Ryan Eigenmann on fatherhood: "It’s the most amazing feeling in the world."

Ryan Eigenmann (above) talks about being a father to Catalina, his daughter with IBC 13 newscaster Cathy Bordalba.

"Uuwi ka from a hard day’s work pagod na pagod. Kahit ang init ng ulo mo, makikita mo siya [Catalina] natutulog na may konting smile, it melts your heart," he says.


Isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Michael de Mesa ang offer na i-remake ang Valiente sa TV5 ay para umuwi ito ng Pilipinas at makita si Catalina, ang apo niya sa anak na si Ryan Eigenmann at IBC 13 newscaster na si Cathy Bordalba.

Sa presscon kagabi ng Biritera, January 27, sa Studio 7 ng GMA TV Complex, binanggit namin ito kay Ryan.

"Actually nung ipinanganak siya [Catalina], it was all online di ba?" ang sabi ni Ryan.

"Skype, ganito-ganyan, and then when I found out that he was coming... actually, walang nagsasabi sa amin.

"I think he [Michael] wanted it to be a surprise, pero I don’t think you can keep a secret like that for long, e.

"So siyempre may mga naririnig-rinig na ako na uuwi daw [si Michael] para sa Valiente, so I’m like, ’Really?’

"Kaya nung nag-Skype kami ulit, ang unang tanong ko ay, ’O, kailan ka dadating dito?’ Sabi niya, ’Paano mo nalaman?’

"It’s a small world, di ba," ang kwento ni Ryan.

Mapapanood sa Biritera airing this coming February 6 sa GMA Telebabad sina Dennis Trillo bilang Andrei, Glaiza de Castro bilang Mikaela, Angelika dela Cruz bilang Remy, Ryan Eigenmann bilang Mr. D, Rich Asuncion bilang Jo, Yul Servo as Jerome, Gwen Zamora bilang Iris, Ces Quesada bilang Simang, Neil Sese bilang Eric at ipinakikila ang bagong child sensation na si Roseanna Magan bilang si Roseanne.

Kasama sa serye ang mga child stars na sina Sweet Ramos bilang Barbie, Barbara Miguel bilang Darling, Nomer Limatog bilang Miguelito at Jamaika Olivarez bilang Kleng-Kleng.

Kasama rin sina Kiel Rodriguez bilang Miko, Orlando Sol bilang Egay, Patricia Ysmael as Beverly, Myra Carel as Bevs, Scarlet bilang Mrs. Tamondong, at ang tambalan nina Kim Komatsu as Gwen at Hiro Magalona as Teofi.

May special guest role din si Claudine Barretto bilang si Carmela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Biritera ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

THE LOLO CRIED. Going back to Ryan’s dad, umiyak daw si Michael ng 30 minutes nang makita for the first time si Catalina na one year and six months old na ngayon.

Dapat daw ay sa bahay ni Cherie Gil [kapatid ni Michael] tutuloy si Michael habang nasa Pilipinas...

"But when he found out na yung majority ng locations for Valiente will be in the South, in Batangas, we decided na lang na to let him stay in our house. I live in Parañaque," ani Ryan.

"And it was a good decision kasi I mean after nitong trip niya, I don’t know kung kailan na naman siya makakabalik or kung kailan naman makakadalaw ang apo niya doon.

"So I think it’s a good decision na doon siya nag-stay sa bahay so he can spend time with Catalina while he’s here," aniya.

Sa tingin ba niya, may chance magkabalikan ang daddy niya at ang ina niyang si Gina Alajar na incidentally ay magkasama rin sa Valiente?

"Basta nung nalaman ko lang na magkasama sila sa serye, it’s like... work is work!

"Di ba, trabaho? I mean magkasama rin naman sa Valiente sina Mark Gil at Jaclyn Jose, di ba," sabay-tawa ni Ryan.

Mark, the brother of Michael, and Jaclyn have been estranged for a long time.

"So ito, trabaho, trabaho. Ganun lang yun."

Si Geoff Eigenmann na kapatid ni Ryan, ay sa bahay ni Gina nakatira.

"Yeah sila yung magkasama ngayon but my house is ten minutes away, we’re in the same subdivision so it’s easy to visit them, it’s easy for them to visit us."

Plano na raw bumili ni Geoff ng sariling bahay...

"Matagal ko nang sinasabi sa kanya yun. Habang maganda ang career niya ngayon, hangga’t dire-diretso ang trabaho niya, sinasabi ko lupa na ang bilhin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I think he’ll eventually get there, he’s gonna realize din na maraming magandang pagtutuunan ang pera niya. He’s eventually gonna learn how to spend it properly and the right way.

"But I would say he handles his money very well. Hindi siya yung porke’t nakakuha ng malaking suweldo, basta-basta na lang siya gagastos. Hindi siya ganun."

FATHERHOOD. Tinanong naman namin si Ryan kung ano ang feeling na maging ama...

"It’s really amazing! One of my fears was baka hindi ko magawa ang trabaho ng pagiging tatay.

"Kasi during my younger years, I was very palagimik, I go out, all my responsibilities were scattered, my brain was scattered, so I never thought I would be a good dad.

"And I would say na meron akong stigma sa mga bata.

"They see me and they manage to connect me to the [bad guy] roles I portray on TV.

"Naglalakad ako sa mall bigla na lang may mga batang iiyak na nakaturo sa akin, natatakot sa akin.

"So nagkaroon ako ng fear because I didn’t think kids would like me. I didn’t think my magnetism to children was that great.

"But now that I have a baby I’m like kinain ko lahat ng salita ko.

"It’s the most amazing feeling in the world... paggising ko sa umaga makikita mo nakatingin siya sa yo, nakangiti.

"Uuwi ka from a hard day’s work pagod na pagod. Kahit ang init ng ulo mo, makikita mo siyang natutulog na may konting smile, it melts your heart.

"And now ang naging ano mo sa buhay is not working for you alone but working for this one, working for someone na ganyang kaliit, na hindi pa kayang suportahan ang sarili, di ba?

"Na parang sa yo nakasalalay ang lahat, and it’s an amazing feeling, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaka-pressure, nakaka-stress, but it’s also very fulfilling, it would also make you feel very happy, it’s a smorgasboard of emotions.

FAMILY HISTORY. Ilang taon siya nang naghiwalay ang mga magulang niya?

"Oh how old was I? Matanda na ako nun. I don’t exactly remember how old I was.

"I cried. Because I grew up seeing them together, hiwalay, together, hiwalay, together, hiwalay.

"Growing up iyon ang naranasan ko, magkasama sila, maghihiwalay, magbabalikan, maghihiwalay.

"Lalayas kami ng mom ko, mahahanap kami ng dad ko, they’ll get back together.

"Nung ipanganak si Geoff, I was six and even with Geoff, it’s the same.

"My mom would leave, my dad would find us, magbabalikan, it became routine.

"So when they finally separated for good yung totally na hiwalayan na talaga, ang pinaka-affected si AJ, the youngest.

"Naapektuhan kami ni Geoff, of course we cried but I was already at that age and my way of thinking was, life is too short to be miserable, to live miserably.

"If this isn’t making you happy anymore, why remain unhappy?

"Do what you have to do to be happy in this life, because we only have one life to live, and if you’re gonna be happy separated, do it."

Was he consulted about the separation, being the eldest child?

"Yeah, they would talk to me and that’s what I would tell them exactly, those were my exact words.

"You just be happy, do things that would make you happy kasi we only have one life to live and if you’re gonna live it miserably, it’s not living, it’s just waiting and dreading the day.

"Di ba? That’s what I said, ’Do what will make you happy.’"

BEST MAN. Paano kung sabihin bigla ni Geoff sa kanya na gusto na nitong pakasalan ang girlfriend nitong si Carla Abellana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’I’ll be your best man!’ Whatever, I mean Geoff naman, he’s of age na, puwede na siyang ikasal.

"His relationship with Carla is pretty strong, the family loves Carla.

"We see her a few times a week. Pag nagte-taping ako sa QC, tapos dadalaw si Geoff kay Carla, magtatawagan kami, ’O, saan ang taping mo?’ ’Dito lang ako.’ ’O, daan kami diyan.’

"We’re like that. Nagdi-dinner kami."

Iyon daw ang pinaka-bonding nila pati ni Gabby Eigenmann at misis nitong si Apples.

"We like each other’s company. I mean, I’d like to say na all families feel that way about each other, but it’s sad that it’s not that way with all families.

"Some families can’t stand each other, di ba, yung mga lumalabas sa balita na...whatever, it’s a concept that I’m having a hard time to comprehend.

"How can you do that to a family member? Over something so small, something so trivial."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN