Janice de Belen reunites with Carmina Villaroel in showbiz talk show; both sign two-year exclusive contract with ABS-CBN

Janice de Belen on her upcoming showbiz talk show with Carmina Villaroel on ABS-CBN: "Showbiz, pero mas malalim na parte ng showbiz. Mas in-depth yung mga interviews namin. Mas in-depth ang aming reporting."

</p>
				</span>
			</div>
			<div style=


Ang dating magkasamang Janice de Belen at Carmina Villaroel sa long-running talk show na SiS sa bakuran ng GMA-7 ay napapabalitang magkakaroon ng bagong talk show sa ABS-CBN simula ngayong Pebrero.

Nakasama rin ng dalawa sa SiS ang kapatid ni Janice na si Gelli de Belen na ngayo’y nasa bakuran na ng TV5.

Noong isang taon lumipat si Janice sa Kapamilya network, at sumunod naman si Carmina nitong 2012.

Ang talk show raw na ito na gagawin nina Janice at Carmina ang papalit sa mababakanteng timeslot ng Entertainment Live (E-Live), na napapanood tuwing Sabado ng hapon.

Mawawala na raw sa ere ang naturang showbiz talk show ng ABS-CBN.

TWO-YEAR CONTRACT. Wala pang pormal na announcement ang ABS-CBN tungkol dito kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice, nilinaw namin sa kanya ang mga balitang ito.

Inamin niyang meron nga silang talk show na gagawin ni Carmina sa Pebrero, pero hindi pa niya puwedeng idetalye sa PEP kung ano ang nasasaklaw sa nasabing show.

Ang inamin lang niya ay ang pagpirma ng two-year contract sa ABS-CBN.

Magkasunod pa nga silang pumirma ng kontrata ni Carmina noong January 16, 2012 sa Kapamilya network.

Kuwento ni Janice, "I was going to sign a contract that day.

"Nung mag-sign na ako ng contract, sinabi nga sa akin na I will be given a talk show na makakasama ko si Carmina.

"And noong nag-sign ako ng contract, tamang-tama, nandun din si Carmina, nag-sign din siya ng contract. Magkasunod kami."

Dagdag pa niya, "Two years, exclusive contract ang pinirmahan ko, except of course sa Spoon."

Ang Spoon ang daily cooking-talk show ni Janice na napapanoood sa Net 25.

Ano naman ang naka-lineup na proyekto sa kanya sa Channel 2?

"Dalawang soap, aside from Budoy, and then the talk show," sabi ng actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ TALK SHOW. Ayon sa isang source ng PEP, ang talk show na tinutukoy ni Janice ay ang napabalitang Showbiz Inside Stories o S.I.S. na papalit sa E-Live.

Pero ayaw pa itong kumpirmahin ni Janice dahil magkakaroon naman daw sila ng presscon sa susunod na linggo.

Ang puwede lang daw niyang sabihin ay ang tungkol sa format nito.

Ani Janice, "Showbiz, pero mas malalim na parte ng showbiz.

"Mas in-depth yung mga interviews namin. Mas in-depth ang aming reporting."

If ever na totoo nga na ang title ng show nila ay S.I.S., hindi kaya mag-react ang GMA-7 tungkol dito dahil ang iniwanan nilang late-morning show sa Kapuso Network ay SiS din ang title?

Sagot ni Janice sa PEP, "Hosts lang kami dun. Wala naman kaming kinalaman dun sa title."

Kaugnay nito, naging guest kahapon, January 26, si Carmina sa malapit na ring magtapos sa ere na Happy Yipee Yehey! at sinabayan ng plug ang show nila ni Janice.

Ani Carmina, "Abangan n’yo sa February 4 ang aming talk show kasama si Ate Janice."

Sa huli, inamin ni Janice na nami-miss niya ang paghu-host ng isang showbiz talk show. Ilang taon din kasi siya noon sa S-Files, ang dating showbiz talk show ng GMA-7.

Dagdag pa niya, "Oo naman. Nag S-Files naman ako dati. Iba kasi, ibang attack, okay na sa akin.

"Dapat may variations, hindi puwedeng pare-pareho kasi mananawa din naman ang tao sa akin.

"I’m very happy, happy to be back," aniya, na nababakas naman talaga sa kanya ang kasiyahan.

Sa pinakahuling balita, Showbiz Inside Report na ang final title ng showbiz talk show nina Janice at Carmina. Makakasama nila rito sina Joey Marquez at Ogie Diaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN