(UPDATED) Christian Bautista’s talent management, STAGES, denies the singer was deported from Indonesia

"Christian Bautista was not deported. Whatever immigration problems encountered were legally settled," says talent management STAGES in a press statement about a report that the singer was deported from Indonesia for allegedly violating its 30-day visa regulation.


Na-deport diumano ang singer na si Christian Bautista mula sa Indonesia dahil sa paglabag daw nito sa 30-day visa regulation ng bansa.

Ayon sa ulat ng Jakarta Globe kahapon, Enero 26, kinuwestiyon ng immigration officers ng Indonesia ang multi-awarded Pinoy singer dahil sa pagpe-perform nito sa Lippo Karawaci noong Miyerkules, Enero 25, kahit na free tourist visa lamang ang kanyang pinanghahawakan nang dumating siya sa bansa noong araw ring iyon.

Ayon sa Immigration official ng Indonesia na si Herawan Sukoaji, mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa ang pagtatrabaho ng mga dayuhan na tanging tourist visa lamang ang hawak.

Dahil sa kanyang paglabag, hindi na raw mapahihintulutang pumasok sa Indonesia si Christian sa loob ng anim na buwan.

Sa isang follow-up report na inilabas ng Jakarta Globe kanina, Enero 27, sinabi na nakatakdang bumalik ng Pilipinas mula sa Indonesia ang 30-year-old singer ngayong gabi, Enero 27, sakay ng Singapore Airlines.

Sabi pa ni Herawan, "Christian’s departure to Soekarno-Hatta International Airport will be escorted by investigators from the Directorate General of Immigration."

Samantala, nilinaw naman ni Herawan na "working visa" ang hawak ni Christian noong mga unang bisita niya sa kanilang bansa.

Nakilala si Christian sa Indonesia dahil sa kanyang hit single na "The Way You Look at Me."

"NOT DEPORTED." Sa kabilang banda, hiningan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng panig ang STAGES, ang talent management na humahawak sa showbiz career ni Christian sa Pilipinas.

Sa text message na ipinadala ni Carlo Orosa sa PEP managing editor na si Karen Pagsolingan ngayong gabi, nilinaw niya na hindi na-deport ang kanilang talent.

Sa katunayan, nakatakda pa umanong bumalik si Christian sa Indonesia sa Pebrero para sa isang Valentine show.

Dagdag naman ng isang source, walang batas na nilabag ang Pinoy singer. Lahat daw ng kanyang business requirements sa Indonesia ay inaasikaso ng kanyang agent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang kabuuang statement ng STAGES:

"Christian Bautista was not deported. Whatever immigration problems encountered were legally settled. He entered Jakarta last January 25 to do a special show and guest in a TV show. In fact, Christian trended again in Indonesia because of that guesting.

"He is on his way to Singapore and will be back in Manila tomorrow. He will be back in Indonesia for a Valentine show at the prestigious Hotel Mulia."

Ang mismong reaksiyon naman ni Christian Bautista sa isyu ay mababasa mismo sa kanyang Twitter account @xtianbautista, kung saan nag-post siya ng, "Hi, friends! No, i was not deported. There were just some visa issues that needed clarification with the immigration in Indonesia. Everything is ok. I’ll be back in Indonesia during Valentine’s Day."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN