John Wayne Sace says he has reformed for the sake of his two-year-old son

John Wayne Sace on how fatherhood changed him: "Yung pagiging pasaway, inaamin ko. Pero noong malaman ko na may anak na ako, ang iniisip ko na lang, hindi na yung sarili ko kung hindi ang anak ko. Yung future ng anak ko. Kung ano ang kahihinatnan ng anak ko. At kung ano ang magiging buhay niya sa akin bilang isang ama."


Kung pagbabasehan daw ang buod ng pelikulang Pintakasi, puwedeng sabihin na si John Wayne Sace ang talagang bida ng pelikula.

Ginagampanan ni John Wayne ang papel ni DJ, na siyang sumisimbulo kay Dr. Jose Rizal. Si DJ ay isang batang pintor na siyang magpapabago sa buhay ng mga tao sa isla.

Pero sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2011 para sa New Wave category, sa halip na si John Wayne, na sinasabing bida ng pelikula, ang nanalong Best Actor ay si JM de Guzman, na kasamahan niya sa pelikula.

Ano ang naramdaman ni John Wayne sa rekognisyon kay JM sa kanilang pelikula?

"Ang tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat. So, wala kaming crab mentality na, ’Bakit siya nag-best actor or ganyan?’

"You know, nag-Best Film kami, e. Panalung-panalo na kaming lahat do’n. Wala na ’kong hahanapin pa.

"So, kung yun ang nagustuhan ng tao, wala tayong problema sa akin.

"Tagumpay ng grupo, tagumpay ni JM, tagumpay naming lahat," saad niya.

Marami ang nagulat sa malaking pagbabago sa hitsura ni John Wayne sa press conference ng Pintakasi noong Sabado, January 28, sa 8 Spices restaurant sa Sct. Borromeo, Quezon City.

Matagal-tagal din kasing hindi nakakausap ng entertainment press ang actor.

Ano ang ang pinagkaabalahan niya sa panahong hindi siya masyadong visible sa showbiz?

"Sa Talent Center [Star Magic] pa rin naman ako. Kay Miss Luz [Bagalacsa, handler niya].

"Tama nga ang sinabi ni Ms. Imee [Marcos]. Noong ginagawa ko ang movie na ito, nagkaroon din ng pagbabago sa buhay ko.

"So, kailangan ko talagang tumino para sa anak ko. Kahit hindi na [para] sa nanay ng anak ko, kahit sa anak ko na lang.

"Ang laki ng changes na nangyari sa akin simula nang gawin ko itong Pintakasi.

"Unang-una, sa mga kasama ko. Sobrang nagpapasalamat din ako sa Itaas dahil kami ang napili. At parang naging isang pamilya kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN WAYNE’S SON. Dalawang taon na raw ang anak ni John Wayne.

"DJ ang pangalan ng anak ko. Noong ginagawa ko itong Pintakasi, buntis ang nanay ng anak ko.

"So, DJ ang pinangalan ko sa kanya," pagtukoy ng 22-year-old actor sa pangalan ng anak na hinango sa karakter niya sa Pintakasi.

Magpapakasal na ba sila ng ina ng kanyang anak?

"Wala pa sa isip ko yun," matipid niyang sagot.

Isa si John Wayne sa kinikilalang mahusay na kabataang actor sa Kapamilya network.

Marami rin ang nanghinayang no’ng unti-unti siyang nawawala sa sirkulasyon.

Iyun ang mga panahong napabalitang nagiging pasaway siya trabaho.

Aniya, "Yung pagiging pasaway, hindi naman siguro dahil sa pagkakaroon ng anak.

"Yung pagiging pasaway, inaamin ko.

"Pero noong malaman ko na may anak na ako, ang iniisip ko na lang, hindi na yung sarili ko kung hindi ang anak ko.

"Yung future ng anak ko. Kung ano ang kahihinatnan ng anak ko.

"At kung ano ang magiging buhay niya sa akin bilang isang ama."

Sa isang banda, masayang-masaya si John Wayne dahil nabigyan ng pagkakataon ang pelikula nilang Pintakasi na maipalabas sa mga SM cinemas simula February 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN