Actor-director Ricky Davao still prefers acting over directing

Ricky Davao has two afternoon shows currently airing on GMA-7: Kung Aagawin Mo ang Langit and Kokak. He is an actor in Kung Aagawin Mo Ang Langit, and he puts on a director’s hat in Kokak.


Matatawag na "Lagare King" si Ricky Davao dahil sa dalawang afternoon soaps niya sa GMA-7—ang Kung Aagawin Mo Ang Langit at Kokak.

Sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, si Ricky ang gumaganap na ama ng mga bidang sina Carla Abellana at Michelle Madrigal; samantalang sa Kokak, siya naman ang direktor.

Kuwento nga ng actor-director nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Mahirap din kasi, M-W-F, artista. So medyo light, ang sarap.

"Kapag T-Th-S, suplado ka naman. Ikaw ang control, e!"

Ano ang mas gusto niya—bilang aktor o direktor?

"Siyempre, artista pa rin ako. Mas relax.

"Pero yung directing kasi, passion na lang. Another fulfillment, may fulfillment talaga."

Kuwento pa niya, "Alam n’yo, ngayon ko lang nga naintindihan.

"Noong bata ako, minsan tinatawag si Direk Eddie Garcia...

"E, yung director, nakalimutan ko na, pero si Direk Romy Suzara yata... ’A, Direk, dito tayo, ha?’

"Ako naman, ’Bakit tinatawag na Direk?’

"Yun pala, top director si Eddie Garcia! He’s the highest paid.

"Hanggang sa mag-retire siya, walang tumaas sa kanyang director.

"I don’t know about Marilou Diaz-Abaya doing Jose Rizal, yung ganoon kalalaki.

"Pero, per project, he’s ano—Eddie Garcia.

"Kahit ipagsama pa yung talent fee ng the late Lino Brocka and Ishmael Bernal, Eddie Garcia pa rin."

Peg ba niya si Eddie Garcia?

"Well, idol! Oo naman!" natatawang sagot niya.

AUDITIONING. Aminado si Ricky na siya ang artistang kapag gusto niya, nag-o-audition talaga siya.

Hindi nga lang niya nalaman kaagad ang tungkol sa Hollywood film na sinu-shoot dito, ang Bourne Legacy, kaya hindi siya nakapag-audition.

"Sayang nga. Pero hindi kami makukuha do’n," sabi niya.

Bakit naman?

"Well, tuwing mag-o-audition ako—palagi naman kasi akong nag-o-audition—tinatanong nila kung White, or mukha raw akong Latino or Japanese."

KUNG AAGAWIN MO ANG LANGIT. Ipinagmamalaki ni Ricky ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, kung saan may mahalaga siyang papel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n’yo, ang daming nagsasabi na itong KAMAL [Kung Aagawin Mo Ang Langit], dapat pang-primetime, kasi ang ganda ng istorya.

"Di ba, lumabas ang My Neighbor’s Wife, No Other Woman, lahat ’yan, pare-pareho ng plot, may pinag-aagawan.

"Pero ito, mas simple, pero about a surrogate mother.

"May kaliwaan din. May full of sex, left and right."

Tapos na raw ang taping nila para sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, at malapit na rin itong magwakas sa ere.

CARLA AND SARAH. Tinanong din si Ricky kung sino ang mas maganda para sa kanya—si Sarah Lahbati, ang bida niya sa Kokak, o si Carla Abellana, ang co-star niya sa Kung Aagawin Mo Ang Langit?

"Magkaiba, e," tugon niya.

"Unang-una, magkaiba ang beauty nila.

"But Carla is... lalo na sa Asiong Salonga, kasi black and white, at saka ang galing na niyang artista.

"Ang layo na niya sa umpisa.

"Si Sarah naman, may pinaghuhugutan."

NETWORK TRANSFER. Palaging natatanong ngayon ang mga artista kung may plano silang mag-ober da bakod o lumipat ng network dahil sa sunud-sunod na lipatan na nangyayari.

Sa kaso ni Ricky, bagamat mas visible siya sa GMA-7, nakakapag-guest naman daw siya sa ABS-CBN at TV5.

Sabi pa ng talented film, stage, at TV actor, "Naniniwala pa rin naman ako sa loyalty."

Kahit ang katapat nito ay "fat talent fee"?

"Depende!" natatawa niyang sabi.

"Kasi minsan, di ba, gusto mo yun, pero hindi ka naman sigurado?

"May big fat talent fee ka nga for one year, then after, what?

"So, it’s a gamble."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN