Richard Gutierrez wants to stay away from fantasy themes this 2012; looks forward to doing heavy drama

"I’m going back to basic—acting, doing a good character, staying away from fantasy muna. I wanna challenge myself for this 2012 on my acting skills. Ako, I’m looking for that right project, right acting vehicle, and hopefully it will happen by 2012," says Richard Gutierrez.


Matapos ang mahabang Christmas, New Year, at birthday vacation ni Richard Gutierrez sa ibang bansa, muling nagbabalik sa trabaho ang Kapuso actor.

Magkakasamang pumirma ng kontrata si Richard, pati na ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond Gutierrez, sa Viva Talents Agency kahapon, January 25.

Ayon sa pinagkasunduan, mismong si Vic del Rosario, ang boss ng Viva, ang mamamahala sa endorsement deals ng magkakapatid.

Si Annabelle Rama naman, ang ina ng tatlo, ang bahala sa mga TV at movie projects nila.

Matapos ang contract signing sa opisina ng Viva sa 7th floor ng Philippine Stock Exchange Building sa Ortigas, Pasig City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard.

BACK TO TELESERYE. Ngayong matatapos na ang hinu-host niyang reality show, ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, balik si Richard sa paggawa ng teleserye.

Kuwento ng 28-year-old actor: "More or less, we met yesterday [January 24] with the creative team.

"Parang more or less, we came on the same page kung ano yung gusto naming mangyari for the next show.

"Pero siyempre, ide-develop pa yung story, ide-develop pa yung character ko dun.

"Pero more or less, alam na namin yung gusto naming mangyari for 2012 soap na gagawin ko.

"I’m going back to basic—acting, doing a good character, staying away from fantasy muna.

"I wanna challenge myself for this 2012 on my acting skills.

"Ako, I’m looking for that right project, right acting vehicle, and hopefully it will happen by 2012."

May idea na ba siya kung anong role ang gagampanan sa kanyang susunod na teleserye?

"Meron na, it’s something different from the past characters na ginawa ko.

"I told the writers to challenge me, don’t play it safe.

"I don’t wanna be a goody-goody... Ayaw ko ng masyadong perpekto at mabait.

"Sabi ko, challenge me dun sa character."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang mga makakasama niya rito?

"Di pa puwedeng sabihin, pero most probably, yung mga nasa short list ay halos hindi ko pa nakakatrabaho.

"So, very excited ako makatrabaho sila."

HEAVY DRAMA. Ano pa ba ang role na gusto niyang gawin pagkatapos niyang gumawa ng mga proyektong fantasy (Mulawin, Captain Barbell), action (Sugo, Kamandag, Lupin, Codename: Asero), comedy (Full House), at drama (The Promise)?

"I wanna do heavy drama story, pero it really needs good material and good content.

"Ako naman kasi, I don’t wanna force things.

"Pag dumating yung right material, then I’ll do something good," sabi niya.

Sa mga nagawa niyang pelikula, ano ang pinakapaborito niya?

"Mga favorites ko... the one with Angel [Locsin], Let The Love Begin; the one with Marian [Rivera], My Best Friend’s Girlfriend; The Promise [with Angel]; and the one with KC, For The First Time...

"So, yun yung mga top favorites ko."

LEADING LADIES. Sino naman sa mga naging leading ladies niya ang gusto niyang makatrabaho uli?

"Maraming nagre-request, kasi nga nagpa-survey ako sa Twitter sa mga kapatid ko na very active sa Twitter world.

"Maraming fans ang nagre-request sa amin ni Angel Locsin, that’s one.

"Number two, Anne Curtis.

"Number three, KC Concepcion.

"Yun! Sina Angel, Anne, and KC siguro, kasi yun ang gusto ng mga fans.

"Pero right now, pare-pareho na silang nasa ABS-CBN, so it’s very hard to pull off.

"Pero it’s not naman impossible. Malay natin, di ba?"

MOVIE WITH KRIS? May lumabas na report noon na posible raw magsama sa pelikula sina Richard at Kris Aquino.

Ano ang latest development tungkol dito?

"A, hindi ko pa alam.

"Pero magkasama kami ni Kris sa New York and, yun nga, nagkakuwentuhan kami.

"Then, sabi nga namin, we wanna do a movie together.

"Pero for me, kung mangyayari, mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It would be very good kung mangyayari yun, maraming puwedeng kuwento, di ba?"

Kung matuloy ang binabalak na pagsasama nila ni Kris, gusto rin ba niyang horror ang gawin nila dahil kilala ang actress-TV host sa bansag na "Horror Queen"?

Sabi ni Richard, "Yes, I wanna do something different with her, maybe horror nga yun.

"I’m open to any kind of story.

"We all know that Kris was very successful with her horror films.

"Actually, nung nasa New York nga kami, nag-usap na kami.

"So, hopefully, matuloy."

KC CONCEPCION. Nakita na ba niya ang sexy cover pictorial ni KC para sa isang magazine?

"Yes, for a time, nakita ko nga yung cover niya sa magazine, ang sexy niya dun.

"I’m happy for KC, and she’s hot in that cover—really hot.

"And I like that concept with the snake."

RHIAN RAMOS. Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Richard sa pinagdaraanang kontrobersiya ng isa pa niyang leading lady, si Rhian Ramos.

Nagkatambal sina Richard at Rhian sa Captain Barbell at My Valentine Girls.

Ayon kay Richard, "Si Rhian yung mas nakakausap ko, kasi nga we’re at the same network, we have some common friends also.

"Mas nakakausap ko si Rhian.

"Of course, ayaw kong magbigay ng mga unsolicited advice, pero I’m here as a friend.

"Pero pag humingi siya ng advice, I give my piece of advice to her.

"I haven’t seen Rhian since Christmas season, pero I think she’s handling it naman well at maraming friends yung nasa likod niya."

Paano niya sinusuportahan si Rhian sa ganitong sitwasyon?

"I’m always there as a friend.

"Things like that is too personal, parang ang hirap to be part of it.

"Pero I told her, ’I’m here, my family is here behind you. Lahat kami, Team Rhian.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s a big challenge in her life, pero alam kong malalampasan niya rin yun."

BIRTHDAY WISH. Last January 21 ay nagdiwang ng kanyang 28th birthday si Richard. Ano ang birthday wish niya?

"Wala ako talagang birthday wish, e.

"Siguro yun nga... really good movies siguro," sagot ng prized talent ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN