Ces Quesada on roles coming along her way: "Wala akong uurungan."

Ces Quesada doesn’t want to be typecast: "Hindi naman ako choosy na tao. Kapag may in-assign mo sa akin ang ganitong role, pag-aaralan ko. Mapa-comedy pa ’yan or drama, pagsisikapan ko ’yang gawan ng character."


Pagkatapos niyang gumanap na kontrabida sa afternoon drama series ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Langit, mapapanood na namang muli ang TV-movie-stage actress na si Ces Quesada sa bagong primetime series ng Kapuso network na Biritera.

Sa pagkakataong ito, mabait daw ang kanyang character na si Simang, ang kunsintidor na tiyahin ng bidang si Roseanne.

"Kung sa Kung Aagawin Mo Ang Langit ay naiinis sila sa akin dahil sa pagiging mataray ko, dito sa Biritera ay pahinga tayo sa pagiging kontrabida," panimulang pahayag ni Ces.

Ito ay sa press launch ng Biritera noong January 27 sa Studio 7 ng GMA-7 Annex Building, kung saan present ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Mabait naman ako dito, at ako ang nagpu-push sa bida rito na si Roseanne na ma-pursue ang dream niyang maging isang singer," sabi nito sa PEP.

"As in, kunsintidora ako rito kasi nga yung nanay-nanayan niya rito, na si Remy [Angelika dela Cruz], ay pinipigilan siya.

"Kaya ako ang gumagawa ng paraan para matupad ang mga pangarap ni Roseanne," kuwento pa niya.

NOT CHOOSY? Enjoy si Ces sa iba’t ibang papel na natotoka sa kanya.

Ayaw raw niyang ma-typecast sa iisang role lang. Gusto niyang makilala siya bilang versatile na performer.

"Kahit saan mo naman ako isabak, wala akong uurungan!" sabay tawa niya.

"Hindi naman ako choosy na tao. Kapag may in-assign mo sa akin ang ganitong role, pag-aaralan ko.

"Mapa-comedy pa ’yan or drama, pagsisikapan ko ’yang gawan ng character.

"Hindi ako humihindi, e. Para sa akin, sayang ang oportunidad kung palalagpasin ko ang anumang role na dumaan sa akin.

"Kahit na alam mo nang parang mahirap, gagawin mo pa rin.

"Ganyan ang pagiging artista talaga. Kahit na mahirap, you do your best to do it. Never say na hindi mo kaya."


TEACHER CES. Kaya naman kaya ni Ces ang anumang role na ibigay sa kanya ay dahil galing siya sa teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging instructor din si Tita Ces—na siyang tawag sa kanya sa industriya—para sa mga kursong pang-teatro at seven years din siyang nagturo.

"I actually miss teaching the course," mabilis na sambit niya.

"Ini-invite nga nila ako ulit to teach. Gustuhin ko man, pero nagkasunud-sunod ang mga raket natin kasi.

"But if ever na maging libre ako, I am willing to go back to U.P. and teach the course.

"It’s a good feeling na maibabahagi mo ang mga nalalaman mo sa mga future actors and directors.

"Who knows baka sa matuturuan kong klase, e, nandoon ang next na award-winning actor or director, ’di ba?"

FIRST BIG BREAK! First TV show ni Ces ay ang gag/spoof show na Sic-O-Clock News sa IBC 13 noong 1986.

In-offer daw kay Ces iyon during the time na bagong kasal siya.

"Magha-honeymoon na sana kami ng mister ko noong maka-receive ako ng tawag.

"And they were offering me this show titled Sic-O-Clock News," pag-alala pa niya.

"Hindi na ako makahindi dahil ang director ay si Marilou Diaz-Abaya, ’tapos puro mga [galing] teatro ang kasama ko.

"Nandoon nga sila Jaime Fabregas, the late Rene Requiestas, Ching Arellano, at marami pang iba.

"It was the late [director] Ishmael Bernal who recommended me to Direk Marilou.

"Nakasama kasi ako sa ilang comedies ni Direk Ishma. Mostly kasi mga taga-teatro ang mga kinukuha niya.

"He watched me in one of the theatre productions I did in U.P. ’Tapos ’sinasama na niya ako sa mga pelikula niya.

"Kumbaga, extra-extra lang tayo noon. Kaya yung Sic-O-Clock News, big break para sa akin iyon kaya tinanggap ko."

Naging groundbreaking program nga ang Sic-O-Clock News dahil sa pag-spoof nito sa ilang maseselang political issues after ng EDSA Revolution in 1986.

IT WAS A SUCCESS! Ang nasabing palabas ay naging top-rater sa IBC-13 at umere mula 1986 hanggang 1989.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo ito ng mga parangal bilang best comedy show mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

"Para sa akin, yung ginagawa ko sa Sic-O-Clock News as the female news anchor is still the best role na ginawa ko sa buong career ko.

"Mainly, because it was my first big break on television and it landed me so many offers to do movies and other guestings on TV sitcoms.

"Gusto ko nga na ma-revive ang Sic-O-Clock News. Kaso most of the people there are no longer active at ’yung iba wala na sila.

"Like our scriptwriter na si Amado Lacuesta passed away na. Si Rene [Requiestas], wala na rin.

"Si Direk Marilou naman is somehow inactive ngayon because of her health.

"Well, sana we can do another show like that. Yung matapang, may balls... yung wala kang iku-compromise.

"Basta you come up with a show that’s daring yet entertaining at the same time."

WORK WITH THE COMEDY KING. Nagkasunud-sunod nga ang mga offers kay Tita Ces matapos magsara ang Sic-O-Clock News, mapatelebisyon at pelikula.

"When I became part of Home Along Da Riles in 1997, I was so happy.

"Kasi nga, that was my chance to work with one of my idols, the Comedy King Dolphy.

"It was a memorable thing for me, kasi nga I am working with one of the legends of the Philippine entertainment industry.

"’Tapos naging close pa ako kay Nova Villa, who I treat as my sister. Magkapitbahay kami that time sa Tierra Pura.

"All of the projects I do naman is very memorable, and I am happy na naiisip nila akong maging part ng show na iyon.

"Kaya nga habang may offer, gawin lang natin ng gawin, ’di ba?

" I don’t want to miss an opportunity to work with this actor, with this actress and with this director."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THREE MISCARRIAGES. Dahil nga sa sobrang sipag ni Tita Ces noon ay tatlong beses siyang naka-experience makunan.

Noong ikaapat na pagbubuntis niya, nag-lie low na muna siya sa trabaho para hindi na siya ulit makunan.

"That was in 1995. I got pregnant again, and I really prayed na maging safe na iyon.

"I was doing pa yata Eat Bulaga that time. Pero nagpapalaam na ako because I wanted to have a safe pregnancy.

"Sa awa ng Diyos, my daughter is now 18-years old and she’s taking up Film Study in U.P.

"Pinagdasal ko talaga ang batang ’yan at nagpapasalamat ako na she’s very healthy, smart and malambing like her parents!" ngiti pa ni Tita Ces.

Tumatanggap ng projects si Tita Ces sa tatlong TV networks. Kung sino nga raw ang may offer na trabaho, doon muna siya.

"Ang buhay kasi ng mga artista ngayon ay sa TV, ’di ba?

"Kami namang mga tinatawag nilang veteran actors, e, dumedepende lang sa kung sino ang magka-cast sa amin.

"Masuwerte lang ako na naging sunud-sunod ang projects mo sa GMA-7.

"Matagal na rin akong nagtatrabaho sa kanila and I have no complains.

"Tsaka yung mga roles na binibigay nila sa akin, gusto ko kaya happy ako with them," diin niya.

Sa movies naman ay kasalukuyang ginagawa niya ang pelikulang The Healing para sa Star Cinema, kunsaan bida sila Vilma Santos at Kim Chiu.

INDIE FILMS? Gusto rin ni Tita Ces gumawa ng mga indie films.

"Marami na rin akong ginawang indie films. The last one I did was Babangluksa.

"I also did Baby Angelo, Ploning, Miss Pinoy, Pepot Superstar.

"I love working with new directors and new actors. Para kasing may naise-share ka sa kanila when you work together.

"Doon siguro lumalabas ang pagiging teacher natin.

"And at the same time, you learn from these people as well. Give and take lang," pagtatapos pa ni Ces Quesada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN