Ruby Rodriguez on Eat Bulaga!’s newest rival It’s Showtime!: "Huwag naman nating maliitin."

"Maganda ang Showtime. I mean, before Bulaga!, we also see it. So, we watch it also. And it’s fun also to watch. Maybe we could do better, if we’re doing good already," says Ruby Rodriguez about the show that will replace Happy Yipee Yehey! on February 4.


Balitang It’s Showtime! ang bagong makakatapat ng Eat Bulaga!

Kaya naman, nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang isa sa mga hosts ng Kapuso noontime show na si Ruby Rodriguez, kinuha namin ang kanyang pahayag ukol dito.

"I always welcome a new competition, because you have to be on your toes parati.

"I mean, huwag naman nating maliitin, maganda ang Showtime. I mean, before Bulaga!, we also see it. So, we watch it also. And it’s fun also to watch.

"Maybe we could do better, if we’re doing good already.

"Maybe we could do better pa," ang panimula ni Ruby noong nakita namin siya sa launching ng Dental Focus website sa Edsa Shangri-la noong January 30.

"Kahit naman sinong bago pa [ang makatapat ng Eat Bulaga!], challenge iyan.

"Kahit ano’ng channel pa iyan, you have to be on your toes always.

"Any competition naman for us is a healthy competition.

"Ang magde-decide naman diyan, ang mga tao. Kaya kami, pagbubutihan lang namin lagi," saad pa ni Ruby.

Hindi ba sila na-challenge sa Happy Yipee Yehey!, na nakatakdang mawala na sa ere?

"It’s supposed to be a challenge also. Kaya nga we’re doing, you know, better... in improvements.

"I mean, kung wala silang challenge, hindi naman siguro namin pag-aaksayahan iyong mga opening numbers namin, ’di ba?

"Mas pinagaganda kasi talaga namin lagi ang Bulaga!, e."

THEIR SECRET? Ano kaya ang sikreto ng Eat Bulaga! at marami nang rival shows ang nakansela dahil sa pagiging top-rater nito sa ratings.

"Ay! God bless your tongue, God bless your tongue!

"Sana nga, totoo iyan na kahit sinong tumapat... Pero siguro kasi ay nag-e-enjoy lang kami sa ginagawa namin.

"And our aim is just to make people happy, to help.

"To ease the burden kahit papaano, even for just two hours and a half of laughter, at nang makalimutan ninyo ang problema niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon kasi ang aim namin at hindi to crush. Not to kill, but to make people happy," masayang esplika pa ng isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga!.

Ano ang sikreto ng katatagan at tibay ng Eat Bulaga!?

"Thirty three years na kami. And unang-una, kahit na nagkakaedad ang mga hosts, kahit nag-e-age iyong biological age namin.

"Yung aming physical age, hindi tumatanda, e. Nagpapa-bagets kami.

"We try to cope up with the times. Kung ano ang uso, we read, we listen, we watch others also, para up to date ka.

"So, hindi ka nagmumukhang matanda.

"Kaya kita niyo naman sa studio, mga suot namin. Imagine-in mo kung araw-araw kaming nakasuot ng naka-glitters.

"Sasabihin ng mga tao, ’Hindi naman ako pupunta sa palengke nang nakaganyan e.’

"So, at least kung naka-shorts kami, nakaka-relate sa amin ang masa.

"Ang daming nagtatanong sa akin, ’Where do you get your clothes? I’m big like you, you inspire me.’

"Ang sarap pakinggan na inaabangan nila kung ano sapatos ko ngayon. Gano’n.

"So, kung maipanglalakad ko, maipanglalakad din nila, ng masa."

TO ENTERTAIN AND TO HELP. Sinabi rin niya ang impact ng segment nilang "Sugod Bahay Gang" sa mga suking Dabarkads ng EB.

"Malaking tulong iyon sa marami.

"Kaya nga sabi ni Senator Tito Sotto, ’We’re a public service show masquerading as a variety show,’" aniya hinggil sa mga makabuluhang proyekto ng EB.

"Hindi ba ang saya na nakakatulong ka sa environment?

"Nabibigyan mo ng awareness ang sambayanang Filipino.

"Natuturuan mo ang mga bata, kung saan nagsisimula ang lahat?

"Dahil kapag sila ang nagsabi sa mga magulang, napapahiya ang magulang, ’di ba?

"Tapos, iyong nakakatulong kayo sa medyo mas nangangailangan sa atin.

"Pang-apat, nakakatulong kayo sa mga manonood dahil nag-e-enjoy sila," tuluy-tuloy na wika niya.

At hirit pa ng komedyante: "Totoo ang sinabi mo na hanggat may Eat Bulaga!, may pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ’di ba dati, ang sinasabi nilang tag line, hangga’t may bata, may Eat Bulaga!.

"Thank you sa sinabi mo, ang ganda niyon, Sasabihin ko kay Joey [de Leon] iyan mamaya," patungkol sa katagang nabanggit namin.

JOSE MANALO? Ipinahayag din ni Ruby ang pananaw niya sa kakaibang naiaambag ni Jose Manalo sa kanilang programa.

"Si Jose is a multi-talented person, kaya siya ay very sensitive sa nangyayari sa paligid niya. Observant kasi siya.

"Kaya iyon ang isa sa sikreto niya, kaya kapang-kapa niya ang masa.

"At dahil na rin iyon sa pinagdaanan ni Jose sa buhay."

So, masasabi mo bang isang asset si Jose sa kahit anong TV show?

"O, yeah, kahit saan mo ilagay si Jose, he is an asset.

"I believe anybody from Eat Bulaga! is an asset. Kasi, we were trained by the triumvirate of Tito, Vic & Joey.

"So, anybody who comes from Bulaga! is an asset. Hindi iyan magiging liability.

"May training kami na be on time, listen to your peers, be sensitive, and be aware of what’s happening in your surroundings," seryosong pagmamalaki niya.

So, kaya si Toni Gonzaga na galing sa EB ay namamayagpag sa ABS-CBN?

"Oo, ’di ba? And sa tingin ko, mamamayagpag din si Iza [Calzado]."


WELCOME JENNYLYN? Speaking of Iza, totoo ba na si Jennylyn Mercado ang papalit kay Iza sa Eat Bulaga?

"Ang alam ko ay hindi. Naglabas na ng statement si Malou [Choa-Fagar, TAPE Inc.’s executive] sa PEP, na it’s not Jennylyn."

So, kung hindi si Jennylyn ang bagong co-host ng EB, alam ba niya kung sino?

"Ang alam ko, si Isabel Daza yata ay babalik, e. Hindi ba si Isabel hosted with us?

"And then, nag-Christmas break lang and she left. I think she’s hosting again," pahayag pa niya.

Tungkol naman sa pinakamatinding nakatapat ng Eat Bulaga, masasabi ba niyang ito ay ang Wowowee ni Willie Revillame dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think so, I think so," tumatangong saad niya.

Parang seesaw ang labanan nila noon sa ratings.

"Yes, I believe so," matipid na sagot pa niya.

Masasabi ba niyang mas challenging katapat o kalaban si Willie?

"Alam mo, hindi ko masabi, e. Kasi, mayroong time talaga na lahat kami ay kumakayod kahit na sino’ng katapat talaga.

"So, lahat ay challenging, e."

BECAUSE OF PINOY HENYO? Pero paano nila nagawa na, noong nakakaungos na dati si Willie sa Eat Bulaga!, nabawi nila ang ratings at nagtuluy-tuloy na?

"Siguro, nagsimula sa Pinoy Henyo. Baka, hindi ko alam, e.

"Basta nakuha na lang namin ulit ang kiliti ng mga tao," nakangiting wika niya.

NEWSCASTER RUBY. Bago nagtapos ang aming panayam, napag-usapan namin ang isa pang pangarap ni Ruby.

"Kahit itanong pa ninyo kay Mike Enriquez, kinukulit ko siya.

"Sabi ko, ’Gusto kong mag-radyo.’ Kasi, iyon na lang ang hindi ko nagagawa.

"E, pinagtatawanan niya ako, hindi siya naniniwala, e. Akala niya ay nagbibiro ako parati.

"Kasi pangarap ko talaga, maging newscaster, hindi maging artista," nakangiting wika pa niya.

Idinagdag pang puwede silang mag-back-to-back ni Jessica Sojo, ang isang anchor ng GMA-7 news, dahil mukha daw silang magkapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN