Imee Marcos on co-producing a film with Kris Aquino: "Walang problema."

"Walang problema. I think everybody works with co-production these days. Mahirap makapag-produce ngayon. Hindi ka na sigurado. Kahit may mga artista ka na malalaki, hindi ka na talaga sigurado kung ano ang papatok or hindi," says Imee Marcos when asked if the lady governor is willing to co-produce a movie with Kris Aquino, who co-produced her last film, Segunda Mano.


Halos limang taon daw ang inabot sa pagbuo ng pelikulang Pintakasi.

Mula sa brainstorming at pagbuo ng pelikula—kung saan ay halo ang animation at mga totoong artista—abut-abot na hirap at sakripisyo raw ang naranasan ng grupo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na siyang producer ng nabanggit na pelikula.

Pero sa kabila nito, tila nagbubunga na ng suwerte ang kanilang pinaghirapang pelikula.

Napasama ang Pintakasi sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2011 New Wave Category, kung saan hinirang itong Best Picture at napagwagian din ni JM de Guzman ang Best Actor trophy.

Sunod dito, muling ipalalabas ang Pintakasi sa ilang SM cinemas simula sa February 8.

Kung matatandaan, si Imee ang nag-produce, bilang director-general ng Experimental Cinema of the Philippines, ng mga klasiko at dekalidad na pelikulang Himala (1982) at Oro Plata Mata (1982).

Kaya naman marami ang natuwa dahil tila muli siyang nagkakaroon ng interes sa pag-produce ng pelikula.

WHY ONLY NOW? Sa press conference ng Pintakasi noong Sabado, January 28, sa 8 Spices Restaurant, napag-usapan kung bakit ngayon lang uli gumawa ng pelikula si Imee.

Komento pa ng isang manunulat, baka si Imee ang makakapagbigay ng bagong sigla sa pelikulang Filipino.

Kaya ang masayang tugon ng gobernadora: "Maraming salamat na talagang napakatindi ng pagtitiwala ninyo sa amin.

"Ang totoo, gumagawa na ako ng mga animation, the past few years.

"’Tapos, napunta nga kami sa full-blown film. Gumagawa sila ng mga animé sa Japan.

"Pero, sila ay mga taga-drawing lang. Wala silang nado-drawing na tunay na Pinoy. Mukhang Pinoy, ilong na pango, buhok na itim.

"So, talagang nagpursige sila and we were discussing na magkaroon ng isang tunay na Pinoy.

"Isang prangkisa, isang franchise. So, that’s how it pushed us to do it.

"In the meantime, sagabal daw po ang pulitika, panggulo sa buhay ng pelikula, so, ayun," natatawang biro pa niya kaya raw siya medyo napahinga sa pag-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BIG SUPPORTER OF THE INDUSTRY. Pero kahit nga nasa pulitika ang prayoridad ni Imee bilang governor ng Ilocos Norte, hindi raw nawawala rito ang kanyang malasakit sa industriya.

In fact, naikuwento niya na tuwing may pelikulang magsu-shoot sa bayan nila, sa abot ng makakaya ay tumutulong sila.

"Yung mga nagsu-shooting sa Ilocos, binibigyan namin ng tulong.

"Halimbawa, may darating na indie or mainstream, kung ano ang makakaya ng probinsiya, tinutulungan namin sa location or sa accommodation."o read related art

(CLICK HERE to read related story)

THEN AND NOW. Iba raw ang paggawa ng pelikula noon sa ngayon kaya siya nakapag-produce ng big-budgeted films gaya ng Oro Plata Mata at Himala.

"Actually, yung budget ng pelikula, Himala, at that time, was very expensive.

"Oro Plata Mata was the most expensive movie in the Philippines ever made, noong panahon namin. Pero, iba kasi noon.

"Yung gobyerno, full-support. Talagang binibigyan ka ng tulong.

"May pautang. May tax breaks. May promo na libre sa mga istasyon.

"May distribution na puwede kang magpalabas kung saan-saan.

"Ngayon, mahirap na talaga at hindi mo maipagkakaila."

CO-PRODUCTION VENTURE WITH KRIS AQUINO? ’Tulad ni Imee, si Kris Aquino ay nagpoprodyus na rin.

Si Kris ay anak ni dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ng kasalukuyang Pangulo na si Noynoy Aquino.

Patunay rito ay ang matagumpay na Segunda Mano kung saan ay isa si Kris sa producer ng pelikula.

Sakali, willing ba si Imee na makipag-co-produce kay Kris?

"Walang problema. I think everybody works with co-production these days.

"Mahirap makapag-produce ngayon. Hindi ka na sigurado.

"Kahit may mga artista ka na malalaki, hindi ka na talaga sigurado kung ano ang papatok or hindi.

"Kung ako’y magpo-produce ulit, gusto ko kasi magkaroon ng franchise ang Pilipinas.

"It could be a movie, comics, merchandise as Borgy [Manotoc] said," pagtukoy pa niya sa suhestiyon ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the meantime, ang ginawa namin ay isang motion graphic.

"Ang motion graphic ay yung mga komiks na pinapagalaw katulad ng Barbell."

Kung si Kris ang artista sa movie na ipo-produce niya, okay lang ba sa kanya?

Nakangiting sabi naman ni Imee, "Sobrang big time na ni Kris, e.

"Sa ABS nga lang, kung pumili ka ng artista, talagang mahirap.

"Katulad dito sa Pintakasi, mahirap, sa totoo lang. Kaya nakakatuwa nga na sumikat [si JM de Guzman].

"Ngayon, kay Kris, puwede naman. Animé na animé nga ang hitsura niya, e."

JOHN WAYNE SACE. Ayon pa kay Imee, ang pelikulang Pintakasi ay tungkol sa pagbabago.

Marami ang nagtanong tungkol sa isa sa cast ng movie na si John Wayne Sace, na hindi masyadong visible ngayon, pero may mahalagang papel sa pelikula.

Tila inihalintulad ni Imee ang pelikulang Pintakasi sa kanyang cast, lalo na kay John Wayne.

"Ang pelikulang Pintakasi ay tungkol sa pagbabago. Pagbabagong buhay, pagbabago ng isla, ng pulo.

"At masasabi ko rin na yung kay John Wayne, ’eto ang makabagong John Wayne.

"Magaling, guwapo at handang-handang magtrabaho."

Dugtong pa niya, "Dahil sa katagalan ng paggawa namin ng animation... na tapusin ang Pintakasi, nakabuti na rin.

"Sa sobrang tagal, three and half years ng pagkakagawa, suwerte na rin namin.

"Noong unang ginagawa yun, ang pinakasikat na sa artista namin, si John Wayne.

"Si Erich [Gonzales] umuuwi sa Davao. Bitbit yung suha para sa aming lahat.

"Si JM, natutulog sa bahay ng nanay ko, isang buwan at kalahati. Talagang artista ng teatro. Galing sa Dulaang UP.

"Hindi pa kilala, indie na indie pa.

"Ngayon, ang tanong sa akin, ’Bakit hindi ka sumali sa mainstream, may artista ka naman?’

"So, nakabuti rin ang katagalan ng pelikulang ito, sumikat sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN