitang espesyal ngayon sa kanyang ex-grilfriend?

"Sa ngayon, no," sagot ni Jay.

At "Truth" ang naging resulta nito.

Bakit niya nasabing "Sa ngayon?"

Nung bagu-bago ba ay nagseselos siya dahil kaka-break lang nila ay may manliligaw na si Kris?

"Siyempre, kumbaga sanay ako na nakikita si Kris na kami yung magkasama, di ba? Yung ganun.

"So, hindi naman maaalis sa akin na may mararamdaman ako pagka narinig ko na may ganun," paliwanag ng singer.

Pero ngayon daw ay okay na sila.

"Ngayon, steady, sobra!"

Sa pagkakaalam ba niya ay mag-on na sina Kris at Jolo?

"Hindi namin napag-uusapan. Alam ko friends sila, iyon ang alam ko."

Magkakilala ba sina Jay at Jolo?

"Hindi personal, through Kris."

Through Kris?

"Hindi pa...hindi personal."

Napagkuwentuhan nila?

"Napagkuwentuhan namin."

IWA MOTO? Ang huling tanong kay Jay ay kung totoo bang nililigawan niya ngayon si Iwa Moto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nakakita kasi sa kanila na magkasama sa Enchanted Kingdom.

"No" ang sagot ni Jay—at "Lie" na naman ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Ang paliwanag ni Jay, "Si Aileen [totoong pangalan ni Iwa], sobrang friend ko, and she did nothing but good to me.

"Sobrang bait niya.

"It’s not a date, we were with our friends.

"[Kasama] yung family ko and yung family niya, so friendly hangout yun."

Recently lang daw sila naging magkaibigan, thru a common friend na best friend ni Kris.

Regular na napapanood si Jay sa Party Pilipinas.

Mayroon na rin siyang self-titled solo debut album na out na sa record bars ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN