Anne Curtis admits she’s nervous about her "first and last" concert; says boyfriend Erwan Heussaff is "everything I could ever dream talaga"

Anne Curtis on settling down: "For me, it doesn’t matter what your age is as long as you know that person is the right person for you and you know that it’s the right time. It could be tomorrow. It could be three, four, five years, or it could be months. Who knows? But for me, it depends on when you know that this is it, this is forever. That’s when you make a decision."


Naging napakaganda ng taong 2011 para kay Anne Curtis.

Sunud-sunod ang naging tagumpay niya sa iba’t ibang larangan na pinasukan niya—blockbuster movie (No Other Woman) at hit album (Annebisyosa).

Sa pagpasok naman ng 2012, ang pinapangarap lang na concert ni Anne noon ay matutupad na.

Gaganapin ang "first and last" concert ni Anne, ang Annebisyosa: No Other Concert, sa Araneta Coliseum sa January 28.

Dahil dito, binabansagan na ang Kapamilya actress at Viva talent bilang "Concert Sweetheart."

"Naloka naman ako sa ’Concert Sweetheart!’ I love it!" sabi ni Anne sa panayam sa kanya ni Charlene Gonzalez sa The Buzz, noong Linggo, January 22.

Ayon kay Charlene, bongga talaga si Anne dahil ang ibig daw palang sabihin ng initials nito na A.C. ay hindi Anne Curtis kundi "Araneta Coliseum."

Tugon naman ni Anne: "Korek! Araneta Coliseum...Soon! A.C.S, di ba?

"Sobrang kinakabahan ako, but first and foremost, I wanna say thank you sa lahat ng singers na bumati, thank you so much.

"And to my mommy, yes, ito na, lukang-luka na talaga ako. Go for it!"

Ilang araw na lang at matutupad na nga ang isa sa "greatest dreams" ni Anne.

Ano nga ba ang eksaktong nararamdaman niya ngayon?

"Kaba!" bulalas ni Anne.

"Kasi, yun talaga ang pinaka...

"I’m so nervous, sobra akong kinakabahan.

"But at the same time, excited.

"Kasi, first and last na ’to! So, itodo na natin."

Bakit last?

"Kasi, sobra talagang nakakatakot.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang ulitin ’to.

"But you know, I’m so excited and I’m so nervous.

"But, ’eto na, kakarerin ko na talaga ’to."

WONDERFUL WORLD. Ilan sa mga tanong ni Charlene kay Anne ay ibinase sa significant songs sa buhay ng aktres.

Pero bago pag-usapan ang tungkol sa mga kantang ito, pinakanta muna kay Anne ang dalawang linya ng bawat awitin, na walang kiyeme namang ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una ang kantang "What A Wonderful World."

Ayon kay Anne, ang nasabing kanta ay nagpapaalala ng kanyang kabataan.

Ano ang ibig sabihin ng awiting ito para sa kanya?

"You know, life is just so good and you have to think positive.

"You always have to remember that inspite of all the problems that you may have, the trials, you can always look beyond that, and think that how wonderful and big this world is.

"And, of course, it’s also from the Lord.

"He gave us this wonderful, wonderful world with rainbow and sight to view."

Ikinuwento nga raw ni Anne kay Charlene noon na may insecurity siya sa kanyang lips dahil mas malaki ito sa karaniwan.

Ayon kay Anne, "Yes, inaasar kasi ako ng daddy ko about my lips.

"But, hello! Dumating si Angelina Jolie. Ngayon, in na in ang lips [ko]."

FOR HER FAMILY. Ang ikalawang kanta na inawit ni Anne ay "For You I Will."

Ayon kay Anne, "That’s my song for my whole family because there’s nothing that I wouldn’t do for them.

"I will cross the ocean for them.

"I will do everything for them, for my family.

"I love them."

Napansin nga raw ni Charlene na "super close" ang family ni Anne.

Hypothetically, kung sasabihin niya sa parents niya na gusto na niyang magpakasal, ano ang magiging reaction ng mga ito?

Sabi ni Anne, "I think my mom, she’ll like be a little bit open about it.

"But my dad, he’ll be like, ’Are you sure? Are you sure about this?’

"Because he’s always the one to tell his kids to ’Go out and see the world first before you settle down.’

"So, darating din naman ang panahon na yun.

"Kapag dumating ang panahon na yun, I’ll cross the bridge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOR ERWAN. The third song is "Dreaming."

Pagkatapos niyang kantahin ito, nakangiting sinabi agad ni Anne na para ito sa kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.

Ano ang pinakagusto niya tungkol sa kanyang boyfriend?

"Everything! I like everything about him," sagot ni Anne.

"He’s such a blessing in my life, and I’m just so happy that he’s part of it.

"And you know, he’s all my dream.

"He’s everything I could ever dream talaga."

Pagdating sa kanyang trabaho, hindi ba seloso si Erwan, lalo na sa kissing scenes?

Sabi ni Anne, "No, he’s actually very, very open-minded about it because he understands.

"He understands the craft, work ’yan, e.

"Hindi siya nakikialam. Hindi rin siya nagseselos.

"Of course, kapag dumarating ang mga kissing scene and he sees it, ’Aha!’

"Pero, hindi naman siya nagseselos."

MARRIAGE PLANS. Sa private conversation daw nina Charlene at Anne noon, nasabi ng huli na love na love niyang talaga ang mga bata.

Pero ngayong nasa peak siya ng kanyang career, ano ang ideal age para magpakasal?

"I really don’t know," sagot ni Anne.

"For me, it doesn’t matter what your age is as long as you know that person is the right person for you and you know that it’s the right time.

"It could be tomorrow. It could be three, four, five years, or it could be months. Who knows?

"But for me, it depends on when you know that this is it, this is forever.

"That’s when you make a decision."

LIVING HER DREAM. Now thatAnne is living her dream, ano ang mga natutunan niya na puwede niyang ibahagi sa iba?

"Confidence!" natatawang sagot ni Anne.

"Lots of patience siguro. You have to be patient.

"You have to keep on dreaming.

"Never lose hope on the things that you want to achieve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you keep on dreaming no matter what struggle that comes to your life, or how hard it is to get there.

"Just keep on going, dream it, claim it—mangyayari ’yan!

"O, tingnan ninyo, magko-concert na ’ko sa Araneta!"

Sa lahat ng mga nangyayari sa kaniyang magagandang bagay, may kaakibat na intriga.

Isa na rito ang isyu na pinag-aaway raw ang programa nina Anne, ang Showtime, at ang noontime show na kasunod nito, ang Happy Yipee Yehey!.

Saan nanggaling ang isyung ito?

Ayon kay Anne, "Well, this is the first time that I’m hearing about this issue, so I really don’t know.

"Pero from what I know naman, hindi.

"I mean, minsan Vice [Ganda] and I pa nga go to HYY kapag may connection.

"Or minsan, si Mamang [Pokwang, tiga-HYY] nagpupunta sa Showtime, so hindi totoo."

Dugtong pa ni Anne, "Kailangan positive lang talaga, walang negative."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN