Mother-and-daughter Isabel and Mara Lopez react to fellow Survivor castaway Ellen Adarna’s Twitter postings

Ellen Adarna (left) on word war with Isabel and Mara Lopez (right): "Hindi naman siya nag-escalate, pero wala, e, it’s better off na hindi lang kami friends. Wala naman ding mangyayari sa buhay namin if friends kami or hindi, di ba? It won’t make a difference."


Matindi ang patutsadahan ng castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na sina Ellen Adarna at ng mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama.

Ang sinimulang away sa isla ay itinuloy nila hanggang Maynila, kung saan panay ang parinigan nila sa kani-kanilang Twitter accounts.

Nang huling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen, matindi uli ang mga binitiwan nitong pahayag laban sa mag-ina.

Sinabi kasi nina Isabel at Mara na "quitter-bitters" si Ellen, kasama ang kanyang boyfriend na si Filo Cucueco at ang magkaibigang Jackie Forster at Angelicopter.

Nag-quit ang apat sa Survivor matapos lamang ng ilang araw.

Sagot ni Ellen dito: "So what, quitter nga, e, ano’ng masasabi dun? What can we do? Hahaha! At least kami, hindi kami klepto off-cam!"

Hindi na idinetalye ni Ellen kung sino ang tinutukoy niyang "klepto."

Hindi na lang daw niya ito pinapansin, at medyo natahimik na rin daw sila sa Twitter.

Sabi pa ni Ellen, "Hindi naman siya nag-escalate, pero wala, e, it’s better-off na hindi lang kami friends.

"Wala naman ding mangyayari sa buhay namin if friends kami or hindi, di ba?

"It won’t make a difference."

Nagkomento rin si Ellen na maihahalintulad daw niya si Mara sa isang "hipon"—maganda ang katawan, pero tapon ang ulo.

"Basta, like mother, like daughter sila. She [Isabel] is very interesting!" natatawa pa nitong pahayag.

ISABEL & MARA. Kinunan ng PEP ng reaksiyon ang mag-inang Isabel at Mara tungkol sa mga patutsada ni Ellen.

Pero tili agad ni Isabel: "Wala na bang ibang interesting topics? Ellen Adarna na naman?

"Pag-usapan naman natin ang mga intellectual topics.

"She’s an insult to my intellect!

"Di ba, nag-FHM na siya? Huwag na niya kaming gamitin para mapag-usapan siya.

"Wala akong panahon sa kanya. Busy ako!" sabay talikod ni Isabel nang kinausap siya ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot naman ni Mara ang mga ibinibintang ni Ellen laban sa kanilang mag-ina.

Aniya: "Ay naku, Ellen, hindi ko talaga alam what you have against me.

"Kasi, sa totoo lang po, alam ng buong Pilipinas ito, na hindi tayo naging magka-team sa Survivor Philippines, at hindi din kita naging kaibigan sa loob or sa labas ng Survivor Philippines.

"Basicaly, kami ni Ellen, wala po kaming relationship inside or outside the island.

"Ang nakasama niya, yung nanay ko.

"So, kung ano man yung galit niya sa nanay ko, hindi ko alam kung nababasa niya sa akin.

"Marami siyang sinasabi na yung ’pinakamaingay na castaway.’

"Sa Twitter, ang dami niyang sinasabi tungkol sa akin, marami raw akong ginagawa off-cam.

"Ellen, sana sabihin mo na lang sa akin harap-harapan kung ano yun, kasi hindi ko talaga alam.

"Ang alam ko lang, ang pinag-awayan natin is like something very shallow on Twitter."

Sa pagtawag naman sa kanya ni Ellen ng "hipon," ito ang naging tugon ni Mara:

"Okey lang! Sige hipon, at least inamin mo na maganda yung katawan ko.

"Okay lang tawagin mo na akong pangit, okay lang talaga sa akin.

"Kasi I know, no matter what you do, you can never make my personality.

"Come on, ano ka ba, hindi na ako kailangang pumatol sa iyo, graduate ako ng La Salle at 18 years old.

"Diyos ko po, may degree ako!

"Honest to God, I am so clueless what you have against me, kasi Ellen, wala naman tayong relasyon, di ba?"

Hinihintay na lang daw ni Mara kung ano ang mangyayari kapag magkita sila sa finale ng Survivor Philippines.

Pero sabi naman ni Ellen tungkol dito: "Kebs! Wala lang, parang hangin lang. Para lang siyang hangin."

Sa ipinapalabas na episodes ng Survivor Philippines, kasama pa si Mara sa Top 5.

Ang apat na iba pa ay sina KC Montero, Stef Prescott, Betong Sumaya, at Maey Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN