Matet de Leon happy with being a character actress: "Okey ako, e. Kahit ganito [lang]—kaibigan, nanay, gano’n."

Higit na positibo ang mga prospects ni Matet de Leon sa kanyang showbiz career ngayong 2012. Umaasa siya na magtuluy-tuloy ang pagta-trabaho niya sa TV at sa pelikula.

"Sana, ano, ’wag namang puro bago ang artista; na puro bago ang nandito," she says.




Malaki ang naging pasasalamat ni Matet de Leon sa GMA-7 dahil sa magkasunod na TV drama projects na nasalihan niya, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin (na nag-last taping, kamakailan); at ang Broken Vow, na kasalukuyang itini-tape.



"Sana ituloy nila [GMA-7] ’yung career ko," sabi ni Matet, sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Monday, January 23, sa kanilang tahanan, sa Antipolo City.



Sabi rin ni Matet, "Ako naman, okey ako, e. Kahit ganito [lang]—kaibigan, nanay, gano’n."

Matet is married to Mickey Estrada, a businessman. They have two daughters, Maria Michaela Alexinne, o Mikka, 7 years old, and Maria Cassandra Eliana, o Mishka, 4.

Tanggap ng anak ng Superstar ang kasalukuyang estado, bilang isang character actress, sa pelikula at TV.

Gusto lang daw ni Matet na magkaroon ng tuluy-tuloy na assignment.

"Sana, ang GMA, e, lalo pang bumait sa akin," hiling pa ng dating child actress.



Sa Broken Vow ay kasama ni Matet ang mga bidang gumaganap: Bianca King, Gabby Eigenmann, Luis Alandy, at Rochelle Pangilinan.



"Kasama din po namin sina Melissa Mendez at Juan Rodrigo. Si Gil Tejada, Jr. po ang direktor. Sa February 6 na po ang [start ng] airing, para sa afternoon prime ng GMA-7," dagdag-impormasyon pa ni Matet.



FRIENDS WITH BARBIE FORTEZA. Noong December, natapos ang participation ni Matet sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Gumanap siya sa naunang afternoon drama series ng GMA-7, bilang butihing yaya ng character ni Barbie Forteza.

Mas naunang natapos ang regular na taping ni Matet sa ILAM, kaya agad daw niyang na-miss ang company ng kanyang co-actors, mga production staff, at iba pang tauhan dito.

"Mahal ko ang mga tao doon. Mababait sila, lahat sila... magmula sa make-up artist hanggang sa utility, lahat. Close ako sa kanila."

At sa mga kasama niyang artista, "Lalo na kay Barbie [Forteza]," pagtukoy ni Matet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe ang batang yan, napakabait na bata! She deserves all the blessings na natatanggap niya!"

Likewise, Matet has only good words for Barbie’s co-star, young actress, Joyce Ching, na gumanap na kontrabida.

Natawa si Matet sa pagre-recall ng closeness niya sa mga young stars na nabanggit.

"Parang tumatanda ako!" sabi niya.

"Pero... kasi, kaya kong pumantay sa level nila; ’yung thinking ko, parang sixteen-year old din, pag kasama ko ’yung mga bata, na ang gulu-gulo namin!

"’Pag kasama ko si Barbie, pag [taping] break, kaming dalawa, nando’n sa sofa, nanonood kami ng movies, naglalaro kami!" kuwento niya.

Nababalita ang sobrang closeness nga raw nina Barbie at Joshua Dionisio. O pati nina Joyce Ching at Kristoffer Martin, na pinagtambal din ng GMA-7.

Ano ang masasabi ni Matet tungkol sa mga tambalang ito?

"Ewan ko lang," nangingiti lang si Matet.

"Si Barbie, ang nakikita ko sa kanya, napaka-playful [niya]! Ang bata pa ng isip ni Barbie, e. Fourteen [years old] lang kasi] siya."

Parang naging Ate nga raw siya ni Barbie Forteza.

"Gano’n ang nangyari. Pag nagkakausap kami ni Barbie, ’Echosera ka, ha! Sasampalin kita, e!’ sabi ni Matet tungkol sa pagbibiro niya sa teen star.

"Tapos, nung Christmas, magka-text kami niyan. ’Merry Christmas, Ate!,’" pag-greet daw ni Barbie.

"Sagot ko naman, ’Merry Christmas! Wag kang masyadong kumain, ’Day! Tataba ka, ’Day!’

"’Ay, okey lang!’ sagot naman niya [Barbie]."

’Yun daw ang sobrang nami-miss ni Matet sa ngayon.

"Oo, grabe! Ang tagal din, mula nang mag-start hanggang [last] December."

"Dapat meron din akong [extended] taping, two weeks ago, kaya lang meron na din akong [taping for] Broken Vow."

UNBROKEN TIES. Labis namang ikinatuwa ni Matet nang nagtuluy-tuloy ang trabaho niya sa Kapuso network.

After ILAM, binigyan muna siya ng guesting sa top-rating primetime drama series, na Munting Heredera (with director Maryo J. delos Reyes).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Then, regular uli siya ngayon, sa Broken Vow. Three days taping per week ang binubuno ngayon ni Matet.

Kumusta ang pakikipag-trabaho niya sa mga main cast ng Broken Vow?

"Si Gabby [Eigenmann], nakasama ko ’yan sa Munting Heredera, kaya siya ang mas nakakausap ko [ngayon]," banggit ni Matet.

"Si Bianca [King], kaedad ko yun, e.; o, matanda nang konti sa akin."

Naging close nga ba sila noon ni Luis Alandy?

"Hindi masyado," sagot ni Matet. "Puro sa movie lang ’yon."

They did May Pag-Ibig Pa Kaya? with Judy Ann Santos in 2002.

Matet recounts na noong naging mag-steady sila ni Mickey Estrada, "Siya [Luis] ang partner ko noon. Pero okey lang kay Mickey ’yon."

Ang isa pang co-star ni Matet sa Broken Vow na si Melissa Mendez, sabi raw, "’Alam mo, Matet, hindi ko akalaing paglaki mo, ganyan... ’di ko akalain na [magiging] masuwerte ka sa asawa mo. Napakabait ng asawa mo!’"

Magkakilala sila ni Melissa, mula noon pang child star siya, in the mid-’80s.

Masaya ba si Matet sa buhay niya ngayon?

"Sa buhay ko? Oo naman. Twenty-eight [years old] na ako. Pero ’pag sinabi ko sa tao, na I’m only 25, naniniwala sila," natawa ulit si Matet.

FORMER KAPAMILYA. Hindi man niya ginusto, nawalan daw si Matet ng puwang sa ABS-CBN Kapamilya network.

’Yon ay matapos ang kanyang pagta-trabaho, bilang regular cast, ng isa sa mga unang teleserye ng istasyon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Pinagbidahan ito ng dati ring Kapamilya actress, Claudine Barretto, at naisahimpapawid simula March 26, 2011 hanggang February 28, 2003.

Mula noon, wala na raw tinampukang teleserye si Matet.

"From time to time, kinukuha nila ako... guesting sa MMK [Maalaala Mo Kaya?], gano’n," banggit pa niya.

Dalawa sa memorable guestings dito ni Matet ang episodes na "Kubo" (dinirek ni Jerry Lopez Sineneng), kung saan gumanap siyang "pokpok" at rape victim; at ang "Lubid" (dinirek ni Wenn Deramas), bilang abogada (young female lawyer), who defended the case of her actress-mom, Superstar Nora Aunor, bilang isang demented convict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Both portrayals were reminiscent of roles tackled by Oscar-winning Hollywood actress Jodie Foster in the The Accused (1988), where she played a rape victim and Silence of The Lambs (1991), where she played an FBI cadet-investigator assigned to work with serial killer Hannibal Lecter played by Anthony Hopkins.

Aminado si Matet na panahon ’yon ng kasalatan.

From 2003 to 2011, her showbiz career was "sidelined" by marriage and pregnancy.

Noong 2004 siya nagpakasal kay Mickey Estrada at nagsilang ng una nilang supling noon ding taong ’yon.

Noong 2005, isinilang niya si Miguel, ang pangalawa niyang anak, na agad ding pumanaw.

Noong 2007, isinilang ni Matet ang bunso nilang anak, si Mishka.

Never daw namang nag-planong mag-lie low o mag-quit sa showbiz si Matet, despite marriage and motherhood.

"Napagsasabay ko rin naman [ang showbiz at personal concerns]. Wala lang talagang offers at that time.

"Sabi ko, bakit wala man lang [offer]? Ganon na ba karami ang artista natin?" naitanong daw ni Matet sa sarili.

When asked, Tita Angge (Cornelia Lee), Matet’s former manager, refused to comment. Talent coordinator ang dating manager ni Matet sa ABS-CBN.

"Pleeeease!" ang sabi ni Angge nang makausap pansumandali ng PEP kagabi, sa PETA Center (preview ng dulang Haring Lear na kasali sa cast ang isang talent ni Angge, si Gary Lim).

Pero ani Tita Angge, "Okey kami [ni Matet]."

"Hanggang 2007 ko naging manager si Tita A [Angge]," ang sabi ni Matet.

"Noong 2008, si Tita Malou [Choa-Fagar] na. Sinubukan ko munang mag-freelance.

"Tapos, after a few months, nabalitaan ko kay Kuya [Ian De Leon] na si Tita Malou na ang manager niya; ang bait-bait [daw], so, nag-apply ako kay Tita Malou.

"Close friend din naman siya ni Daddy [Boyet de Leon]. Very close sila.

"Pag mga interviews na ganito, pumapayag naman ako. Hindi ako maselan. Ano... sikat?" pa-kuwelang tugon pa ni Matet.

AS MOVIE ACTRESS. Sa pelikula, halos gano’n din ang naging sitwasyon ng career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala siya ng publiko noon, bilang child star, na naging so-called Child Wonder noong ’80s.

Naging famous ang kanyang linyang "Takot ako!" sa promo ng Halimaw (1986, "Banga" episode) at naging bida siya sa horror-comedy na Takot Ako, Eh! (1988) na dinirek ni Mario O’Hara, na prinodyus ni Nora Aunor (NCV Productions).

Gumawa’t nagbida rin siya sa mga Regal Films fantasy-comedy, tulad ng Bunsong Kerubin, Inday, Inday Sa Balitaw (with Susan Roces and Maricel Soriano), among others.

Matet de Leon even had the chance to star opposite the late movie King Fernando Poe Jr. and Dawn Zulueta, in One Day, Isang Araw (1987) na dinirek ng yumao na ring si Pablo Santiago.

In her teen years, hindi masyadong nag-succeed ang movie career ni Matet; habang nag-aaral siya’t nag-i-struggle din sa kanyang sariling identity.

Those were the years in the ’90s, na ang isang memorable project niya’y ang Mama, Dito Sa Aking Puso (1997), with Nora Aunor and Eric Fructuoso.

Pero nagpatuloy si Matet, dahil never niyang inayawan ang showbiz.

In 2003, matapos ang pagganap sa teleserye, she starred with Judy Ann Santos and Piolo Pascual, in ’Till There Was You (2003), directed by Joyce Bernal.

"Ang tagal na no’n!" reaksiyon ni Matet.

At mas matagal daw ang naging follow-up movie niya, also for Star Cinema (na co-produced with Viva Entertainment), ang A Very Special Love (2008), na nag-introduce sa box-office tandem nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

"D’un, naging visible ako uli. Payat ako do’n," nangiti si Matet.

Sa matagumpay ding sequel, ang You Changed My Life (2010), also with Lloydie and Sarah, naroon pa rin si Zoila, character ni Matet, bilang magazine staff at confidante ni Laida Magtalas (Sarah’s lovable character).

"Ano siya, nag-evolve..." sabi pa ni Matet, about the teamup and their movie. "Sana magkaroon na ng part 3. Napamahal na rin ako sa grupo ni Direk Cathy [Garcia-Molina].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabait ng Star Cinema. Lagi akong may proyekto sa kanila, mula nang mag-umpisa [ang John Lloyd-Sarah team-up], kinuha na ako ni Direk Cathy; sunud-sunod na ’yon."

Bukod do’n, naka-trabaho din ni Matet si Direk Jose Javier Reyes, at ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson, sa ’Till My Heartaches End (2010), ang last movie ng Kimerald loveteam.

"Nakakaloka! Ang taba ko do’n, grabe! Ang OA ng katabaan!" reaksiyon uli ni Matet.

Last year, napanood din si Matet bilang isa sa main cast ng indie film na Rakenrol ni Direk Quark Henares.

Ipinalabas ang musical-drama (on the life and struggles of Pinoy rock stars, with Matet playing the role of a band manager), sa Cinemalaya 2011, as closing film entry.

Kasama ni Matet sa cast sina: Diether Ocampo, Glaiza de Castro, Jason Abalos, Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco, among others.

"Ang tagal naming ginawa ’yun, within three years, since 2008. Kasabay ng A Very Special Love.

"Nagtampo yata si Direk Quark sa akin," naisip ni Matet nang hindi siya naka-attend sa closing ceremonies ng Cinemalaya.

Last year, napanood din si Matet sa Forever And A Day, na pinagtambalan nina KC Concepcion at Sam Milby.

Si Direk Cathy uli ang kumuha kay Matet para sa pelikulang ito.

"Thank you, Direk! Napakabait ni Direk Cathy. Malaki ang utang na loob ko talaga sa taong ’yan," pasasalamat uli ni Matet.

ON KC CONCEPCION. Ano ang impression ni Matet kay KC Concepcion?

"She’s very nice. Napakabait [niya]," mabilis na tugon ni Matet.

"KC [na] ’yan, di ba? Kumbaga, anak ni Sharon [Cuneta], pero napakabait na tao.

"’Pag meron kaming gatherings, after the movie’s [shoot], a-attend [din] yan. Mabait. Napaka-lambing. Nagte-text kami."

Hinggil sa much-talked about break-up nina KC at Piolo Pascual, ano ang masasabi niya?

Tumanggi si Matet. "Ayoko!... Ayoko!... Ayoko!...

"Pero, siyempre, ina-advisan ko siya [KC] noon. In-advisan ko na, ’You know, you should communicate.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtatanong kasi siya sa amin ni Mickey, sabi raw ni KC, ’Ate, ano ang secret n’yo ni Kuya Mickey? Bakit ang tagal nyo na?’

"Sabi ko, ’Yun nga, [dapat may] communication... mag-usap kayo tungkol sa issues [in your relationship].’

"’O kaya, kahit walang dapat pag-usapan, mag-tsikahan lang kayo...’"payo pa raw ni Matet.

PROSPECTS. Higit na positibo ang mga prospects ni Matet sa kanyang showbiz career ngayong 2012.

Umaasa siya na magtuluy-tuloy ang pagta-trabaho niya sa TV at sa pelikula.

"Sana, ano, ’wag namang puro bago ang artista; na puro bago ang nandito," hiling niya.

"Si Ate Lotlot sunud-sunod, ang daming projects.

"Mahal din ng GMA si Ate Lotlot. At ngayon, napamahal na rin siya sa TV5. Napakabait kasi ni Ate."

Dalawang teleserye nga ang nagawa ni Lotlot last year up to the present sa TV5: The Sisters at Glamorosa.

Walang bahid ng pagka-inggit sa pananalita ni Matet; basta, gusto rin niya na magtuluy-tuloy ang trabaho niya, tulad ni Lotlot.

"Kaming mga anak ni mommy, hindi naman sa pag-aano... napalaki naman niya kami na marunong kaming makisama.

"Hindi kami pa-star. Hindi kami mga ganon. Si Kuya Ian, grabe, napaka-down to earth!" pagtukoy pa ni Matet.

When Guy arrives, kung matutuloy, next month, agad daw sasabak ang superstar sa mga proyektong laan para sa kanya, ayon sa three-year exclusive contract na pinirmahan, sa TV5.

Kabilang daw dito ang isang regular teleserye, na gusto ni Nora ay makasama naman sa cast si Matet.

"Say! Sabi daw? Okey lang," natuwa si Matet sa balita.

Alam din ni Matet ang plano na balak bumili ng bahay ang mommy nila, para sa kanilang magkakapatid na Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.

"Compound ang gusto niya," wika ni Matet.

Sabi nga raw ni Ate Guy sa kanila, "Gusto ko, magkakasama tayo, pero may privacy pa rin ang bawat isa..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siyempre, ako, may pamilya na ako. Yung Kuya [Ian] ko, may girlfriend na rin [si Jennifer Orcine], na mukhang sini-seryoso na niya talaga," sambit pa ni Matet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN