Christian Bautista explains reported deportation from Indonesia

Christian Bautista on news about his alleged deportation: "Ang bilis talaga ng twitter, ng Internet. Na-interview ako sa airport nung dumating ako. Unfortunately, ganun talaga, minsan sensationalized agad. Pero hinihintay ko lang nga yung right time to speak out at ngayon na nga yung time na yun. At okey naman ang lahat. Babalik nga ako in fact sa Indonesia sa February for shows."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang singer na si Christian Bautista kahapon, January 29, sa ASAP 2012 ng ABS-CBN.

Nilinaw ni Christian ang lumabas na balita noong Biyernes, January 27, na na-deport siya sa Indonesia.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa singer, "For five years...to and fro ako sa Indonesia, wala akong problema.

"Unfortunately, yung agent ko sa Indonesia, nag-hire ng isang tao para kumuha ng visa, e, mali pala yung nakuhang visa.

"Hindi siya working [visa].

"’Tapos, siyempre ako, kinukuha ko lang yung passport, ’Okey na ba? Okey na ba lahat?’ Hindi ko na tsinek.

"So, nag-perform ako and then after that, ipinatawag nga kami ng Immigration kasi mali nga yung visa na nabigay sa akin.

"Parang short visit lang siya, hindi working.

"So, parang nagtaka rin ako. Nagulat ako na bakit short visit ’to, e, among all those five years, working [visa] dapat ’to.

"So, kinuwestiyon ako. ’Tapos, in-explain ko naman na wala akong kaalam-alam.

"At sinabi rin nila [Immigration] sa akin na, ’Don’t worry, this is just an investigation. Hindi ka namin pino-prosecute. Hindi ka namin idi-deport or whatever. Ano lang ito, this is just a procedure.’"

Patuloy pa ni Christian, "Actually, ako, na-appreciate ko nga na at least yung Immigration is working.

"Unfortunately, hassle lang kasi pupunta ka sa Immigration, maghihintay ka doon.

"Pero ayun, na-explain ko naman properly at naintindihan naman nila."

HOW THE NEWS BROKE OUT. Yun nga lang, naglabas daw agad ng report ang media sa Indonesia na nakarating naman agad sa Pilipinas.

"Ang bilis talaga ng twitter, ng Internet," sambit pa ni Christian.

"Na-interview ako sa airport nung dumating ako.

"Unfortunately, ganun talaga, minsan sensationalized agad.

"Pero hinihintay ko lang nga yung right time to speak out at ngayon na nga yung time na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At okey naman ang lahat. Babalik nga ako in fact sa Indonesia sa February for shows."

So, wala na siyang iniwang problema sa Indonesia? Okey na ang lahat?

"Well, ang gagawin ko na lang, pagbalik ko doon, magpi-presscon ako, sa kanila naman kasi hindi pa ako nag-presscon doon, e.

"Kailangan kong magpaliwanag. I have to clear, kasi media ang unang narinig ng tao.

"Kailangang sabihin ko pa rin, ’Okey po ang lahat, wala pong problema.’"

Ano ang hakbang na gagawin niya sa agent na kumuha ng maling visa niya?

"A, yung gagawin kong move, pagmi-meeting-an pa namin ni Sir Carlo [Orosa, Christian’s manager] kung ano’ng gagawin namin base sa nangyari," sabi ni Christian.

Ano ang ibinigay na paliwanag sa kanya ng dating agent sa pagkuha nito ng panibagong agent para sa kanyang visa?

"Hindi pa kami talaga fully nakakapag-usap.

"Wala pa kasi akong time to formally sit down to talk about tungkol dun sa nangyari," sabi niya.

Ano ang leksiyon na natutunan niya sa pangyayaring ito?

"Kailangan i-check ko talaga personally. So, huwag masyado umasa, kampante, check mo rin," sabi ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN