Joko Diaz to be seen in another action film, Hitman; misses dad, Paquito Diaz, who was an inspiration to him

"Nakaka-miss din na gumawa ng action movies, e. Iyon ang nagpasikat sa atin noon," says Joko Diaz, who hopes the Pinoy audience will patronize local action films again. (Inset photo shows his nephew Kiko Estrada, son of his sister Cheska Diaz with actor Gary Estrada.)


Nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Joko Diaz, na matagal ding nagpahinga sa showbiz.

Dahan-dahan ay nagiging aktibo siyang muli sa paglabas sa telebisyon at pelikula.

Ayon sa aktor, pansumandali siyang namahinga sa showbiz dahil inasikaso niya ang kanyang pamilya at ang kanilang maliit na negosyo sa probinsiya.

CESAR AND ER. Maraming gustong pasalamatan si Joko sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Kabilang dito si Cesar Montano dahil isinama siya sa malapit nang ipalabas na action film, Hitman, produced ng CM Productions at Viva Films.

"Matagal ko naman nang kaibigan ’yang si Kuya Buboy [palayaw ni Cesar].

"Noong araw pa sa Viva Films, nakasama ko na siya sa ilang movies niya.

"’Tapos parati kaming magkasama sa mga basketball games here and abroad.

"Noong sabihin niya sa akin na gusto niya akong makasama sa movie na idinidirek niya, natuwa naman ako.

"Kasi kakatapos ko lang gawin yung Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story noong Metro Manila Film Festival, may kasunod agad," pagtukoy niya sa isa pa niyang nais pasalamatan na si Governor ER Ejercito.

Si ER ang star, at sinasabing silent producer din, ng revival ng Asiong Salonga.

Dagdag pa ni Joko, "Nakaka-miss din na gumawa ng action movies, e. Iyon ang nagpasikat sa atin noon.

"Kaya saludo ako kay Kuya Buboy for bringing back the action films sa big screen.

"Malaking sugal ito para sa kanya, pero tinitiyak niya na marami ang magkakagusto sa Hitman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joko sa press conference ng Hitman kamakailan.

Bago nagbalik-pelikula si Joko, na huling lumabas sa Makamundo noong 2004, gumawa siya ng mga TV series.

Karamihan sa mga seryeng kanyang nilabasan ay sa bakuran ng GMA-7.

Kabilang dito ang Totoy Bato, Pilyang Kerubin, Captain Barbell, at Ikaw Lang Ang Mamahalin.

May ginawa rin daw siya sa TV5, ang My Driver Sweet Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STUDIES FIRST. Naikuwento ni Joko sa PEP na hindi niya ipinapaalam sa kanyang mga anak na dati siyang sikat na artista.

Ito nga raw ang rason kung bakit sa probinsiya niya pinalaki ang kanyang mga anak.

Doon daw ay makakapag-concentrate ang mga ito sa kanilang pag-aaral at hindi nila malalaman na dati siyang artista.

"Yung isang anak ko nga, tinanong ako kung artista ba ako. Kung lumalabas ba ako sa TV.

"Kasi yung classmate niya, napanood daw ako sa isang TV show. Kaya tinanong niya ang anak ko kung artista ba ako.

"Doon ko lang nasabi sa mga anak ko na dati akong artista, pero iniwan ko muna ’yon para maasikaso sila.

"Ngayon, nagka-idea na ang mga anak ko na puwede pala silang mag-artista.

"Kasi, alam na nilang artista ako dati, pati na ang lolo nila."

Lolo nila ang yumaong Paquito Diaz, na gumanap bilang kontrabida sa ilang dosenang pelikula ng yumaong acting king, Fernando Poe, Jr.

"Pero sabi ko naman sa kanila, mas gusto kong tapusin nila ang pag-aaral nila bago nila pasukin ang showbiz.

"Makatapos lang sila ng high school, papayagan ko na sila," nakangiting sabi ni Joko.

DAUGHTER NICOLE. Matatandaan ding nagkaroon ng anak si Joko sa aktres na si Angelu de Leon—si Nicole, na 14 years old na ngayon.

Ayon kay Joko, constant ang communication niya sa kanyang anak kay Angelu.

Paminsan-minsan daw ay isinasama niya ito sa kanyang mga lakad kasama ang iba niyang anak.

BYE, DAD. Naging malaking bagay ang pagiging aktibo ulit ni Joko sa showbiz dahil nakatulong ito para madugtungan ang buhay ng kanyang amang si Paquito Diaz.

Ilang taon ding nagkasakit si Paquito pagkatapos nitong magka-stroke.

At ilang taon din siyang inalagaan ni Joko at ng kanyang pamilya hanggang sa sumakabilang-buhay ito noong March 3, 2011.

Kaya noong mamaalam na ang kanyang ama, alam ni Joko na ginawa nila ang lahat para tumagal pa ang buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Daddy kasi more than five years din siyang maysakit.

"Inalagaan namin siya sa probinsiya. Hindi namin siya pinabayaan.

"Idol ko ’yang si Daddy. Siya ang nag-guide sa akin noong pumasok ako sa showbiz noong bata pa ako.

"He has always been my inspiration.

"Kaya noong dumating na ang time na he has to go, tanggap na naming lahat.

"We did what we can and gusto na rin namin siyang magpahinga na.

"Malungkot, kasi noong nakaraang Pasko at Bagong Taon, that was the first time na hindi na namin siya kasama.

"Si Daddy pa naman, mahilig magregalo at magpasaya ng mga apo niya kapag gano’ng okasyon.

"Good memories naman ang naiwan niya sa aming lahat.

"And I guess the entertainment industry will not forget him," madamdaming pahayag ni Joko.

IT’S IN THE BLOOD. Ngayon ay pinasok na rin ng pamangkin ni Joko na si Kiko Estrada ang showbiz.

Si Kiko ay anak ng kapatid ni Joko na si Cheska Diaz sa aktor na si Gary Estrada, di nga lang nagkatuluyan sina Cheska at Gary.

Dating artista rin si Cheska na lumabas sa ilang pelikula sa Regal Films at Viva Films.

Kasama si Kiko sa Reel Love Presents Tween Hearts bilang bagong ka-love triangle nina Barbie Forteza at Joshua Dionsio.

Sa edad na disiotso ay halos six-footer na ang binata at future leading man ang dating.

Namana ni Kiko ang kilay, mata, at ilong ng kanyang amang si Gary, samantalang mula naman sa pamilya Diaz ang height at morenong kulay nito.

Ayon kay Joko, kahit hindi sila masyadong nagkakausap ng kanyang pamangkin, ipinapaabot niya ang kanyang suporta rito sa pagpasok niya sa showbiz.

"Matagal din kaming hindi nagkita ni Kiko. Sa probinsiya kasi ako madalas kasama ang family ko.

"Si Kiko kasi, either nandoon siya sa mommy niya sa Manila or na kay Gary sa Tiaong, Quezon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natuwa naman ako noong malaman ko na artista na rin siya.

"May nakakarating naman sa aking mga balita na okey naman daw umarte at kasundo niya ang maraming tao sa taping niya.

"Mabuti ’yon. Kasi kung ano ang nakikita sa kanya, reflection iyon ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya."

May advice ba siya sa kanyang pamangkin?

"Siguro ang mabibigay ko lang na advice kay Kiko ay ang maging professional pa siya tulad ng daddy niya at ng Tito Joko niya.

"Mahalin niya ang trabahong ito kasi dito kami unang nakilala.

"Pangalagaan niya ang pangalan ng daddy at ng mommy niya," nakangiting pagtatapos ni Joko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN