Alwyn Uytingco on his two-year relationship with Jennica Garcia: "Effort lang talaga."

Alwyn Uytingco on how he and girlfriend Jennica Garcia survive the challenges of their relationship: "Yun nga, siguro may time na hindi kami nagkikita. At the end of the day, mari-realize mo, ’Nami-miss ko na siya.’"


Bawat cast daw ng pelikulang Pintakasi, na maipapalabas sa mga SM Cinemas simula February 8, ay dumaan daw sa "pagbabago" sa kanilang buhay sa loob ng halos mahigit tatlong taon na paggawa nila ng nasabing pelikula.

TIME FOR CHANGES. Sa parte ni Alwyn Uytingco—na gumaganap bilang Bogart, ang pinaka-gangster sa grupo nila—ay dumaan din daw siya sa panahon ng pagbabago.

Noong simula raw nilang gawin ang Pintakasi ay nasa experimental stage pa siya, at hindi pa desidido sa kung ano talaga ang gusto sa buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa press conference ng Pintakasi noong Sabado, January 28, sa 8 Spices restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Ayon sa kanya, "Three years rin namin ginawa ang movie.

"Nakatulong sa akin yung movie, na kanina ine-explain ko nga.

"Yung bond namin ng cast, tine-treasure ko. Pati na rin ang buong experience.

"Ang dami kong natutunan. Na-enlighten ako. Nagkaroon kami ng heart-to-heart talk nina JM [de Guzman]."

Noong gawin daw nila ang Pintakasi, hindi pa raw niya alam kung ano ba ang tatahakin niya, lalo na pagdating sa kanyang career.

Mahaba pa raw ang buhok niya noon at iniisip pa niya kung magba-banda ba siya or itutuloy nga ang pag-arte.

THREE VILLAINS. Silang tatlo raw nina JM de Guzman at Alchris Galura ang mga konrabida sa pelikula.

"Kumbaga, noong panahon ni Rizal, kami ang mga Kastila. Kami ang mga Hapon.

"Ang difference lang kasi no’n, yung kay JM. Sa aming tatlo, magkakaiba yung pagiging bad ass namin.

"Si JM, siya yung may pinaghuhugutan, nagrerebelde, pero may puso. Aalagaan daw niya ang lahat ng bata sa amin. Yung ways nga lang niya.

"Si Alchris naman, kumbaga, madaling maimpluwensiyahan ng peer pressure. Barkada, tatanga-tanga, hindi marunong mag-isip for himself.

"Ako yung masamang budhi. Ako yung, kumbaga, gustong makagawa ng kadiliman sa lugar namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako yung Joker. Parang wala nang sense. Gusto lang ng power, gusto lang ng trip."

HEATH AS PEG. Pero ayon kay Alwyn, nagustuhan daw niya ang character na naibigay sa kanya sa Pintakasi.

"Noon pa kasi, pinapanood ko na si Heath Ledger. Siya talaga ang motivation ko.

"So, noong panahon na yun, yun na ang inspiration ko sa character at pasok na pasok naman."’’

Si Heath Ledger ang Hollywood actor na gumanap na Joker sa The Dark Knight. Sumakabilang-buhay si Heath noong 2008.

KNOWING IMEE MORE. Ang isa sa producers ng pelikulang Pintakasi ay si Imee Marcos, ang gobernadora ng Ilocos Norte at anak ng dating Presidente Ferdinand Marcos.

Habang ginagawa nila ang pelikula ay nagkaroon daw ng pagkakataon si Alwyn na makilala si Governor Imee.

"Sobra siya! Most of the time kasi, ang producer, ’Hi, kamusta po kayo.’ Then, walk out.

"Si Ma’am Imee yung makikipag-usap sa ’yo. Makikipagbiruan sa ’yo.

"Kapag may party, party! Yung ganoon."

Dugtong pa niya, "Siyempre, kilala ko siya as ’THE Imee Marcos.’ Pero nang makatrabaho ko na, Ma’am Imee! Tao siya. Tao lang siya."

UNKNOWNS. Kung tutuusin, nang gawin nila nina JM at Erich Gonzales ang Pintakasi, hindi pa sila halos mga kilala.

Si John Wayne Sace pa lang ang talagang nabibigyan ng break no’ng panahong yun.

Ayon kay Imee, masuwerte ang movie dahil halos lahat sa cast, sumikat sa loob ng tatlong taong pagbuo nila ng pelikula.

Sabi naman ni Alwyn, "Siguro, masasabi nga natin na lucky charm nga natin si Ma’am Imee.

"Kasi, lahat ng hinahawakan niyang project, e, nagbubunga.

"Siguro, dahil na rin sa effort ng mga tao. Yung vibes na ’binibigay niya sa amin, kaya yung effort ng mga tao, ganoon din."

JENNICA GARCIA? Sa relasyon naman nila ni Jennica Garcia, mas tumitibay raw ito matapos mabalita noon na hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ganoon talaga. Kapag nadadapa, kapag umahon, mas nagiging okay," sabi ng young actor.

Totoo bang nag-break sila o nag-cool-off?

"Hindi cool-off, e. Parang misunderstanding lang na nadagdagan nang nadagdagan.

"May weeks lang din na sunud-sunod nagkakausap kami. ’Tapos, hindi na naman nagkakaintindihan.

"’Tapos, nandiyan pa yung trabaho."

Paano nila naayos ang naging gusot sa relasyon nila?

"Yun nga, siguro may time na hindi kami nagkikita. At the end of the day, mari-realize mo, ’Nami-miss ko na siya.’"

Ngayong February, magtu-two years na raw ang relasyon nila.

Ani Alwyn, "Effort lang talaga. Kumbaga, kung nagmamahalan talaga ang dalawang tao, e, wala na yun. Automatic na yun."

Nakita raw ni Alwyn ang kagandahan ng pagiging mas open na nila ngayon sa press at sa publiko ng totoong relasyon nila ni Jennica.

"Dumating kami sa stage na ganoon. Naranasan ko na yun sa ibang tao, di ba?

"And masasabi ko talaga, na kapag open ka, when you have something, tell it to everybody.

"Kasi, the more na nasasabi mo yun sa lahat ng tao, the more na okay.

"Wala na, wala na sa kanila.

"Kasi, yung tinatago mo, nahihirapan yung ini-invest n’yo na emotion. Yung paligid na pinupuntahan ninyo [limitado]."

THEY’RE MISTAKEN? Matatandaang ang sinasabing isyu sa kanila ni Jennica noon ay ang pagiging bad influence daw ni Alwyn sa kasintahan.

Dahil umano sa kanya, napapabayaan ni Jennica ang kanyang mga commitment sa showbiz.

Ngayon, masaya raw si Alwyn dahil nabura na ang maling impresyon sa kanya ng mga tao.

"Sabi ko sa inyo, di ba, papatunayan ko ’yan?

"At kaming dalawa naman, masasabi ko nga sa kanila, kung anuman ang nasa panlabas na anyo natin, e, iba talaga ang nasa loob," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN