Ellen Adarna says of fellow Survivor castaways Maria Isabel and Mara Lopez: "Like mother, like daughter"

Ellen says about Maria Isabel and Mara Lopez: "Much better na hindi na lang kami friends. Wala rin namang mangyayari sa amin, if we’re friends or not. It won’t make any difference."


Nakausap ang January 2012 cover girl ng FHM na si Ellen Adarna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kahapon, January 24, sa Baang Coffee sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa dalagang tubong-Cebu, hindi pa rin sang-ayon ang kanyang mga magulang sa kanyang pagpasok sa showbiz.

"Hindi, hindi pa rin sila agree sa ginagawa ko dito sa Manila!

"Tinanong niya ako kung ano daw ang ginagawa ko sa Manila," ayon kay Ellen patungkol sa kanyang ama.

"’Trabaho ba talaga yung ginagawa mo?’

"Sabi pa niya sa akin, "Magagamit mo ba ’yan in the near future?’

"Kung makakatulong ba sa negosyo namin ang ginagawa ko?

"Pero sabi ko, ’Hindi, I’m still young. May earnings naman ako, so I just enjoy it.

"’Pag walang nangyari, babalik na ako sa ’yo!’" halakhak niya.

"’Wait ka lang. Wait lang,’" sagot daw niya sa kanyang ama.

"So far, happy naman, nag-e-enjoy naman ako."

Kontra ba talaga ang kanyang pamilya sa pagpasok niya sa showbiz?

"Hindi naman yung sinasabi nila na, ’Wag ka na diyan.’ Pero, if they have a choice, ayaw nila talaga."

Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya noong sumali siya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, kasama ang kanyang boyfriend na si Filo Cucueco?

"Wala lang, no comment talaga sila. Hinahayaan na lang nila ako," sabi ni Ellen.

SHE’S A BITTER QUITTER? Ano naman ang masasabi niya sa naging pahayag ng mag-inang Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama, kapwa niya castaways sa Survivor, na isa raw siyang "bitter quitter"?

"So what! Quitter nga.

"Ano masasabi ko do’n? What can we do, at least hindi kami...

"Off-the-record!" tawa niyang pag-iwas sa pagbanggit sa tawag niya sa mag-inang katunggali niya sa Survivor Philippines.

Bakit parang tuluy-tuloy ang sagutan nila ng mag-inang Isabel at Mara?

Ayon kay Ellen, "Hindi naman tuluy-tuloy, hindi naman siya nag-escalate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Much better na hindi na lang kami friends.

"Wala rin namang mangyayari sa amin, if we’re friends or not.

"It won’t make any difference."

Paano yun kapag magre-reunion ang Survivor at magkikita-kita sila ulit?

"Wala lang. Parang hangin lang ako at parang hangin lang siya sa akin, pag nagkita kami."

Pano niya ide-describe si Mara?

"Like mother..." natatawa niyang saad.

How about Mara’s mother?

"Like daughter!" tawa pa rin niya.

"No, Maribel [Maria Isabel], ah...her character is very interesting.

"Yun lang ang masasabi ko," bawi naman niya.

Kung isapelikula ang buhay ni Maria Isabel Lopez, willing ba siyang gampanan ang papel ng dating beauty queen?

"Why not? Itotodo ko ’to! Magpapakabaliw ako nang todo," sagot ni Ellen.

Bakit niya nasabing magpapakabaliw siya?

"Everyone knows," pilya niyang pahayag.

Ano ang wish niya sa kanyang nakatunggaling si Isabel?

"I wish you well," nakangiti sabi ni Ellen.

ARNOLD ANINION’S OPINION? Napabalita rin na masama ang loob ni Ellen sa isa pang castaway ng Survivor Philippines—si Arnold Aninion, ang rugby player na na-vote off kailan lang.

"Oo. Yeah, siya yung pinakamasama ang loob ko more than anyone else because he is very disrespectful to women.

"Tinawag niya kaming... Kasi, parang nag-away-away na, ’tapos tinawag nila kami na, ’Hindi naman kayo sikat.’

"Sabi niya, kung gusto daw naming sumikat, gumawa kami ng sex video.

"I said to him na he’s very disrespectful to women.

"I posted sa Twitter yung mga pinagsasabi niya sa amin.

"Delete niya, e.

"But we have the idea na I think he’s going to delete it, kasi it’s bad, kaya we took a picture of it and I posted it in my Twitter.

"So, hindi niya matatago yun, ’coz I took a picture of it."

Bakit hanggang ngayon ba ay nagsasagutan pa sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siya nanggugulo. Wala na.

"Siguro naman, titigil na siya kasi tinawag na yung attention niya.

"Pero, masama pa rin yung loob ko," sabi ni Ellen.

Masaya ba siya na natanggal na si Arnold sa Survivor?

"Oo, party in the USA!" pabiro niyang halakhak, na ang ibig niyang tukuyin ay isang malaking selebrasyon ang pagkatanggal kay Arnold.

SEXY CO-STAR? Kasama si Ellen sa cast ng Bubble Gang na nagpapatawa rin tuwing Friday night.

Sa tingin niya, sino ang sexy sa mga kasamahan niyang lalaki sa show?

"Si Diego [Llorico]," pagtukoy niya sa kasamahang komedyante, sabay tawa.

"Hindi, si Dennis [Trillo]. Siya naman kasi yung sexy dun!" tawa niya ulit.

"Ever since naman kasi, siya yung crush ko. Pero, crush lang naman.

"Yung tipong, ’Ang guwapo mo,’" medyo gigil niyang saad.

Hindi ba siya pinagseselosan ng boyfriend niyang si Filo Cucueco?

"Hindi naman. Kasi parang guwapung-guwapo lang ako sa kanya.

"It doesn’t mean papatulan ko siya o gagawing boyfriend, ’no?

"Crush lang talaga."


WEDDING PLANS? Napag-uusapan na ba nila ni Filo ang kasal?

"Waley pa.

"Ask me that in three years baka may masagot na ako sa inyo.

"Pero for now, waley pa," pabakla niyang sagot.

Boto ba ang kanyang pamilya sa kanyang boyfriend?

"I think so, kasi wala naman silang sinasabi tungkol sa kanya."

SEXY ALL THE WAY? Tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy niya?

"Hindi naman siguro.

"Pero kung may mga offer na sexy, okay lang basta in good taste.

"Pero, hindi naman puwede na sexy na lang ako all the way."

Ano ba ang mga limitations niya?

"Basta hindi yung pang-bomba star. ’Wag lang akong tawaging bomba star.

"Sexy, okay lang, pero yung bomba star, ayoko."

Noon una siyang nakilala, medyo sweet pa ang kanyang dating. Pero ngayon ay parang tomotodo na siya sa pagpapaseksi.

"In real life naman kasi, hindi naman talaga ako pa-sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tipong lalabas lang ako na naka-t-shirt lang ako at naka-shorts, nakatsinelas.

"Kasi from Cebu, laid back doon. Ganun din ako dito.

"That’s me. That’s Ellen on a normal day."

BEAUTY ENHANCEMENT? Natuloy na ba ang napabalitang pagpapalaki raw niya ng kanyang "behind."

"Ah, wait lang. Aaminin ko, oo.

"Pero hindi ko pa sasabihin ang detalye kasi campaign siya."

Speaking of pagpaparetoke, ano ang masasabi niya sa komento raw ng kampo ni Sam Pinto na, at least, hindi raw siya retokada na katulad niya?

"Deadma lang. Kasi ako naman, I’m very open.

"Iba-iba kasi yung tao, e.

"May taong sang-ayon sa ganun. Mero’n naman na hindi.

"Samantalang sang-ayon ako, so they have to respect my opinion na ito ang gusto ko.

"Ever since naman, I respect their opinion naman.

"It doesn’t mean na I’m a lesser person now, dahil hindi naman."

Sinasabi nila na siya na raw ang reyna ng FHM ngayon?

"Happy! Sino ba namang hindi, di ba," sagot ni Ellen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN