Meg Imperial reveals she has suitors from TV5, GMA-7, and ABS-CBN

"Oo, may taga-TV5, mero’n din sa GMA-7 at ABS-CBN, pero ayokong i-reveal kung sino sila. Sa akin na lang siguro muna yun," says Meg Imperial when asked about who are courting her.


Sa mismong taping ng Maynila sa Parks and Wildlife nagdiwang ng kanyang 19th birthday si Meg Imperial noong January 20.

Kuwento ni Meg sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang amin siyang makapanayam ng araw na iyon, birthday wish niyang magkaroon ng bagong proyekto sa TV5.

Lalo na raw at magtatapos na ang kanyang dalawang shows na Glamorosa at Bagets.

"A, siyempre ngayong matatapos na ang mga shows ko, sana masundan ng bagong shows yung nawala.

"Mas dumami pa sana yung show ko ngayong 2012," asam niya.

"Magkaroon na sana ako ng big break, or sana magkaroon ako ng acting award this year.

"Kasi, yun yung mga goal ko this year, sana magkatotoo," sunud-sunod na pahayag niya sa PEP.

Ano ang nararamdaman niya ngayong magtatapos na ang dalawang shows?

"Siyempre, malungkot. Nag-isip ako. Sabi ko sa sarili ko, ’Ano kaya ang gagawin ko?’ Kung meron bang kasunod agad.

"Pero, if ever wala, ang naisip ko, back to training ako. Pupuntang JRP [John Robert Powers] para mag-advance ng acting workshop.

"Para pag nandiyan na yung work, may makita na silang bago sa akin."

Wala pa bang inilalatag na bagong project sa kanya?

"As of now wala pa, pero may mga naririnig-rinig [ako].

’Pero wala pa talagang shows na inaalok sa akin kapalit ng Glamorosa at Bagets.

"Hopefully, sana mapasama ako sa mga bagong bubuksang show ng TV5."

BYE BAGETS. Malaki ba ang panghihinayang niya sa pagtatapos ng Bagets Season 3?

"Oo, yung sinabi nga sa amin na siguro hindi na magkakaroon ng season 4...

"Pero, good thing na nga na-extend kami ng one season. Kasi, ang alam namin noon hanggang season 2 lang."

"Nakakalungkot, kasi napamahal na kami sa isa’t-isa. Para na kaming magbabarkada.

"Kaya naman sobrang lungkot talaga yung naramdaman namin, after the announcement na wala nang season 4 ang Bagets.

"Gusto pa sana naming magtagal yung show, pero hanggang doon na lang talaga, kaya wala kaming magagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Same thing with Glamorosa. Nakakapanghinayang din, kasi magaganda yung feedback. Marami yung nanonood.

"Pero katulad ng sabi ko, hanggang doon na lang talaga yung show namin.

"Kaya, no choice kami kung hindi tanggapin na ang bawat show ay magtatapos at magtatapos talaga."

VIVA’S PLANS FOR HER? Ano ang mga plano ng Viva Artist Agency na siyang namamahala ng kanyang career?

"Nakausap namin ng mommy ko ang Viva. May mga plans naman sila, pero wala pa silang nilalatag kung ano’ng concrete na plano.

"Gusto ko sanang malaman, pero wala pa talaga. Kaya magse-set kami ng another meeting sa kanila.

"Para alam namin kung ano talaga ang plano nila para sa career ko—may i-expect ba kami, o wala."

Hindi ba siya isasama sa mga pelikulang nakalinya ng Viva Films?

"Wala, e. Alam ko may ginagawa silang movie, pero hindi ako kasama.

"Sana isama nila ako, kasi gusto ko talagang magkaroon ng pelikula. Gusto ko kasing ma-experience na magkaroon ng movie."

SEXY ROLES? Magtatapos na ang Bagets at nagdiwang na siya ng kanyang 19th birthday—handa na ba si Meg sumabak sa mas mature na papel?

"Well, yes. I think kasi, e, hindi naman ako pabata.

"I’m 19, so siguro kasi mas matsa-challenge ako kung matured yung role, kesa yung mag-stick ako sa patweetums-tweetums.

"Kasi never naman na forever bagets ako."

Kung sakaling alukin siyang maging cover ng FHM, kaya na ba niya?

"Naku, hindi yata. Yan yata ang hindi ko pa kaya gawin.

"Pero hindi ako nagsasalita nang tapos. Pero for now, parang hindi ko pa talaga kaya.

"At hindi ko pa nakikita ang sarili ko na sobrang sexy sa men’s magazine.

"Hayaan na lang muna natin doon sa ready na at malalakas ang loob na magpakita ng skin sa cover ng men’s magazine. Pero ako, no way muna for 2012."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Contract star ba siya ng TV5?

"Nope. Per project lang ako with them. Bale sa Viva lang ako nakakontrata," mabilis niyang tugon.

Ibig sabihin ay puwede siyang gumawa ng proyekto sa ibang networks?

"I think puwede, kasi Viva ako, puwede nila akong dalhin sa GMA-7 or ABS-CBN. It’s up to Viva kung anong plano nila sa career ko.

"’Tsaka depende na rin siguro kung anong project yung magiging offer sa akin sa ibang network.

"Kung maganda at wala naman akong project sa TV5, siguro tatanggapin namin.

"Sayang naman kasi yung trabaho, kung tatanggihan mo.

"Lahat naman ng artista, gustong magtrabaho, at isa ako dun. Mas priority ang career ko kesa sa ibang bagay.

"Basta kung ano yung makakabuti sa career ko, yun yung susundin namin."

May offer na ba siya sa ibang network?

"Ang alam ko mero’n, pero hindi ko pa alam yung buong detalye."

Kapamilya o Kapuso?

"Naku ’wag muna, baka ma-preempt. ’Pag tuloy na tuloy na, ’tsaka ko na lang sasabihin," pag-iwas pa niya.

May mga nagsasabing mas nabibigyan ng opportunities ang kapawa niya Bagets star na si Nadine Lustre, na kasama ngayon sa cast ng P.S. I Love You.

"No, kasi nabibigyan naman ako ng magagandang proyekto sa TV5, like Glamorosa, kaya hindi ako naiinggit sa mga kasamahan ko sa Bagets.

"Ni minsan naman kasi hindi ako pinabayaan ng TV5, kaya walang rason para mainggit ako sa iba."

Ano na ang mangyayari sa loveteam nila ni Hediaki Torio ngayong magtatapos na ang Bagets?

Natatawang sagot niyta, "Hindi ko alam. Depende kay Aki [Hediaki] at sa TV5.

"Wala pa kasi kaming naririnig na show na magkasama kami, kaya hindi ko talaga alam.

"Maganda sana if mero’n, pero okey din naman if ipapareha kami sa iba, para ma-experience din naman naming makatrabaho ang ibang TV5 stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like dito sa Maynila, si Teejay Marquez ng Tweenhearts ang kapareha ko."

SUITORS FROM ALL NETWORKS? Kumusta ba ang lovelife niya?

"Single pa rin, pero masaya. May mga nagpaparamdam, pero hindi ko muna sasabihin kung sino. Secret muna."

Taga-TV5 ba ang nagpaparamdam?

"Oo, may taga TV5, mero’n din sa GMA-7 at ABS-CBN, pero ayokong i-reveal kung sino sila. Sa akin na lang siguro muna yun."

Pero sino sa tingin niya ang may chance na sagutin niya? Kapamilya, Kapuso, o Kapatid?

"Sino ba? Sa ngayon wala pa talaga, kasi career talaga yung focus ko.

"Sayang naman kasi yung naumpisahan ko, kung sa lovelife lang ako magpo-focus.

"Ini-entertain ko sila, pero wala pa sa point yung na-develop ako sa isa man sa kanila.

"Siguro kasi alam ko kung anong priority ko ngayon. Pero darating din tayo diyan. Pero not now," natawa niyang pahayag.

Pero alin sa kanyang mga manliligaw ang pursigido?

"Nag-e effort? Oh, God kailangan ko pa ba sabihin?

"Dalawa sila na nag-e-effort. Yung sa TV5 at ABS-CBN.

"Pero, yung sa TV5 talaga yung nag-e-effort kasi, unang-una, pareho kami ng home studio, so lagi ko siyang nakikita, kumpara sa iba."

Naniniwala ba siya na kapag happy ang lovelife, matamlay ang career?

"Depende yun sa tao. As long as naka-set yung priority mo.

"Ako kasi, priority ko talaga ang career, kaya kahit magka-lovelife ako, alam ko kung ano ang first priority ko, which is my career.

"Whatever happens, uunahin ko ang career ko.

May insidente bang nagsasabay-sabay dumalaw ang kanyang mga manliligaw sa kanilang tahanan?

"Wala naman. Hindi naman maganda kung papupuntahin mo sila nang sabay-sabay.

"Pag alam kong pupunta yung isa, hindi ko na papapuntahin yung dalawa. May kanya-kanya silang araw."

GIFTS FROM SUITORS? Anong regalo nila sa kanyang kaarawan?

"Stuffed toys at letters, kasi alam kasi nila na mahilig ako sa stuffed toys at mga letters, kaya yun yung binibigay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya gustong maligawan? Gusto ba niya na hinaharana siya?

"Puwede, basta marunong siya kumanta," tawa pa niya.

"Iba kasi, ’di ba ngayong modern age, may manghaharana pa sa ’yo, iba yung datíng."

Kung haharanahin siya, ano ang gusto niyang kanta?

"Siyempre, yung favorite ko, ’Makita Kang Muli.’ Kinikilig kasi ako pag nakikita ko yung music video."

"’Pag hinarana ba siya, sasagutin niya agad?

"Hindi naman, siguro mata-touch ako, lalo na ’pag binigyan niya ako ng yellow roses.

"Pero, hindi naman dahil hinarana ka, sasagutin mo na kaagad. Siguro, may pogi points lang sa gagawa nun.

"Siguro, kung sino ang magpapatibok ng puso ko, yun siguro yung sasagutin ko, nangharana man siya o hindi."

HER KIND OF MAN? Anu-ano ba ang katangiang hinahanap niya sa isang lalaki?

"Siguro, yung lalaking responsable, matured, at may disiplina sa sarili. Yung alam niya kung ano ang priorities niya at hindi playboy.

"Marunong magbigay ng respect sa akin at sa mga magulang at mahal ko sa buhay.

"Marunong sa buhay at marunong magdesisyon nang tama sa buhay.

"Gusto ko kasi, yung parents ko muna ang liligawan bago ako. Plus points kasi yun sa kanila.

"Maganda kasi yung hindi sila natatakot na makipag-communicate sa parents ko," pagtatapos ng 19-year-old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN