Matet de Leon gives updates on mom Nora Aunor; admits she is closer now to the Superstar and "special friend" John Rendez

Matet de Leon on why she has become closer to mom, Nora Aunor: "Siguro kasi bumabawi din ako kay Mommy, sa sakit ng ulo... lahat ng sakit ng ulo na ibinigay ko sa kanya. Oo, ako talaga ang pinroblema niya. So ngayon, ako ay bumabawi lang kasi pinasakit ko talaga ang ulo niya."


Nagpaunlak ng interview si Matet de Leon noong Lunes, January 23, sa kanilang tahanan sa Antipolo City.

Mahabang usapan ang nangyari lalo pa’t tungkol sa kanyang ina na si Nora Aunor ang laman ng aming naging pag-uusap.

Maghapong nanatili si Matet sa kanilang tahanan, kasama ang mga anak nila ng asawang si Mickey Estrada na sina Mikka, 7, at Mishka, 4.

Tamang-tama lang ang pagkakataong ibinigay sa amin ni Matet dahil walang taping ang dating child star para sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na Broken Vow.

Agad inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matet ang mga nangyari noong umalis ng bansa si Nora.

Nag-breakdown kasi noon si Matet dahil hindi niya nakayanan ang nadamang lungkot sa muling pag-alis ng ina, para sumailalim sa isang throat operation sa Boston, Massachusetts.

Paliwanag ni Matet, "Ano kasi...siyempre, bitin pa.

"E, natatakot ako, kasi baka hindi na naman siya umuwi."

Yun daw kasi ang naging pangyayari noong 2004, umalis si Ate Guy para mag-show sa U.S. at hindi agad nakabalik.

Sa naging damdamin ni Matet, ay mas lalo raw nag-alala ang kanyang mommy.

"’Ay, Matet, ’wag kang iiyak-iyak muna, ayoko!’’’ sabi raw ni Nora sa kanya.

"Kasi naiiyak din siya," patuloy pa ni Matet. "Ayaw niya ng may umiiyak. Nalulungkot at bumibigat ang loob niya.

"Kasi ako, hindi ko kaya.

"Ako yung pinaka-nakasama niya yata nung unang nandito siya," pagtukoy pa ni Matet sa pagbabalik ng bansa ni Nora noong isang taon.

"Mabilis lang naman [ang iyak ko], kasi nagmamadali si Mommy."

At nagyakap daw nang mahigpit ang mag-ina.

"Oo, inamuy-amoy ko si Mommy, kasi baka makalimutan ko na naman ang amoy niya."

UPDATES ON ATE GUY. Aware si Matet sa ginawang preliminary and exploratory examination kay Ate Guy hinggil sa problema nito sa kanyang lalamunan at vocal cords.

Pero hindi pa naooperahan ang Superstar—tine-therapy muna siya, ayon kay Boy Palma, personal manager ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banggit pa ni Matet sa PEP, "Sabi ni Kuya Boy, baka umabot ng dalawang buwan, kasi gusto niyang magpahinga muna si Mommy.

"Hangga’t hindi magaling na magaling [after the operation], hindi muna siya babalik dito."

Mahigit nang two weeks ang nakalilipas mula nang umalis ng bansa si Ate Guy, pero ayon kay Matet, hindi pa sila nagkakausap ng kanyang mommy hanggang ngayon.

"Hindi ko siya tinatawagan para hindi naman siya maistorbo sa pahinga niya.

"Ipinagdarasal ko siya lagi," sabi niya.

MATET’S CONFESSION. Bakit mas malapit ngayon si Matet sa mommy niya?

"Siguro kasi bumabawi din ako kay Mommy, sa sakit ng ulo... lahat ng sakit ng ulo na ibinigay ko sa kanya," pag-amin ni Matet.

Diumano, habang lumalaki si Matet ay naging problema siya ni Nora.

"Oo, ako talaga ang pinroblema niya.

"So ngayon, ako ay bumabawi lang kasi pinasakit ko talaga ang ulo niya."

Iyon daw yung mga panahon na nagrebelde siya, pero nananatiling nasa poder ng mommy nila ang mga kapatid na sina Lotlot at Ian de Leon, pati sina Kiko at Kenneth.

Si Ian ang biological son ni Nora sa dati nitong asawa na si Christopher de Leon; samantalang legally adopted children naman ng aktres sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Kung anuman, may naging pagbabago kay Matet habang tumatanda siya—naging mas responsable siya’t malapit sa Diyos, at masunurin kay Nora.

"Ay, takot ko lang!" nangiti si Matet.

"Mahirap lang ako talagang intindihin noon.

"Kasi medyo busy si Mommy, so walang tumitingin sa amin masyado.

"Si Ate Lotlot, isa pa ’yon. Halos makalbo yun sa akin!"

GOOD WORDS FOR JOHN RENDEZ. Naitanong din ng PEP kay Matet kung bakit hindi na siya galit kay John Rendez, ang "special friend" ng kanyang Mommy Guy?

"Mabait naman si Kuya John," sambit niya.

"Marami kaming naging [away] niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galit na galit ako diyan kasi nga, hindi ko pa nakikita yung good side.

"Puro na lang bad, puro na lang, ’Ay, pera lang ang habol niyan!’

"Pero nung time na wala kami dun [sa States], sino’ng nandoon [para kay Mommy]?

"Ngayon nga, ’pag nandon kami sa condo ni Mommy, sila ng asawa ko ang nag-uusap. Ay, hindi ako makasingit!"

Ang tinutukoy ni Matet ay ang mister niyang si Mickey Estrada at si John.

Si Mickey ay isang head ng Marketing at IT Department sa isang computer firm.

May plano na mag-recording si John at i-revive ang kanyang career as actor-rap artist.

Ugnay dito’y napag-alaman ng PEP na sangkot si Mickey sa career plans ni John.

Inamin ito ni Matet sa interview ng PEP.

Sabi niya, "May plano sila, ire-remix nila yung mga kanta ni Kuya John.

"Kasi itong si Mickey, may banda sila ng mga pinsan niya.

"’Tapos yung isang pinsan niya, nakikinig talaga sa mga kanta ni Kuya John noon pa. Yung mga album ni Kuya John na Metal Dog.

"Yung pamilya nila, more on jazz.

"Drummer siya [Mickey], e. Since ayoko ng maingay, electronic [drums set] ang binili. May headset sila."

CONFIDENT. Kampante ba si Matet sa ngayon na "companion" lang ni Nora si John?

"Oo, kasi alam mo, si Kuya John, maayos siyang makisama sa amin. Hindi niya kami binabastos.

"Nung birthday ni Kuya John, ’andun kami, e.

"Kami-kami lang—si Mickey, ako, si Kuya John.

"Kaming tatlo lang ang naghapunan."

Sa condo unit ni Nora ginanap ang birthday celebration ni John noong January 6.

"Si Mommy, nung time na ’yon, may sakit, inuubo.

"Hindi nga niya kami nilabas [ng kuwarto niya]. Ipinaalam ni Yaya Amy, ’Ate Guy, nandito si Matet.’

"Sabi niya [Nora], ’Hindi, hindi, huwag kang lalapit, maysakit ako, e.’

"Hindi ko puwedeng sabihing ’Okey lang po,’ magagalit yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Hindi okey. Mahahawa ka sa akin. Hindi okey!’" sabi raw ni Nora.

Two days later, January 8, umalis na nga si Nora kasama si John.

"Hindi na kami sumama sa airport," banggit pa ni Matet.

NOT JOHN’S FAULT. May naging impresyon ang publiko noon na diumano’y "napabayaan" ni Nora ang mga anak niya dahil kay John Rendez.

Pero pagsalungat ni Matet, "Hindi naman. Hindi nangyari ’yan.

"Kung pinabayaan kami ni Mommy noon, mas lalo sana ngayon; mas hindi niya kami aalalahanin dahil malalaki na kami, may mga sarili na kaming buhay.

"Pero hindi, e. Kita n’yo naman, lagi pa rin siyang nandiyan."

Nang umuwi si Ate Guy sa Pilipinas noong Agosto 2, 2011, lagi raw silang nagkakasama ng mga anak niya.

"Yun nga, pag-uwi niya, naging super busy na.

"So ako, naghanap kami ng oras.

"Ngayon, magtatrabaho na yung asawa ko ulit.

"Naku, baka gahol na gahol na kami sa time!"

Para makasama sa mga lakad ni Matet at ni Ate Guy, kailangang mag-leave sa opisinang pinapasukan si Mickey.

"Oo, kasi si Mommy, pagka ano, buong araw halos...

"E, kesa masesante siya [Mickey], di ba? Mag-leave of absence na lang."

BONDING MOMENTS. Ipinadama raw ni Ate Guy ang pagka-miss niya sa mga anak nung nandito siya.

Sabi ni Matet, "Halos araw-araw, lagi siyang...parang gumagawa ng dahilan.

"Sasabihin ni Mommy sa akin, ’Ay, hindi, kasi may kailangan ako, e.’

"’Tapos pagdating namin [sa condo unit niya], nandun lang kami.

"Then, tatanungin ako, ’Ay, anong kuwento, Matet?’ Gano’n na naman.

"Ang daldal ko kasi, e. Kuwento ako nang kuwento sa kanya, ’nood lang kami ng TV," natutuwang pag-alala ni Matet ng naging bonding moments nila ni Nora.

Ganito rin daw kay Ian, na may madalas ding bonding moments kasama ang ina nila.

"Si Kuya Ian, nakasama din madalas ni Mommy, kasi nag-taping sila ng Sa Ngalan Ng Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nung mga times na natapos na ang taping, kami ang parating kasama niya.

"Kasi malayo si Kuya Ian, taga-Las Piñas siya, e. Kami, malapit sa Eastwood.

"So, pagka may kailangan si Mommy, ’O, Matet, hindi n’yo ba ako dadalawin? Anong nangyayari, ba’t di n’yo ako dinadalaw?’

"’Ay, sige po... isasama ko po ba ang mga bata?’" tanong daw ni Matet.

"’Siyempre naman.’

"’Tapos pupunta ako dun, tutulungan ko si Ate Amy [Nora’s yaya] magligpit.

"Hindi niya din siguro akalain na ganito ako sa pagtanda ko," sabi ni Matet, who turned 28 years old last October 4.

NON-SMOKER. Nabawasan na ba ang paninigarilyo ni Ate Guy?

"Sana," asam ni Matet.

"Para sa kanya din ’yon, although hindi ako nakikialam sa pagyo-yosi niya.

"Pero ako, mabilis akong tumigil.

"Nung October 4, di ba, naospital si Mommy? Yun din ang huling araw ng paninigarilyo ko.

"Kinabukasan, nag-text sa akin si Fr. Robert [Reyes], ’Congratulations on your first non-smoking day!’

"Ang sama ng araw ko nun, pero nung nag-text siya sa akin ng ganun, gumaan [ang pakiramdam ko]."

Si Fr. Robert Reyes ang aktibistang pari na nag-react sa pagpu-pose ni Nora na may hawak na sigarilyo sa cover ng October 2011 issue ng YES! Magazine.

(CLICK HERE to read related story.)

"Ang asawa ko, tumigil na rin, pati si Kenneth," banggit pa ni Matet.

Instead, artipisyal na sigarilyo o electronic cigarette ang gamit ngayon nina Matet, Mickey, at Kenneth.

Ayon kay Matet, "Dito, walang problema. Kahit ilang galon ang ubusin mo.

"Sabi ng iba, ang nicotine nito, galing sa prutas o vegetable oil."

Isang paraan ang paggamit ng electronic cigarette—na pinapatakan lang ng oil-based liquid ang pipa at yun ang hinihitit para magbuga ng usok—para mapahinto ang totoong paninigarilyo.

Sabi ni Matet, "Tinanong nga ako ni Bianca [King, co-star niya sa Broken Vow], ’Hanggang kelan mo planong gamitin ’yan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Baka forever din o within a year.’

"I love smoking. Tanggalin mo na lahat—pagkain, tubig—’wag lang ang sigarilyo ko."

Pero kinaya ni Matet na mag-quit sa paninigarilyo.

"Kawawa naman ang mga anak ko pag nagkasakit ako," rason niya.

Hindi man niya nakakasama sa ngayon, kampante si Matet sa alam niyang pag-aasikaso ni John sa mommy niya.

"Si Kuya John, hindi naman masyado ’yon nagyo-yosi, although ’pag nagyo-yosi si Mommy, alam ko nagagalit si John."

"Hindi siya [Nora] masyadong nagpapahuli. Nagagalit kasi ’yon.

"Hindi rin naman kahit ano’ng gusto ni Mommy, puwede na, kahit makakasama sa kanya.

"Fifty-eight na siya. Hindi na siya bumabata."

NEW YEAR. Hindi man niya tahasang banggitin, alam din ni Matet na may problema ang Ate Lotlot niya sa pagtanggap kay John bilang "special friend" ng kanilang ina.

"Korek! Pero nung Pasko, nando’n si Ate Lotlot," banggit niya.

Noong New Year, na kina Nora rin ang buong pamilya ni Matet; pati ang mga anak ng Yaya Amy ng Superstar, at si John Rendez at ilan pang kaibigan.

Kuwento pa ni Matet, "Si Ate [Lotlot], sa bahay lang niya kasama ang mga anak. Pati si Kuya Monch [Ramon Christopher, Lotlot’s ex-husband].

"Gano’n talaga pagka Christmas, New Year, pagka may birthday, nando’n talaga si Kuya Monch."

Masaya ang pagpasok ng bagong taon para kay Matet at sa buo nilang pamilya, "Kasi, bumili kami ng isa pang sasakyan.

"Actually, gift siya ni Mommy sa amin nung New Year.

"Kaya ’ayan, ibinili namin ng sasakyan. Old model ng Pajero, pero it will last talaga.

"Yung unang kotse namin, Charade, laruan lang talaga siya.

"May pa-New Year talaga siya [Nora] sa amin! Napagano’n talaga kami, ’Ano na ’yan, mother?’

"’Happy New Year!" sabi daw ni Ate Guy.

Ano pa ang hopes and wishes ni Matet para sa taong 2012?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana, hindi magunaw ang mundo this year!" bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN