Jenny Syquia and daughter Cloie Syquia Skarne sign three-year contract with Viva; Cloie to use Concepcion in her showbiz name

Cloie Syquia-Skarne (left) had a contract signing with Viva Entertainment, Inc., that coincided with her mom Jenny Syquia’s (right) return to showbiz. Jenny, one of the stars of the 1997 movie Bridesmaids, also signed a contract with Viva yesterday, January 26.


Hindi lang ang kapatid sa ama ni KC Concepcion na si Cloie Syquia Skarne ang pumirma ng three-year contract sa Viva Entertainment, kundi pati na rin ang ina ni Cloie na si Jenny Syquia.

Naganap ang pirmahan ng three-year management contract ng mag-ina kahapon, Enero 26, sa Viva office, Tektite Building, Pasig City.

Napaulat na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, January 25, na sa modelling lang interesado sa ngayon ang 17-taong-gulang na kapatid sa ama ni KC.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kina Viva Entertainment, Inc. big boss Vic del Rosario at Viva Artists Agency head Veronique del Rosario-Corpuz, covered din ng kontrata nila kay Cloie ang posibilidad na mag-record ito ng album.

Katulad ni KC, may boses at nakakakanta rin daw kasi si Cloie.

At tulad ni KC, ang apelyidong dadalhin sa showbiz ni Cloie ay Concepcion din. Kaya magiging Cloie Syquia Concepcion ito.

Si Jenny naman, binabalak daw ikuha ng Viva ng TV ad na magkasama silang dalawa ni Cloie.

"Or, puwede rin, si Cloie with KC," sabi pa ng Viva big boss sa PEP at sa iba pang nagsipuntahang media sa contract signing ng mag-ina.

Contract artist na rin kasi ngayon ng Viva si KC, kagaya ng mga magulang nitong sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Nakalabas na si Jenny sa ilang mga pelikula—Bridesmaid, Eseng ng Tundo, Hanggang Dito Na Lang, at Takot Ako sa Darling Ko—na pawang na-release noong 1997.

Aminado si Jenny na na-miss niya nang husto ang showbiz.

Aniya, "It’s very, very fun to be back, and I’m always open to new ideas and thinking about it.

"Just being here these few days, I realized how much I missed it, how many friends that I had in the business...

"I just didn’t realize how much I missed all my friends here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yes... I’d like to come back."

WANTED TO TRY MODELING SINCE 14. Taong 2005 pa raw huling umuwi ng Pilipinas si Cloie kasama ang ina.

Ayon pa kay Jenny, tatlong taon na raw siyang kinukulit ni Cloie na mag-try ng career na modelling sa Pilipinas.

Kuwento niya, "She’s been asking me since, maybe, she was about... uhm, I don’t know, fourteen. Now she’s seventeen.

"Asking me to go to the Philippines...asking me if she could try it out.

"But I kept saying na parang she’s not ready. We’ll just wait a little bit longer, let her focus on her studies.

"Pero this year, she got a scholarship, and went to China to study on her own at a university for four months.

"She’s very mature. She worked very hard to be a scholar. And she still wants to try it, so...

"She had a very long break for Chinese New Year, so we said, ’OK, let’s go!’

"And she was really, really happy. And here we are!"

Sa kabila ng matagal na paninirahan sa Stockholm, Sweden, ay pinipilit naman ni Jenny na magsingit ng salitang Tagalog sa kanyang pag-i-Ingles.

MULTI-LINGUAL CLOIE. Sa katapusan pa raw ng Pebrero sila aalis ng bansa para ituloy ni Cloie ang pag-aaral sa Beijing, China.

Pero babalik din daw agad sila sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong buwan, sa simula ng school vacation ni Cloie.

Language Studies ang kinukuhang kurso ni Cloie sa isang unibersidad sa China. Sa ngayon nga raw, apat na lengguwahe na ang alam niya.

"I know a little bit of Mandarin since I’ve been studying in Beijing. I know English and Swedish.

"I speak English with my mom, Swedish with my dad," sabi ni Cloie.

Ang Swede stepfather niyang si Filip Skarne ang tinutukoy ni Cloie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I’m studying Mandarin right now, but in school I’ve been studying Spanish also."

Marunong din daw siya ng konting Tagalog lang.

"Salamat po, magandang araw, opo... Tubig.

"Isang, dalawang, tatlong..." patuloy pang pagsasalita ng Tagalog ni Cloie na ikinatawa pa nito pagkatapos.

DADDY GABBY. "Indirectly" ang sagot ni Cloie nang tanungin kung nagkakausap ba sila ng kanyang biological father na si Gabby Concepcion.

Pero kung direktang pag-uusap, hindi pa raw talaga sila nagkakausap nito.

"No, I haven’t talked to him. I haven’t seen him since we left.

"But I really like to see him in the future," sabi ng five-foot seven inches na dalaga.

Wala pa rin daw siyang alam kung may plano na ang kanyang Ate KC na magkita-kita sila ng kanilang ama.

"I love to see him. I missed him through all those years," sabi pa ni Cloie.

Ang naaalala niya raw na huling pagkikita nila ng ama ay nang sorpresahin siya nito nung maliit na bata pa lang siya.

"I was probabl one or two years old. We were staying in a hotel. Suddenly, a knock on the door and in comes Barney!"

Ang kiddie-show dinosaur character na si Barney ang paborito raw niyang character nung bata pa siya. Ito raw ang surpresa sa kanya ni Gabby nung huli niya itong makita.

Sa ngayon daw, wala sila talagang diretsang komunikasyon sa aktor.

Pero nang tanugin ang inang si Jenny kung okey lang bang magkausap na sila ni Gabby, napangiti muna ito bago nakasagot.

"You know, my gosh, it’s 2012, not 1994!" natawa na si Jenny nang ituloy ang pagsabi nito.

"It’s a long time ago and we have both moved on.

"And I’m happy to hear that he’s also happy, I hope he’s happy for me, too. I’m sure he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So... ancient history!" nasabi na lang ni Jenny.

Pero ano kaya ang masasabi niya pag nagkaharap na sila ni Gabby?

Bahagyang natigilan muna si Jenny.

"I don’t know. I would probably just say ’Hi!’

"And I’m sure he would want to spend time with Cloie.

"And just to tell him, that I’m happy for him. And I’m sure he would say the same for me."

WORKING WITH GABBY. Handa rin ba siyang makipagtrabaho rito?

"O, my gosh... Wow, ha-ha-ha!" natawa munang sabi ni Jenny.

"I wouldn’t say no to anything.

"Just imagining that, that would be kinda funny.

"But, yeah. Who knows? It’s been such a long time.

"I don’t wanna limit myself, I don’t wanna limit Cloie.

"I’m happy to be here. I’m happy for him.

"I hope he’s happy for me. I’m sure he is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN