Manilyn Reynes prioritizes family even with a successful showbiz career

Manilyn Reynes on relationship with husband Aljon Jimenez: "Kami po kasi, we really talk. Hindi kami nawawalan ng communication. Even after ng taping, or after siyang umalis, then umuwi, talagang hindi pupuwedeng hindi magtatanong, ’How was the day? Ano nangyari?’ Yung ganyan. Meron s’yempreng mga petty quarrels. Pero, hindi naman naiaalis yun. Never naman na umabot sa mga ganoon nga."


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers ang taping ng Daldalita, ang early primetime series ng GMA-7, sa Antipolo noong Sabado, January 21.

Dito ay nakausap namin si Manilyn Reynes, ang isa sa cast members.

Sa dalaw naming iyon, dalawang taping days na lang ang natitira para sa Daldalita, pero natutuwa naman si Manilyn dahil, pagkatapos daw nito, may follow-up project na siya kaagad sa Kapuso network.

Bukod pa nga rito ang weekly comedy show nila ni Michael V na Pepito Manaloto.

Pero ano ang pakiramdam na magtatapos na ang Daldalita?

"Malungkot," sagot ni Manilyn.

"Hindi ba ganoon naman? Kapag gumagawa kayo ng show at pagkatapos, parang nagiging family na kayo.

"Minsan, ang corny-corny pakinggan, ganoon naman lagi, pero you really become a family, e.

"Kapag nagsu-show kayo at matagal kayong magkasama. ’Tapos, biglang wala na naman.

"And you don’t know kung magkikita kayo ulit sa isang show na ganoon din. Sila-sila rin."

Mami-miss daw niya ang kulitan lang nila sa set.

"Kulitan lang kami nang kulitan dito.

"Of course, kapag take, seryoso. Pero, yung samahan kasi.

"Makukulit lang. Lalo na medyo naisama kami sa medyo bagets.

"So, pa-bagets ba? Kantahan."

Ano naman ang masasabi niya sa bida sa Daldalita na si Jillian Ward?

"Alam n’yo po, artista talaga ang bata. Artista siya.

"Actually, nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata ako. Ganoon din ako, e.

"Except, of course, na siya kasi, may cut-off.

"Alam n’yo naman noon, walang cut-off.

"So, anyway, nakikita ko na kapag pinaaral mo, nag-aaral talaga ng lines.

"Kapag aktingan na, aktingan talaga."

FAMILY LIFE. Marami ang nakakaalam ng mga pinagdaanan ni Manilyn nang ipagbuntis niya ang ikatlong anak nila ng asawang si Aljon Jimenez.

At pagkatapos niyang manganak ay nagka-dengue naman ang aktres.

Ang panganay nilang si Kyle ay 15. Ang pangalawang si Kurt ay 9. At five months old pa lang ang youngest nilang si Kael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Manilyn, okay naman ang ang pagsasama nila ng dating aktor na si Aljon.

"Okay naman po siya. He’s very fine.

"Ngayon po kasi, dapat meron kaming food business that we had to stop lang, kasi I had to give birth.

"’Tapos, yung mga nangyari nga sa akin. So, medyo natigil muna kami.

"Ngayon naman, medyo tina-try naming mag-open kami ulit.

"Ngayon naman, nandito rin ang in-laws ko kasi."

Aminado si Manilyn na mahirap pagsabayin ang pagkakaroon ng pamilya at showbiz career.

Aniya, "Mahirap po, pero kailangan mo lang talagang ibalanse.

"Katulad ko, siyempre, top priority ko talaga ang family ko. Siyempre, my husband.

"Kaya ang nangyayari, mabuti meron akong katuwang, yung asawa ko.

"Kunwari meron akong work, siya naman, we see to it na one of us talaga ay nasa bahay with the kids."

Fifteen years na ang pagsasama nina Manilyn at Aljon bilang mag-asawa, pero 1991 pa raw nang maging sila.

Sabi pa ni Manilyn, "Kami po kasi, we really talk. Hindi kami nawawalan ng communication.

"Even after ng taping, or after siyang umalis, then umuwi, talagang hindi pupuwedeng hindi magtatanong, ’How was the day? Ano nangyari?’ Yung ganyan."

Sa tagal na ng pagsasama nila, may pagkakataon na bang muntik na silang maghiwalay?

Sabi ni Manilyn, "Wala, walang ganoon. At sana naman, wala.

"Meron s’yempreng mga petty quarrels. Pero, hindi naman naiaalis yun.

"Never naman na umabot sa mga ganoon nga."

CARMINA VILLARROEL. Naitanong din kay Manilyn kung ano na ang mangyayari sa iiwanang character ni Carmina Villarroel sa Pepito Manaloto.

Lumipat na kasi si Carmina sa ABS-CBN.

Ayon kay Manilyn, "Actually kasi, si Tommy, si Tito Ronnie Henares, nandoon naman siya. Parang tumatayo naman siyang ganoon na rin, sa office.

"Si Maricar naman, ang ginawang kuwento, si Carmina nga, pinapupunta siya ng Amerika ng tatay niya to take care of the business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, may paalam naman na nangyari."

Personal din bang nagpaalam sa kanila si Carmina?

"Oo, sinabi naman niya talaga.

"So, we know that she’s really leaving.

"Siguro tapos na ang contract niya. I’m sure, tapos na," sagot ni Manilyn.

Direkta ring tinanong si Manilyn kung baka naman maging siya rin ay may plano nang lumipat, o kung may natatanggap din siyang offer mula sa ibang networks.

"Merong tumatawag, pero tumawag na rin ang GMA, so priority pa rin talaga ang GMA, since may Pepito rin naman.

"At saka, in fairness naman sa GMA, hindi rin naman ako nawawalan talaga sa kanila," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN